Marahan kong minulat ang aking mga mata at umawang ang bibig ko sa saking nakita.
Talagang magugulat ka--- pano ba naman kase nasa ring na ako at sa baba naman may mga nakahelerang mga deadly weapons. At nagkaroon pa ng pader sa gilid just--- Woaaaaaahhh!

"Princess!"

Napalingon sa tumawag nun. Sila Kuya Geo--- at kumpleto sila. Teka, kailan at paano sila nandito? Ang gulo. May hidden hideout ba ang lugar na'to?

"K-Kuya—" hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang magsalita si Kuya Xander.

"Magandang ideya ang pagsunod mo sa rabbit, welcome dito sa training field na'min." Pagbati niya at dinala ako ni Kuya Xander sa ring kung saan may mga iba't-ibang bigat na punching bags. Samantala sa baba naman ay nanonood lang sina Kuya Geo, Zavier at Oliver.

"Okay, princess. We have two punching bags here na gagamitin na'tin sa training. This one is for you and this one is for your worldwide handsome brother like me." Sabi ni Kuya Xander sa'kin matching with taas-taas kilay pa.

Hehehe ang hangin.

"Si Kuya Xander talaga ay napakahangin." Asar ko at lumapit doon sa isang punching bag.

"'Wag ka na ngang umepal--- Ayaw mo nun? Naging Kuya mo yung isa sa mga PINAKAGWAPO sa mundo."

Wow naman, diniinan pa talaga ang PINAKAGWAPO. Oh edi ikaw na--- well totoo naman. Gwapo naman talaga siya e. Hihihi.

"Shall we start?" Tumango ako bilang sagot kay Kuya Xander at sinimulan na niya ang pagtuturo sa akin.

***

ANG LAHAT ng tinuro niya ay related sa physical combat pero minajor na sa'kin ang hand to hand combat. Iba't-ibang klase tulad ng straight punch, side punch, elbow punch, down and upper punch and etc.

Ilang oras niya yung itinuro sa'kin at sa mabuting palad ay nafamiliarize ko ang lahat ng iyon. Nakita ko si Kuya Xander na may kausap sa phone. Nang magtapo ang mga tingin namin ay binaba na niya ang tawag at nginitian ako.

"Bakit Kuya?"

"Wala naman. Si Mom, tumawag. Kinamusta niya tayong lima so I answered we're all fine."

Ahh. So si Mrs. Maxwell pala ang tumawag. Ang bait niya talaga.

"Akin na yang kamay mo princess, aayusin ko yang benda na nilagay ko sayo." Sabi niya at inayos yung benda sa kamay ko. Oo nga pala, nilagay niya ito kanina bago pa niya ako simulang turuan.

Nakatingin lamang ako sa ginagawa ni Kuya Xander. Ang gentle niya umayos, pakiramdam ko para akong isang mamahaling vase na dapat pag-ingatan.

Ganito ba yung feeling kapag close kayo ng kapatid mo?

Or kapag may kapatid?

"Ang sweet mo pala kuya 'no?" Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang katagang iyon. Kusa na lamang lumabas sa bibig ko.

"Syempre, si Xander James Maxwell na ata 'to." Mayabang niyang sagot na mahina kong ikinatawa.

"Ayieee ilan kaya yung girlfriend mo?" Pang-aasar ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin at kinamot na lamang ang pisnge.

"Ahh--- hehehe. Girlprend? Required ba yun?"

Nagulat ako sa sinagot niya. "Hala Kuya Xander. Don't tell me wala kang---" agad niyang tinakpan ang bibig ko.

"Ssssh ka lang pwede? Baka isampal mo pa sa'kin."

"So bakit nga wala?"

"Ee--- wala akong makita. Bakit? May kilala ka? May erereto ka?"

Be The Sister Of 4 Mafia Maxwell Brothers [EDITING]Kde žijí příběhy. Začni objevovat