TWENTY-TWO

6 0 0
                                    

DREK hated Kadriel's guts. Wala na itong karapatang makipagkita kay Rose. He was already married.

Kailan pa naging kasalanan na makipagkita ang isang lalaki sa single na babae? Not unless he cheats.

He hated it when Kadriel acted like nothing happened while Rose entertained him. Dapat itinaboy niya ito.

Mabigat ang talukap ng mga mata niya. Mga ilang oras lang ang tulog niya for a couple of days. Maybe two or three hours.

Muntik na siyang atakihin sa puso nang malamang wala na si Rose sa bahay nito. He looked for her everywhere. Si Bato ang nagsabi sa kanya na dinukot ito at sinabi ang direksyon na dinaanan ng mga lalaki.

He was able to catch up with them. Hanggang sa isang abandonadong lugar na pinagdalhan ng mga ito.

Bantay-sarado ang buong lugar. Nahirapan siya noong una na makapasok. Naghintay pa siya ng ilang oras na umabot ng isang araw bago naging lose ang seguridad sa gusali. Saka siya tumawag  ng mga pulis.

Kulang na lang siya ang mamatay nang marinig ang isang alingawngaw ng putok ng baril.

Tiyempo din na dumating ang mga pulis na tinawagan niya. Nagkaroon ng palitan ng putukan hanggang sa matalo ang kalaban. They where able to infiltrate the area and saw the almost lifeless body of Aling Corazon and Rose.

There were dark circles on Rose eyes. Maputla rin ang mga labi nito. She breathed heavily.

Mariin siyang napapikit.

He couldn't afford to let it happen again. She will protect her. Kung dumating ang pagkakataon na ibigay niya ang buhay para sa babae, gagawin niya. Para maging safe lang ito.

"You're still beautiful, Rose. As ever," saad ni Kadriel.

"Don't flirt with her. Kung hindi, isusumbong kita sa asawa mo," banta niya.

Napalingon sa kanya ang dalawa. "What's wrong with you? Darl- I mean Kadriel was only stating a fact," sabat ni Rose.

"Kapag siya ang nagsabi na maganda ka, katotohanan. Pero kapag ako, kasinungalingan? That's discrimination, Rose."

"When did you even complimented me?"

Maraming beses. Sa kanyang isipan. Subalit hindi niya magawang sabihin. Parang pinipigilan ang dila niya na magsalita.

Torpe ka lang.

"Never. Hindi ka naman maganda."

"How dare you lie! Men fall head over hells to me. Right, darling?"

Darling.

Dating endearment ni Rose kay Kadriel noon. Bakit parang may sumipa sa puso niya? The effect of sleepless nights, perhaps?

"Maliban sa kanya."

Bumukas at tumikom ang bibig ng babae. "Well, I..."

"She has a soft spot in my heart. I will be forever grateful that I met Rose. But I love my wife so much. I'm sure, Rose will find the man that she deserved."

Nahuli niya ang pagdaan ng lungkot sa mga mata ng babae ngunit bigla rin itong nawala.

She still loves him. She couldn't even let go of her feelings for that man.

"I don't have any time sa love life, Kadriel. I'm too busy."

"Don't be too busy for love, Rose. Look at me. Masaya na ako dahil nakamit ko na rin ang pag-ibig na hinahanap ko.  "

"Yeah, yeah. I know you're happy with Charinda. You go now. I'm tired. I need to rest."

Tumayo ang lalaki. Tumingin sa relo nito. "If you insist." Tumingin si Kadriel sa direksyon niya. "Protect her, well you?"

"Hindi kita boss," sagot niya. It irritates him. Hindi na kailangang pakiusapan siya kung kaligtasan ni Rose ang nakasalalay. "Umalis ka na."

Tumawa lang ito. "Bakit ba pinagtatabuyan ninyo ako? Perhaps...may na istorbo ako?"

Naglipat-lipat ang tingin nito sa kanila ni Rose. "Of course not! That's gross, darling. I had my vow of celibacy two years ago. Besides...I will not enter another relationships. It  will just a waste of my time. "

"Rose, if it's because of what I did."

She sighed. "No, Kadriel. I will heal first. I'm too broken right now. Unfair sa magiging partner ko kapag hindi ako buo. Bubuuin ko na muna ang sarili ko. As corny as it may sound. Besides...I'm too tired for flings. Nor fuck buddies. I'm not getting any younger. I want to build my own family soon. If everything will be okay. I want someone who will accept me for who I am despite my past."

Pinisil ni Kadriel ang kamay ni Rose. "I will support you. But this man right here accepts you for who you are. Tama ba ako, Drek?"

Napakurap siya. "Bakit nasali ako sa usapan?" Kinamot niya ang batok. "Settle your problems, ex-lovers."

Pinanliitan siya ng mga mata ni Rose. "I don't like to hear that word. Ex-lovers. And Darling, let me correct you. That man has nothing to do with me nor I with him."







Only Rose Where stories live. Discover now