"Seryoso ako."

Hindi lang naman ako, pati rin ikaw. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko.You think I couldn’t handle myself? Ang liit talaga ng tingin mo sa akin, ano?”

“Hindi iyan ang nais kong sabihin, Rosalinda.”

“Don’t call me that!” sigaw niya rito. Marahas niyang binawi ang braso. “Hindi mo alam kung ano ang nangyari sa akin, Drek. Napakaraming nangyari sa loob ng mahigit dalawang taon.” She was dragged to places she had never been. She was wrong when she always thought she could defend herself. Napakalaking kamalian ng inisip niyang iyon.

Unti-unting bumangon sa kanyang alaala ang mga nangyari sa pagitan ng mga panahong iyon. Then, breathing became difficult.

Dinulugan siya ni Drek subalit lumayo siya.

Goodness, Rose. Huwag mong ipakita ang kahinaan mo sa dalawang lalaking ito.
Sunod-sunod siyang huminga nang malalim. And when she felt she was okay, she faced them.

She was disgusted at the look on Drek’s face. Pity. Iyan ang pinakahuling gusto niyang makita sa mga mata nito.

“Bato, may nakalagay bang sign na ‘Private Property’ ang inaapakan namin ngayon? Wala naman, hindi ba? Hindi lang ikaw ang nagmamay-ari ng lugar na ito. Isa pa, may patnugot ako sa mga nakakatanda na pwede akong pumunta rito. Ano bang problema mo? Hindi kita maintindihan kung bakit ganyan kainit ang dugo mo sa akin.”

“Ayoko sa mga katulad mong dayo. Hindi ka nararapat sa lugar na ito.”

“Tama siya, Rose. Mas mabuti pang umalis na tayo sa lugar na ito.”

Pinanlisikan niya ng mata si Drek na ikinatahimik nito. Marami pa itong gustong sabihin ngunit mas piniling manahimik na lang. Good decision.

“At sa tingin mo, gusto rin kita? My gosh. Hindi ka nga rin makapasa sa standards ko.” It’s not because he belongs to a tribe. She could fall in love no matter what tribe or race the man belong. Hindi lang niya gusto ang ugali nito. “Para malaman mo, sinabihan din ako na ipaalam sa iyong may pagtitipon na magaganap mamayang gabi. At bawal kang hindi sumipot. Isang kalapastanganan iyon para sa iyong mga ka-tribo.”

“Kung pumunta ako o hindi, nasa mga kasamahan ko na iyon. Wala kang pakialam. Umalis na kayong dalawa bago pa ako makagawa ng hindi maganda sa inyong mga taga-labas.”

“Subukan mo lang saktan si Rose, ako ang makakalaban mo,” sabat ni Drek sa usapan nilang dalawa.

“Isa na namang taga-labas ang nakapasok. Magmula nang dumating ka, babae naging magulo na ang tahimik naming lugar.”

Napalabi siya.

Hindi niya kasalanan iyon. Wala naman talagang lugar na payapa. Hangga’t nagkakaroon ng pagsasalungat ng mga ideya, malaki ang tsansang gugulo ang isang lugar.

“Dahan-dahan ka sa mga pagsasalita mo. Baka akala mo hindi kita papatulan. Diyan ka na nga.”

MALALIM NA ang gabi subalit animo nagsisimula pa lamang ang kasiyahan. Natapos na ang seremonyas at nag-iinuman na lamang ang mga katutubo. Nagkukuwentuhan sa mga nangyari sa kanila sa buong maghapon.

Pinilit ni Rose na makisabay sa mga ito. Sinubukan din niya ang mga alak na gawa ng mga ito ngunit hanggang isang baso lang siya. Kailangang huwag siyang magpakalasing. Malayo pa ang lalakbayin niya, nila pauwi. Kung sasama sa kanya si Drek.

Hindi rin lumagpas sa mga mata niya si Bato, matamang pinagmamasdan siya. Kung ipagpapatuloy nito ang paraan ng pagkakatitig nito, baka isipin niyang nahuhulog na ito sa kanya. Na baka umaakto lang itong galit sa kanya pero may lihim na pagtingin sa kanya. Boys. Wala talagang makakalagpas sa kagandahan niya.

Only Rose Where stories live. Discover now