CHAPTER 15 (Oh its Saturdate) ^_^ PART 1

Start from the beginning
                                    

"Ah eh gusto ko.....gusto ko ng HALO-HALO." dahil nga mainit yun nalang gusto ko pasalubong.


"Sis, Wag na. Isipin mo nalang na hindi kita tinanong. Halo-Halo tunaw na yun pagbumili ako at iuuwi ko pa dito. Bumili ka na lang diyan sa tabi-tabi meron diyan panigurado."


"Sige gumora ka na nga." pagtataboy ko sa kanya.

Kinuha ko na lang yung cellphone ko at nilaro si Pou. Kahit papaano nakakaaliw din siya.


Tapos ko na siyang paliguan, pakainin, laruin at wala na naman akong magawa.

Bigla namang nagring yun CP ko.

**krinnngggkringgggg

Si Chonggo tumatawag.

"Hello, anong nakain mo at tinawagan mo ko?" tanong ko sa kabilang linya. Noong mga nakaraang araw kase hindi naman to nagpaparamdam. Nilalandi lang niya yung iba naming classmate.

"Wala pa akong kinakain wala pa kase ako sa mood. Mamaya nalang sa lunch sigurado gaganahan na ako kumain kase kasabay na kita.." teka ano daw?

"Ha ano?"


"Ouch ang sakit naman kinalimutan mo na makikipaglunch ka sa akin. Nakakatampo naman. Sige ipapakita ko nalang sa iba yung cute niyong picture ni sir Jomar okay ba?" kamote talaga tong Chonggo na to eh. Kung kaharap ko lang to panigurado kinarate ko na yung ano nito .

"TEKA LANG NAMAN, HINDI KO NAMAN  SINABING HINDI AKO MAKIKIPAGLUNCH SAYO HA. DI BA? SO SAAN BA TAYO MAGLULUNCH?" sinabi ko yun sa medyo mataas na tono.

"Wag na parang napipilitan ka lang naman. Hintayin mo na lang yung reaksyon ng iba nating kaklase dun sa picture."

Nako, bina-blackmail pa niya ako. Kung kanina kakaratihin ko lang yung ANO niya ngayon gusto ko na siyang balatan ng buhay. GRRRRRRRrrrrrr!!!!!


"Okay uulitin ko po, hindi ko naman sinabing hindi ako makikipaglunch sayo. So saan tayo maglulunch?" sinabi ko yun sa pinaka sweet na boses na kaya ko.

"Pwede naman palang ganyan ang tono eh.  Mag-ayos at magdamit ka ng maganda. Txt ko nalang sayo kung saan tayo maglulunch."

"ANO HINDI MO MAN LANG AKO SUSUNDUIN DITO SA BAHAY ABA CHONGGO KA ....."

"Mahal ang gas ngayon, sige bye see you later."

Hindi pa ako yari sa sasabihin ko nagpaalam lang siya at binabaan na ako loko ko to ah.


"Ano yung sinabi niya mag-ayos at magdamit ako ng maayos. Nako kahit ano pa ang suotin ko maganda na ako. Ano kaya kung......."







^^^^^^^^^

Gumayak na ako kase malapit na ang lunchtime tnxt na din niya ako kung saan. Hindi ko alam kung saan yung address na yun ng restaurant kaya magtataxi na lang ako.

^^^^^^^^

Nakapag-abang na ako ng taxi. Binigay ko sa taxi driver yung address na pupuntahan ko.

"Ma'am sigurado po ba kayo na dito kayo pupunta."


"Oo naman Kuya hindi naman ako magpapahatid sayo diyan kung hindi ako diyan punpunta. Di ba?" ang Taray ng lola nyo.

"Okay po Ma'am.'

Pinaandar na ni manong yung taxi niya.

Vibrate naman ng vibrate ang cellphone ko si Chonggo nanaman text ng text ....

Mr.SleepyHeadz and Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now