O18

825 28 34
                                    

Ang araw na ito ay isa sa mga pinakamalungkot at pinakamasayang araw para kila Seokmin. Huling araw na nila bilang mga 4th year students, graduating na sila. Matatag sila dahil sa iisang university sila papasok, 'yun ang naging desisyon nila bago dumating ang araw na ito.

"Mga tanga picture muna tayo!" Sabi ni Soonyoung habang hawak ang cellphone ni Jihoon, hindi naman mahablot ni Jihoon ang cellphone niya dahil tinataas ito ni Soonyoung.

"Hanep ka din ah, cellphone ko pa talaga?" Sabi ni Jihoon habang kinukuha ang cellphone niya kay Soonyoung.

"Oo naman, wala na akong storage e. HAHAHAHAHA."

"Han--"

Natilapid naman si Jihoon pero nasalo siya ni Soonyoung, "Kahit ilang beses ka pang mahulog, nandito pa rin ako para saluhin ka. Congrats satin Uji ko, we made it. I love you."

Natigilan naman si Jihoon sa biglaang banat ni Soonyoung sakanya, umiwas ito ng tingin, namumula ang tenga, "I love you too, Soons."

"Napicturan mo?"

"Oo napicturan ko, tangina shet kilig ang lalandi!"

"Parang kayo hindi, e mas malandi kayo!"

"Ay ano 'yan?"

"Picture bes, alangan namang video diba?!"

"Kaya nga nagtatanong e tangina ka!"

Nalingon naman sila sa gawi nila Jeonghan, Seungkwan at Minghao. Na kasalukuyang nagtatalo-talo. Napasapo nalang sila sa noo at nagkibit-balikat. Hindi na nagbago. Lumapit naman sila Seungcheol sa pwesto nila.

"HOY PICTURE NAMAN TAYO!" Buong boses na sigaw ni Seungcheol. Tapos na kasi ang graduation nila at nandun ang mga magulang nila. Nagkakila-kilala naman ang mga nito, salamat sa mga anak nilang pala-kwento.

Umakbay si Vernon kay Seungkwan. Humawak naman ito sa bewang ni Vernon. Nasa likod si Jisoo at nakayakap sa bewang ni Seokmin. Nakahawak naman si Sooyoung sa ulo ni Jihoon at naka-pose ng peace sign. Ganun din si Jihoon. Si Minghao ay naka-dab kaya nakiride nalang si Jun sa trip ng bebe niya. Nyeac. NyEAC. Nakangiti naman si Jeonghan at nakatingin naman sakanya ni Seungcheol. Nasa likod si Mingyu at Wonwoo at gumawa ng heart.

Si Chan? Ka-holding hands 'yung toga niya.

Tularan si Chan.

Pinicturan naman sila ni Mrs. Boo, at nung matapos ang ilang shots ay nagkagulo ulit sila.

Nauwi rin sa 'In a Relationship' sila Jeonghan at Seungcheol. Omg, my parents. Nakuha rin ni Seungcheol ang matamis na oo ni Jeonghan. Nagtatalon pa nga si Seungcheol nun e nasa mall pa naman sila. Napatakip nalang si Jeonghan ng mukha niya e.

"Seokmin."

Tawag ng isang boses. Lumingon naman si Seokmin saka ang mga kaibigan niya. "Hoy, ba't mo nilalapitan 'tong alaga namin ha?" Mataray na sabi ni Sengkwan.

"Gusto ko lang sana mag-sorry."

Natahimik naman si Seungkwan, lumapit naman si Seokmin sa babae, "Haewon." Ngumiti siya dito. "Ano 'yun?"

"Ah. . . Seokmin." Lumuhod siya sa harapan ni Seokmin, nagulat naman sila Jeonghan, lalo na si Seokmin, "Patawarin mo sana ako sa mga nagawa ko sainyo ni Jisoo, lalo na sayo."

"Uy, Haewon. Tumayo ka diyan." Inakay niya si Haewon patayo, "Matagal na kitang napatawad, matagal na matagal na. Hindi ka pa man humihingi ng sorry, napatawad na kita. Okay na."

Naluha naman si Haewon sa mga sinabi ni Seokmin sakanya. Hindi niya napigilan at napayakap siya kay Seokmin, "I'm really sorry. Gustong-gusto ko lang talaga si Jisoo. I'm sorry kasi ang sama-sama ko sayo. I'm sorry dahil nagpadala ako sa mga insecurities ko. Nakakainggit ka kasi, napaka-swerte mo sa mga kaibigan mo."

