Sabado.
Oo. Lumipas ang mga araw at sa mga araw na 'yon ay lalo lang nagiging malapit ang dalawa. Nung gabing napuyat sila DAHIL sa kakachat, ayan kasi landi pa. E nalate sila pareho. Mabilis na tinakbo ni Seokmin ang landas papuntang school at mabilis na nag-bike si Jisoo.
Nung nakarating 'yung dalawa, nagkasalubong pa sila papasok sa room. At pagpasok, boom. Bumungad sakanila 'yung masungit nilang History teacher. Gulo-gulo pa ang polo. Ang buhok.
Ang malala nito, 'yung medyas ni Seokmin. Lumipas ang buong araw nang hindi niya namamalayan na butas pala 'yung medjas niya. Ang dugyot no?
Pero mapagtitiisan na daw sabi ni Jisoo. HAHAHAHAHAHAHAHA. Bas2s.
Nung nalaman ni Jihoon na ang kapartner ni Soonyoung ay si Haewon, umuwi si Soonyoung na puro pasa at kalmot. Nakita 'yon ni Mrs. Kwon, sinabi ni Soonyoung na nanggigil si Jihoon sakanya. Alam niyo sinabi ni Mrs. Kwon may Soonyoung? :")
"Tama lang sayo 'yung ginawa niya,"
Bagay silang maging in-law ni Jihoon. Malilintikan nga lang si Sunyang.
Ngayon ay naghahanda si Seokmin dahil pupunta daw si Jisoo sakanila para sunduin siya. Ang haba ng hair, gRABE?
"Baka hindi niya magustuhan pag ito ang sinuot ko," Alalang sabi ni Seokmin at hinagis 'yung damit.
Grabe naman? Branded 'yun uy. Nagkalika pa siya ng damit na mas babagay sakanya. Seoks, lahat ng bagay sa paningin ni Jisoo. :>
"Eto na nga--" Naudlot ang sasabihin niya nung tinawag siya ni Mrs. Lee mula sa baba.
"Seokmin! May bisita ka! Bilisan mo diyan!" At sa puntong 'yun, sinuot na niya 'yung damit na color navy blue. V-neck. Agad naman siyang lumabas sa kwarto at bumaba.
Pagkababa niya, nakita niya ang nanay niya na kausap si Jisoo. Boom, iniinterview na. Pasado na naman 'yan Mrs. Lee. *wink*
"Saan pala ang punta niyo ng anak ko?" Ngiting-ngiti na sabi ni Mrs. Lee kay Jisoo. Narinig naman ito ni Seokmin kaya napatigil siya.
"Samin lang po ma'am. Project po sa music, e kami po ang magka-partner." Magalang na sabi ng binatilyo. Oh pak, honesty. HAHAHA-- ehem. Project nga ba? Ay.
"Ay ganun ba? Sige. At saka wag na ma'am ang tawag mo sakin. Mama nalang hihi." aY hALA? May karibal si Seokmin kay Jisoo, omaygadue.
Nung narinig 'yon ni Seokmin ay pumunta na siya sala nila. "Ma, ano ba. Hi Jisoo, good morning." Bati ni Seokmin kay Jisoo.
"Good morning, Seoks." Bati ni Jisoo pabalik. Nakita naman ni Mrs. Lee ang ngitian nung dalawa kaya naman umepal siya. Oo, umepal talaga. Grr.
"Wait lang Jisoo, kakausapin ko lang ang anak kong 'to." Hindi na nahintay ni Mrs. Lee ang sagot ni Jisoo at hinila na ang anak niya sa kusina.
"Ma, bakit ba?" Tanong ni Seokmin sa nanay niya. May pagmamanahan naman pala si Seokmin.
"Gusto ko 'yun para sayo. Hihi." Kilig na sabi ng nanay niya sakanya. Namula naman ang dalawang tenga ni Seokmin. Kaya naman lalong natawa ang nanay niya.
"Hindi naman ako gusto," Nagulat si Seokmin sa sinabi niya. Hindi niya inaasahan na masasabi niya 'yun. "Joke." Bawi niya kaagad.
"Umayos ka nga! Malay natin, ah basta. Lumakad na kayo, project ha? Hindi ano... pero pwede na din, gusto ko na magka-apo." Nasamid si Seokmin sa sinabi ni Mrs. Lee sakanya at tiningnan ito na para bang hindi siya makapaniwala.

YOU ARE READING
Love Scenario | seoksoo
Short Story✧。seoksoo ✎... ❝ We made together our love scenario. ❞ ➦ soulivagant © 2018