Sa ngayon, desidido na si Seokmin.

Desidido na siyang gawing tama ang mga pagkakamali niya at ayusin ang mga dapat ayusin.

----

"Goodluck Seoks! Kaya mo 'yan!" Sabi ni Seungkwan sakanya habang nakaway-kaway pa.

"Babe, hinay lang. Masyado kang excited," Sabi ni Vernon na nasa tabi niya.

"KJ ka talaga, syempre ma-eexcite ako kasi finally!"

"Fine. Mananalo ba ako sayo?" Inakbayan naman ni Vernon si Seungkwan. Verkwan is sailing tangina niyo.

"Bahala kayo maglandian diyan, basta pupunta na ako don!" Sabi ni Seokmin at nagpaalam na kila Seungkwan.

Naghihintay naman sakanya si Mang Ron, tinawagan niya kasi ito kanina at sinabing magpapahatid siya sa ospital. Kaya nagpahuli nalang si Seungkwan ng uwi dahil hinintay nila na makarating si Mang Ron sa school.

Waw, frens.

Sumakay na siya sa van at tinahak nila ang daan papunta sa ospital.

Sa totoo lang, kinakabahan siya. Sa isip niya, wala na siyang mukhang ihaharap dahil sa mga ginawa at sinabi niya kay Jisoo. Nung sinabi ni Jun na fatigue ang dahilan, saka niya naisip na kaya pala mukhang nanghihina si Jisoo nung mga araw na sinusuyo siya nito.

Sino ba lolokohin niya? Sarili niya? Kahit naman anong layo niya kay Jisoo, hinihila lang siya nito pabalik sa binata. Kahit anong pilit niyang kalimutan, lalo niya lang itong minamahal. Hindi niya man inaasahan ang pagdating ni Jisoo sa buhay niya, masaya niyang tinanggap ito.

Afterall, mahal niya e. Love comes with pain, diba? Nasasayo na naman kung isusugal mo o mananatili kang tahimik at mamuhay ng may pagsisisi sa katawan. At sa puntong 'to, isusugal na ni Seokmin lahat.

Lahat-lahat.

----

"Hello, saan po 'yung room na may pasyente na Hong Jisoo ang pangalan?" Tanong niya dun sa receptionist.

"Tingnan ko lang po," Nginitian naman niya 'yung babae, hinanap niya naman ito sa computer at hindi nagtagal ay nakita na nung babae.

"Room 1830 po, 3rd floor."

"Thank you."

Umalis na siya at pumasok sa elevator at pinindot ang number 3. Nanlalamig ang kamay niya at parang may kung anu-ano sa tiyan niya. Pinagpapawisan din siya ng malamig, nasa second floor na ngayon ang elevator at lalo lang nanginginig ang mga tuhod niya.

*ting*

Lalong bumilis ang puso niya nung tumunog na ang elevator, senyales na nasa ikatlong palapag na siya. Lumabas na siya mula sa elevator at sinimulang hanapin ang Room 1830.

"1827. . . 1828. . . 1829. . ."

Tumigil siya sa harapan ng pinto, huminga siya ng malalim. Wala ng urungan. Hindi pwede. Matapos niyang magisip-isip, handa na siyang pakinggan ang paliwanag ni Jisoo.

"1830."

Kumatok siya sa pinto, "Pasok!" Narinig niya naman ang boses ni Jisoo. Ang boses na namiss niya, ang boses na hinanap-hanap niya ay maririnig niya na muli. Binuksan na niya ang pinto at bumungad sakanya si Jisoo na nakahiga sa kama.

"Mama nandya--" Natigil si Jisoo sa kung ano mang sasabihin niya, hindi niya inaasahan ang pagdating ng taong gusto niyang makita pero hindi kaya dahil nasa ospital siya.

Paano niya nalaman na nandito ako? Baka sinabi nila Seungcheol, hanep.

"Jisoo. . ." Tawag ni Seokmin sakanya. Walang pasabi, biglang tumakbo si Seokmin kay Jisoo at niyakap ito. Nagulat si Jisoo pero napangiti ito at hinaplos ang buhok ng lalaking tintibok ng puso niya.

Naramdaman niyang basa na ang damit niya, umiiyak na pala si Seokmin. "Seoks, tumingin ka sakin." Inangat niya ang mukha ni Seokmin, pinunasan niya ang luha nito at hinalikan ang noo ni Seokmin.

"Jisoo. . . I'm sorry sa mga nasabi ko sayo. Sa mga nagawa ko, nung nalaman ko na nandito ka, nag-alala ako. Jisoo. . . mis-"

Naramdaman nalang ni Seokmin ang malabot na labi ni Jisoo sa labi niya. Umiiyak siya pero sumasabay siya sa halik ni Jisoo. Patunay lang kung gaano niya ito na-miss. Patunay lang kung gaano siya kasabik na makita muli si Jisoo.

