OO9

742 27 67
                                    

Sabado ngayon at maagang gumising si Seokmin. 10 am ang call time pero 8 palang at gising na siya. Hindi siya excited mga bes, hindi talaga. Dahil hindi siya excited, naghanda siya ng sandamakmak na damit. Pamimilian daw niya. Jusko po.

Tapos na siyang maligo, tapos na siya mag-ayos, pero ngayon nagdadalawang isip siya kung anong mas babagay sakanya. "Hindi 'to. Ang panget sakin. Tanjines." Binato niya yung polo na white. Sunod niyang kinuha ang isang t-shirt na loose.

"Mukha naman akong ewan dito. Ba't ba 'to binili ni Mama sakin?" Binato niya ulit ito. Huy sayang tiklop ng nanay mo! Pumili siya ng pumili at sa bawat pagpili niya ay bato din siya ng bato.

"Ah, ito nalang!" Hay salamat.

Pinili niya 'yung sweatshirt niyang blue, sinuot na niya ito. Kapartner naman 'nun ay pantalon na black at sneakers na white. All set na ba Seokmin? Tiningnan niya kung anong oras na at nanlaki ang mga mata niya.

"9:45 na pala hehe." Napakamot siya sa batok niya. Oo, ganun ka katagal. Susmaryosep. Nilingon niya 'yung kwarto niya at nanlumo siya.

"Ang... kalat." Buti naman at alam mo, bato ka ng bato ng mga damit mo e. Tiklupin mo.

Habang naghihintay kay Jisoo, niligpit muna niya 'yung mga damit. Inilagay niya ito sa kama niya at tiniklop. Pero dahil dakilang kabayo si Seokmin ay mabilis niya 'tong natapos. Wala pa si Jisoo dahil saktong 10 daw ito pupunta.

"Ano kayang mangyayari 'no?" Sabi ni Seokmin sa sarili niya. Hindi talaga siya excited mga mamsh. Hindi, no no.

Mula sa baba ay narinig niya na may nag-doorbell. Agad na siyang bumaba at nakita ang mama niya na pinapasok si Jisoo sa bahay nila, napatingin naman siya sa orasan, "10 ka nga dumating." Nakangiting sabi niya kay Jisoo.

"Good morning, oo naman. Ako pa ba?" Napansin ni Seokmin ang ayos ni Jisoo. Naka-poloshirt ito at ripped jeans. Naka sapatos ito ng white. Tangina ang gwapo mo Jisuso ka. Huhu. Kaso kay Seokmin ka na. Iyaq. Kay Chan nalang ako hekhek.

"Sabi ko nga. Ma, una na po kami. Ingat ka dito." Sabi ni Seokmin sa Mama niya na busy mag-ayos sa kusina.

"Oo 'nak. Jisoo, ang anak ko ha? Wag mo pabayaan." Paalala ni Mrs. Lee kaya naman namula ng bahagya ang mukha ni Seokmin.

"Tulad po ng sabi ko kay Jeonghan, responsibilidad ko po ang anak ninyo. Hindi ko po mapapatawad ang sarili ko kapag hindi ko nabantayan ng ayos si Seoks." oKAYYYYYYY ANG LANDI MO JUSKO!

"Panatag na loob ko. Osya, sige. Mag-iingat kayo." Nagpaalam na silang dalawa. Pagkalabas nila ay bumungad kay Seokmin ang itim na kotse.

"Jisoo, kaninong kotse 'to?" Tanong niya kay Jisoo.

"Sakin 'yan. Minsan ko lang ginagamit kapag aalis ako ng medjo malayo. Regalo sakin ng tatay ko." Nginitian niya si Seokmin na nakaawang ang bunganga. Ano ba, manners. HAHAHAHAHAHA.

"N-nakakahiya naman. Ayoko sumakay kapag ako ang una diyan," pABEBE KA PA.

"Wag ka ng mahiya. Nakasakay na diyan ang magulang ko." Pinagbuksan naman ni Jisoo ng pinto si Seokmin, "Sakay na." Wala ng nagawa si Seokmin kundi ang sumakay. Maya-maya ay pumasok na din si Jisoo at inistart ang sasakyan.

"Saan punta natin?" Tanong ni Seokmin habang nagsi-seatbelt pero mukhang matatagalan bago pa niya mai-iseatbelt ang sarili niya.

"Sa mall, bibili tayo ng pang-regalo kay Wonwoo." Napansin naman ni Jisoo na nahihirapan ang bebe niya sa pagsiseatbelt kaya naman lumapit siya ng kaunti at siya na ang nag-seatbelt. Naamoy tuloy ni Seokmin ang pabango ni Jisoo na kinaaadikan niya.

"T-thank you," Nauutal niyang sabi. Ginulo naman ni Jisoo ang buhok niya at tumawa.

Cute niyo tangina. May porneber este poreber. Hehe.

Love Scenario | seoksooWhere stories live. Discover now