Kaya naman pala. Nadala ng inggit si Haewon kaya niya nagawa 'yon kay Seokmin. Ngumiti naman si Seokmin at hinagod ang likod ni Haewon. "Naiintindihan kita, Haewon. Okay na, tahan na."

Tumahan na si Haewon, "I can be your friend. Kaya. . . friends?" Tanong ni Seokmin. Inilahad niya ang kamay niya. Nagulat naman si Haewon, lalo siyang naiyak. Tinanggap niya ang kamay ni Seokmin.

"Friends. Stay strong sainyo ni Jisoo." Niyakap niya si Seokmin at kumaway. Umalis na si Haewon at bumalik na si Seokmin sa mga kaibigan niya.

"Anyare paps?" Tanong ni Minghao.

"Ayun, nakipagayos siya sakin. Tinanggap ko na naman ang sorry niya. Ayos na." Sagot niya.

"Baka kaplastikan lang 'yun," Sabi naman ni Jihoon.

"Hindi beh, ramdam ko na totoo 'yun." Tumango nalang si Jihoon. Nagpaalam muna sila sa isa't isa para makapagpahinga ng saglit, magkikita-kita naman sila mamaya.

----

Umuwi na muna sila dahil maghahanda naman sila ng mga gamit nila, may outing silang magkakaibigan. Overnight swimming lang naman sa isang beach resort. Van nila Seokmin ang gagamitin nila papunta dun.

May tiwala na naman ang mga magulang nila sakanila kaya hinayaan nila ang mga ito. Kasalukuyang namang naghahanda si Seokmin, ilang mga gamit nalang ang kailangan niyang dalhin at all set na siya.

"Ayan, ready na ako mga beh!" Sabi niya sa sarili nung natapos na siya mag-impake. Excited na siya, dati kasi sila-sila lang nila Jeonghan ang naga-outing pero ngayon nadagdagan sila. Kasama niya pa ang taong mahal niya.

Hindi pa ba siya swerte sa lagay na 'yun?

Maya-maya naman ay bumaba na siya dahil 3pm na, tinawag na niya si Mang Ron na para sunduin ang mga kaibigan niya. Huwaw, sosyalin. Sumakay na siya van at una niyang sinundo si Jisoo, matapos ilagay ni Jisoo ang gamit niya ay sumakay na sila.

Untu-unti ay nasundo na nila Seokmin ang mga kaibigan niya. Nakatulog naman si Jisoo sa byahe kaya hinilig niya ang ulo nito sa balikat niya. Nakita naman niyang tulog din pala 'yung mga nasa likod nila.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na sila sa resort. Madami ding tao, pero lamang ang mga magkakaibigan na naga-outing. Nag check-in na sila at nagpunta sa kwarto, magkakahiwalay naman ang magkakalandian. No worries, walang mangyayari-- ay. HAHAHAHAHAHA.

Pagakatpos nilang ilapag ang mga gamit ay nagpalit na sila ng pang-swimming. At nakita nila ang mga kasintahan nila na naghihintay sakanila sa lobby, magkahawak kamay na lumabas ang SoonHoon. Ganun din ang SeokSoo at Jeongcheol.

Pabebe ang JunHao at nakaangkla lang si Minghao sa braso ni Jun. Iniwan ni Seungkwan at Mingyu si Wonwoo at Vernon dahil na-excite sila nung nakita nila ang tubig. Bumuntong-hininga nalang silang dalawa at sinundan ang mga jowa nilang lumalangoy na.

Nagsimula na ding lumangoy ang iba, naka-salbabida pa si Jihoon. Cute na cute naman sakanya si Soonyoung. HAHAHAHAHA. Umahon saglit si Seokmin at tinabihan naman siya ni Jisoo. Pinunasan naman ni Jisoo ang basang buhok ni Seokmin.

"Jisoo," Tawag ni Seokmin kay Jisoo.

"Bakit Seoks?"

"I love you!" Saka hinalikan ni Seokmin ang labi ni Jisoo at tumakbo na papunta sa swimming pool. Tatawa-tawa naman si Seokmin sa itsura ni Jisoo ngayon.

"LEE SEOKMIN!" Tawag ni Jisoo sakanya at sinundan siya sa swimming pool.

Masaya silang lumalangoy. Kain doon, kain dito. Hindi nila alam kung kelan ulit sila makakapag-bonding ng ganito kaya naman sinusulit na nila. Sino nga namang mag-aakala na madadagdagan sila?

Ito ang barkadahang hindi mahihigitan ng kung sino man.

Love Scenario | seoksooحيث تعيش القصص. اكتشف الآن