Natigil sila dahil kinakapos na sila sa hininga, dinikit ni Jisoo ang noo niya sa noo ni Seokmin, "Seoks, sating dalawa, mas madami akong nagawang mali. Wag kang mag-alala, naiintindihan kita."

Binaon naman ni Seokmin ang mukha niya sa dibdib ni Jisoo, ang amoy na pamilyar sa ilong niya, itong amoy na 'to ay ang amoy na kailanman ay hindi niya pagsasawaan, "Nung gabing nakita mo kami ni Haewon, hindi ko ginusto 'yon."Nagsimula ng magpaliwanag si Jisoo.

Nanatili namang nakabaon ang mukha ni Seokmin sa dibdib ni Jisoo, dahang-dahan hinahaplos ni Jisoo ang buhok ng lalaki, "Ang totoo, dapat makakabalik na agad ako sayo kung hindi niya lang ako sinundan. Sinabi niya sakin na makipaghiwalay daw ako sayo, I genuinely said to her na hindi ko kayang gawin 'yon."

"Nagmatigas si Haewon, napansin ko naman na may pamilyar na tao ang papunta kung nasaan kami at nung nakita ka niya, bigla niya akong hinalikan. At sakto namang nakita mo 'yon, Seoks."

Nanatili namang tahimik si Seokmin, "Hindi ako galit kay Haewon, galit ako sa ginawa niya. Nagawa niya 'yun sa pagaakalang maghihiwalay tayo pero mali siya."

Naiintindihan na ngayon ni Seokmin, kung nakinig lang sana siya kaagad, edi sana hindi nangyari na nakalimutan pa siya ni Jisoo, "Naghiwalay tayo ah?" Sabi niya kay Jisoo.

"Aba. Hindi ah. Kahit naman nakalimot ako, hindi ka pinakawalan nito," Sabay turo sa kaliwang dibdib niya, "Saka nung nasa Tagaytay pala, I'm sorry. Nung sinabi ko na itigil mo na, but still kahit pinakawalan mo na ko nung oras na 'yun, nakaramdam ako ng pagkainis sa sarili ko."

"Nakalimot man ako Seoks, nanalo pa rin 'yung nararamdaman ko sayo. Nung nauna ka umalis, nanakit ang ulo ko at pag gising ko, nasa ospital na ako."

Hinawakan naman ni Seokmin ang mukha ni Jisoo, "I'm so sorry, Jisoo. Ngayon, malinaw na ang lahat sakin. Saka, hindi din ako galit kay Haewon. Kahit na malaki ang pagkainis niya sakin noon pa man, hindi ako nagalit dun. Iniintindi ko siya." Ngumiti naman si Seokmin kay Jisoo.

Ang ngiting 'to. Ang ngiting gustong makita lagi ni Jisoo. "Seoks, okay na ba. . . tayo?" Dahan-dahan niyang tanong.

"Oo naman. Masyado kitang namiss, at natutuwa ako dahil bumalik ka. . . bumalik na ang Jisoos ko. Yie kilig ka naman diyan,"

Natawa naman si Jisoo, "I love you babe, so bad, so bad."

Automatic na namula ang mukha ni Seokmin dahil kinantahan siya ni Jisoo, unti-unti namang nilapit ni Jisoo ang mukha niya kay Seokmin ng biglang. . .

"Jisoo, na--"

Agad na naglayo ang dalawa, "Hi Mama! Kamusta na po kayo? Ay tulungan ko na po kayo diyan!" Biglang tumayo si Seokmin sa pagkakaupo at tinulungan si Mrs. Hong sa mga dala nito. Ngumisi naman si Mrs. Hong kay Seokmin.

"Sayang, hindi pa natuloy. Kung hindi agad ako pumasok edi sana nakita ko. Hihi." Sabi ni Mrs. Hong kay Seokmin kaya naman nabitawan ni Seokmin ang mansanas na bitbit niya.

"Mama ano ba." Nakangusong sabi ni Jisoo kay Mrs. Hong. Tumawa naman ang ina niya.

"Umiiscore na ang anak ko ha," Asar pa nito. "Mukhang ayos na kayo. Salamat naman,"

Natapos ang gabing 'yon na wala ng bahid ng sakit at lungkot sa puso nila Seokmin at Jisoo. Patuloy silang lalaban dahil alam nilang worth it ang bawat isa. May porneber diba? Sabi sainyo e, HAHAHAHAHA. Joke. Ayos na ang dalawa, handa ng harapin ang bukas ng magkasama.

Thank you for staying with me, Seokmin.

Love Scenario | seoksooWhere stories live. Discover now