O15

604 29 40
                                    

Isang linggo na ang nakalipas mula nung nangyari ang aksidenteng 'yon. Lingid na din naman sa kaalaman ng mga teacher ang nangyari kay Jisoo pero hindi na sila nagtanong kung anong nangyari bago mabangga si Jisoo.

Sa isang linggo na 'yon, nagtiis si Seokmin. Siya na ang sumusundo kay Jisoo kahit na tinatanggihan na siya ni Jisoo. Binibilhan din siya ni Seokmin ng pagkain tuwing lunch pero hindi pinapansin 'yon ni Jisoo at bibili na lamang ng bagong pagkain.

Hindi rin pumapasok si Haewon, kung papasok man ay sa umaga lang nila makikita at sa class hours. Halata ring umiiwas ng tingin si Haewon sa gawi nila Jisoo.

"Eto Jisoo, nung birthday ni Wonwoo 'yan." Sabi ni Seokmin pero mukhang walang interes si Jisoo sa kung anong tinuturo niya. Mula nung hindi nakakaala si Jisoo, nagiba na din ang turing nito kay Seokmin.

Ganun din kila Jeonghan. Nagiba ang pakikitungo ni Jisoo. Naging malamig ito. Masakit para kila Jeonghan na makitang ganun umasta si Jisoo sakanila pero mas masakit sakanila na mas nasasaktan ang kaibigan nila.

Gusto nilang mainis, magalit pero hindi ito pinayagan ni Seokmin. "Intindihin nalang natin."

Ang palaging sinasabi ni Seokmin kila Jeonghan. Kitang-kita mo talaga na mahal na mahal niya si Jisoo.

Tinigil na niya ang pagsasalita niya nung naramdaman niya na wala na namang gana si Jisoo. Masakit, oo. Pero mahal niya e, kahit na masakit laban lang. Kasi sabi nga nila, utak lang ang makakalimot pero ang puso hindi.

Napangiti naman siya ng malungkot nung naalala niya ang sinabi niya kay Jisoo.

"Joke lang, Jisoo. I love you, always. Wag mo kakalimutan 'yun ha?"

"Syempre, hindi ko makakalimutan 'yon. I love you more."

Napaisip tuloy siya, kung sa tuwing nakikita siya ni Jisoo. . . may nararamdaman itong kakaiba? May nararamdaman ba itong kakaiba sa tuwing lalapit siya? Sa tuwing nginitian niya ang lalaki? Kasi dati, sa tuwing ngumingiti si Seokmin, sasabihin ni Jisoo. . .

"Lagi mo nalang pinapabilis tibok nito kapag nangiti ka e."

Napagdesisyunan niyang umuwi sakanila dahil Sabado ngayon pero nasa bahay siya nila Jisoo. "Jisoo, uuna na ako ha? Pahinga ka na."

"Hay salamat, aalis ka na rin." Naginat-inat si Jisoo at umakyat na sa kwarto niya. Hindi man lang nagpaalam kay Seokmin. Kahit na sirang-sira na ang puso ni Seokmin ngayon, wala itong ginawa kundi mahalin pa lalo si Jisoo.

Nagpaalam naman siya kay Mrs. Hong, "Ma, uuna na po ako ha?" Halata sa tono ni Seokmin na nagbabadya na itong umiyak. Nilapitan naman siya ni Mrs. Hong at niyakap.

"Seokmin, anak. Nagpapasalamat ako sayo kasi nagtitiis ka para lang maalala ka, kayo ng anak ko. Sana wag mo siyang sukuan. Napakaswerte ng anak ko sayo."

Pero Ma, konti nalang talaga e. Gusto ko na talagang sumuko kasi wala na din naman sigurong patutunguhan 'to.

"Sige po, gagawin ko po ang makakaya ko. Pero Ma, bukas po. Dadalhin ko po si Jisoo sa Tagaytay."

Tumango naman si Mrs. Hong at lumakad na paalis si Seokmin. Nung nasa bahay na siya ay agad siyang dumiretso sa kwarto at umiyak. Na naman.

"Jisoo. . . bumalik ka na. Miss na miss na kita. Miss ko na 'yung dating ikaw. . . 'yung mga biglaang yakap mo at halik. Miss na kita. Kahit na ang sakit-sakit na, hindi dahilan 'yon para mabawasan ang pagmamahal ko sayo. . .

. . . lalo lang nadagdagan."

Iniyak niya lahat ng masasakit na nararamdaman niya. Dahil bukas, dadalhin na niya si Jisoo sa lugar kung saan sila unang nagkasama, ng silang dalawa lang. At 'yun ang Tagaytay. Umaasa siyang sa lugar na 'to, bumalik ang alala ni Jisoo.

Love Scenario | seoksooWhere stories live. Discover now