Nakauwi na si Seokmin sakanila. Nadatnan naman niyang nasa sala ang mama niya. Binati niya ito at agad na umakyat sa kwarto niya. Gabi nung nakauwi siya at pagod na pagod mula sa byahe.
Agad niyang sinalampak ang sarili sa kama at niyakap ang unan. Muli, umaagos na naman ang luha sa mga mata niya. Pagod na ang mata niya sa kakaiyak tuwing gabi ngunit mas pagod na ang puso niya sa paulit-ulit na pangyayari.
"Pero mahal na mahal pa rin kita Jisoo." Sambit ng binata habang tinitingnan ang picture sa cellphone niya.
"Hindi naman lahat pwede mo pang ipaglaban, lalo na kung siya na mismo ang nagtulak sayo para sumuko."
Natatawa siya na naiiyak. Hindi niya kayang magalit kay Jisoo. Hindi niya kailanman magagawa 'yon. Kahit pa naging ganon ang trato sakanya nito, mahal na mahal niya pa rin ito.
At walang nagbago dun. Hawak-hawak niya ang dibdib niya at umiyak, napakasakit para kay Seokmin na bitawan ang taong unang nagpatibok, nanakit at nagpasaya sa puso, sa kanya at sa buhay niya.
"Ang bilis naman matapos ng kwento natin, Jisuso ka." Basag na basag naman ang boses ni Seokmin. Sa likuran ay hindi niya napapansin na may mga taong nagpipigil lang din ng kanilang mga hikbi, pero dakilang traydor ang luha. Tuluyan itong tumakas.
May isang pigura ang nagmadaling pumunta kay Seokmin at walang anu-ano ay may naramdaman si Seokmin na yumakap mula sa likod niya. "J-jihoon?"
Si Jihoon na madalas siyang barahin, nakayakap ngayon sakanya at sinasabayan ang pag-iyak niya. Nilingon niya ang likod at nakitang nandun lahat ang mga kaibigan niya. Si Jeonghan, Seungkwan, Mingyu, Minghao, Soonyoung at Jihoon.
In times of pain and sadness, malalaman at malalaman mo kung sino ang mananatili sa tabi mo, at ngayon naman, binabalik nila kay Seokmin ang mga ginawa niya para sakanila.
"B-bakit kayo nandito?" Bumitaw sa yakap si Jihoon at tiningnan si Seokmin.
"Nalaman namin kay Tita na umalis ka, pero. . . hindi daw maganda ang mood mo kaya naman napag-desisyunan namin na dito na matulog." Paliwanag ni Jihoon.
"Nandun ka nung mga oras na nangangailangan kami." Sabi ni Jeonghan.
"Kaya hayaan mo kaming ibalik 'yun sayo," Nakangiting sabi ni Minghao.
"Kami ang magsisilbing lakas mo ngayon, Seoks." Nag peace sign naman si Soonyoung sakanya.
"Hindi kami sanay ng ganyan ka, si Seungkwan lang maingay saka si Soonyoung. Nakakasawa kaya." Biro ni Mingyu.
"What are friends for?" Niyakap naman ni Seungkwan si Seokmin.
He couldn't ask for more. Kahit na nawala na sakanya ang taong mahal niya, nanatili ang mga kaibigan niya sa tabi niya. Nagsaya silang magkakaibigan, hindi man totoo ang mga ngiti at tawa ni Seokmin ngayon, alam nila Jeonghan na babalik din ito sa dati.
Ginawa nila lahat, nagkwentuhan, movie marathon, at kung anu-ano pa. Syempre, hindi mawawala ang sagutan nila Seungkwan at Mingyu, anong dahilan? Pagkain. Kahit na alam nilang Lunes bukas at may pasok na, nagpuyat sila.
Bahala na, mapasaya lang nila ang kaibigan na ngayon'y nangungulila.
Nababahala lang si Seokmin para bukas. Hindi niya alam kung paano niya haharapin si Jisoo ngayong wala na sila. Hindi nalang niya inisip 'yon at itinuon ang atensyon sa mga kaibigan niya.
----
"Hoy! Malelate na naman tayo Lee Jihoon!"
"Nasaan toothbrush ko?!"
"Tanga! Naiwan mo toothbrush mo ah?"
"Ay oo nga, bahala na."
"Seoks, pahiram ng medjas! Wala pala akong nadala puta!"

YOU ARE READING
Love Scenario | seoksoo
Short Story✧。seoksoo ✎... ❝ We made together our love scenario. ❞ ➦ soulivagant © 2018