Naunang maglakad si Kevin papunta sa kotse. Nginitian at pinasalamatan ko muna sina Tito at Nath bago sumunod sakan'ya. He opened the door for me before taking the driver's seat. Nauna kaming umalis kina Tito.

Pagkarating sa condo, kanya-kanya kaming pasok sa sarili naming mga kwarto. Naligo ako't nag-ayos para matulog. Pagkatapos ay lumabas ako para kumuha ng gatas.

Nakasara na ang ilaw sa sala paglabas ko. Tanging ang ilaw nalang mula sa TV ang nagbibigay liwanag dito. The Filipino romance film "Milan", starring Piolo Pascual and Claudine Barreto, is playing.

Curious as to why this is, I quietly walked to the couch. There, I saw Kevin drinking from a can of beer. Nakapajamas na rin siya at tutok na tutok siya sa TV. I don't think he noticed me.

I decided to join him. Instead of a glass of milk, I took a couple of canned beers from the fridge. Saka ako tumabi sa kaniya.

"Ikay..."

I smiled at him. Hindi na naman siya sumagot. I think he was just acknowledging my presence.

Maya-maya, tinawag niya akong muli.

"Hmm?" I asked, taking a sip from my drink.

"Ang pogi ni Papa P, ano?"

Napatingin ako sa screen. Nagclose-up ang camera sa inosenteng ngiti ni Piolo Pascual. I admit, Piolo looked charming. Pero naiinis ako sa fact na galing kay Kevin ang papuri.

I scoffed and rolled my eyes. "Lasing ka na," sabi ko. Nakatatlong can na kaya siya ng beer. Sobra na 'yun sa limit niya. I think he's not thinking straight anymore.

"I like him," Kevin insisted. His eyes stayed glued towards the screen. "Look at him. He's maskulado with a well-defined body. Lalaking lalaki. Tsaka, look at that jaw. If I were him, Dad won't have a problem flaunting his heir."

Napakurap ako sa sinabi niya. So that is what this is all about. He's upset about his father's comment. Kaya ayokong sabihin sa kaniya ang narinig ko kanina sa office, eh. It will just upset him.

But, in my opinion, dapat sabihin nalang niya sa daddy niya ang totoo. Who knows, maybe tito's views will change. Maybe if he learned that his son is gay, he'll start reevaluating his opinions on the matter.

Sasabihin ko sana kay Kevin 'to nang biglang siyang lumingon sa gawi ko. I was taken aback by the tears in his eyes. Umiiyak nanaman siya.

Instinctively, I reached out to wipe them.

"Should I be like him, Ikay?" he asked. When he blinked, more tears came rolling down. "How about the guy we met at the supermarket?"

Tumigil ako sa pagpunas ng kaniyang mga luha. "Sinong..."

"Si Allen," he said. "If I become like Papa P, hindi na ba ako pwedeng mapalapit sa mga katulad ni Allen? Kung pagbibigyan ko si Daddy, magpapaka-'lalaki' na rin ba ako?"

Tulala kong inilayo ang aking kamay sa kaniyang mukha. Narinig ko ang hikbi ni Claudine sa background. Parang gusto ko nang gumaya sa kaniya.

"D-do you like him?" I stuttered.

"Sino? Si Piolo o si Allen?"

Napakurap ako. "Either."

Natawa si Kevin. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung side effect 'to ng alak o side effect ng Kevin sa buhay ko. Napainom nalang ako sa hawak kong beer.

"Mahirap pumili," sagot ni Kevin habang nakatingin sa TV screen. "They're both enchanting in their own ways."

Muli akong uminom ng alak. Ang sana'y isang lagok ng alak ay nasundan. Naubos ko ang laman ng canned beer sa isang tungga. May tumulong isang butil ng luha sa 'king kaliwang pisngi nang maubos ko ito.

Behind the Scenes [Edited Version]Where stories live. Discover now