O13

648 31 52
                                    

"Bakit kaya ganon 'yun? May nagawa ba ako?"

Sa nakaraang ilang linggo, ayan lagi ang tanong ni Mingyu sa sarili niya. Paano ba naman, parang iniiwasan siya ni Wonwoo. Kung kakausapin naman niya, ang tipid mag-salita.

Pero sa iba, hindi naman ganun. Lalo na sa mga babaeng nakikipagusap kay Wonwoo. Hindi ito tipid sumagot.

Nakakapagselos lang naman kasi.

Ilang linggo na niyang tinitiis na ganun ang estado nila ni Wonwoo. Nung nakaraan naman hindi ganon.

Ewan ba niya kung bakit matapos nung plano nila para kila Jeonghan at Seungcheol, nagbago ang pakikitungo sakanya ni Wonwoo.

Sinisisi niya tuloy ang sarili niya.

Tuwing uwian, lagi silang nagpapaalam sa isa't isa. Pero mula nung hindi siya pinapansin ni Wonwoo ay magliligpit lang ito ng gamit at aalis na.

Siya naman, titingin na lamang at pinipigilang umiyak. Ilang araw na din siyang lutang. Napapansin naman ito nila Seokmin.

Sasabihin niya lamang na, "Okay lang ako. AHAHAHAHAHA. Natatae lang ako."

Akala naman ni Mingyu e paniniwalaan siya nila Seokmin. Ano? Araw-araw natatae? Hindi naman sila ganun ka-manhid na para hindi maramdaman na nasasaktan na ang kaibigan nila.

Nakatingin lang si Mingyu kay Wonwoo na masayang nakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan niya, umupo siya sa tabi nito, "Hi Wonwoo!" Masiglang bati niya dito.

Halata namang biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Wonwoo, "Hi." Tipid na bati nito. Hindi naman pinakita ni Mingyu na nasasaktan na siya.

"Kumain ka na?" Masayang tanong na naman niya. Nakamasid lang sila Seokmin kay Mingyu at ramdam nila kung gaano na lamang ito nasasaktan.

"Oo." Sagot muli ng binata.

Kung dati ay ang mga ganyang tanong ay nasusundan ng kung anu-anong topic, ngayon ay hindi na. Sinisikap ni Mingyu na makipag-usap kay Wonwoo.

Gawain na niya 'yan araw-araw e.

Pero sa huli, siya na din ang tumitigil. Para saan pa? Para magmukha siyang tanga? Tanga dahil kinakausap niya pa rin 'yung taong wala namang ganang kausap siya?

Mahirap hindi pansinin 'yung taong nakasanayan mo ng kausapin sa araw-araw. Lumilipas lang ang buong araw na ganun sila. At nahihirapan na si Mingyu.

"Bakit ka ba kasi naging ganyan, Wonwoo?" Kagat-labi niyang sabi sa sarili. Buti na lamang at walang tao sa likod ng school.

"Nahihirapan na ako e. . ." Nangingilid ang luha ang sa mata niya. Dahil sa inis ay binubunot na lang niya ang maliliit na damo sa pwesto niya.

Napasandal siya sa puno at umiiyak. "Pero bakit ganun? Hindi ko kayang magalit sayo? Ang tanga ko e. Sayo pa ako nagkagusto."

Muli na naman siyang napaluha. Ibinaon na lamang niya ang ulo niya sa tuhod niya at dun umiyak ng umiyak. Buti na lamang ay uwian na, sinadya niyang magpahuli ng labas.

Maya-maya ay may narinig siyang mga yabag ng paa, tumunghay siya at nakita niya ang isang pigura ng lalaki. Nakatingin ito sakanya habang may hawak na isang earpiece.

Nanlalaki ngayon ang mga mugtong mata ni Mingyu.

Walang lumalabas sa bibig niya. Parang may nakaharang, hindi siya makapagsalita. Hindi siya nagdalawang-isip na tumayo at lumakad palayo pero isang kamay ang pumigil sakanya.

"Mingyu. . ."

Nilaksan niya ang puwersa niya upang makawala sa kapit ni Wonwoo. Tiningnan niya ito. Nagulat si Wonwoo dahil ang Mingyu na nakikita niya ngayon ay malayo sa Mingyu na nakikita niya sa araw-araw.

Love Scenario | seoksooWhere stories live. Discover now