CHAPTER 5

4.9K 154 6
                                    

Xyra Charvi Maxwell's POV

INAKBAYAN ako ni Kuya Oliver para ipaalala sa'kin na may training kami ngayong araw. Tila pumiko ang tuhod ko sa braso niya. Ang bigat!

"Arghhhh--- alisin mo yang kamay mo kuya ang bigat kaya." Pero tumawa lamang siya at sinunod niya nga ang sinabi ko. "Si Kuya Oli talaga ay--- may kasalanan kapa kaya sa'kin." Nakanguso kong sabi sa kanya. Pero inirapan niya lang ako. Ang sungit eh.

"Whatever. Let's go outside." Sabi niya at naunang naglakad. Bipolar ba'to?

Ilang minuto akong hindi pinansin ni Kuya Oli hanggang sa nakarating kami sa likod ng bahay. Namangha ako dahil hindi ko akalain na ganito pala kalawak ang bahaging likuran ng mansion ng pamilya Maxwell.

Pero... Teka anong ginagawa namin dito sa likod

At saka ang daming mga puno at damo dito ba talaga kami pupunta? Gubat 'to ah?

"Teka lang Kuya--- bakit tayo nandito? Nandyan ba talaga sila Kuya Geo?" Takang tanong ko, tumango naman siya. Mahirap na pagwalang alam.

Hindi naman sa wala akong tiwala, pero guys--- maikling panahon palang ang lumipas para pagkatiwalaan ko sila ng buo. Mga lalake rin sila. Nag-ooverthink na ako.

Nagsimula na kaming pasukin ang gubat. Maigi kong tiningnan ang dinadaanan namin, ako yung sa unahan at si Kuya Oli naman sa likod. Ilang minuto na naman ang lumipas. Kanina pa kami palakad-lakad at niisang hagilap ay hindi ko nakita sina Kuya Geo.

Sabi ko na nga ba. Baka ginugudtaym ako.

Training-training pa ee hide and seek lang pala. Dapat sinabi na lang nila sa'kin ng klaro, maintindihan ko naman kung mga isip bata sila.

Tatanungin ko sana ulit si Kuya Oli nang wala na pala ito sa likuran ko. Just what?

"Kuya?" Hinanap ko siya. Kung saan-saan pa ako luminga pero hindi ko talaga siya makahanap.

Whaaaaaahhh ano 'to? Aabandunahin niya ako dito? As in dito sa gubat? Sira ulo ba siya?

"KUYA!" sigaw ko pero wala paring Oliver Kyle Maxwell na sumagot.

Gusto kong umiyak. Nasa gitna ako ng gubat. At ako pa mag-isa. Nakakainis ka Kuya Oliver, makakatikim ka talaga sa'kin pag nakita kita. Hihilahin ko talaga iyang buhok mo. Huhuhu.

Kinakabahan na ako. Naglakad na lang ako ng mag-isa para hanapin siya baka sakaling makita ko ang loko.

"Kuya! Na saan kana?"

Parang mabibingi ako sa katahimikan ng gubat. Pero napalingon ako nang may marinig akong kaluskos sa damuhan.

"Sino yan?" dahan-dahan akong lumapit sa gawing iyon. "Kuya Oliver?"

Pero may kung anong bagay ang biglang tumalon palapit sakin dahilan napahiga ako sa sahig. Titili sana ako nang makita ko kung ano yun.

RABBIT?

Pero kulay blue ang mga mata nito. Bago 'to ah? May ganun bang rabbit? Umupo ako mula sa pagkakahiga at tiningnan ang rabbit. Tumatalon-talon ito papalayo sa'kin kaya sinundan ko. Sinundan ko ang rabbit hanggang sa napadpad ako sa isang lugar na masyadong malawak at nasa gilid lng nakahelera ang mga puno na para bang isang field?

Teka battle or training field ba'to?

Nakaramdam na lamang ako ng pagkayanig ng lupa, agad akong umupo at tinakpan ang ulo saka pinikit ang mga mata. Mga ilang segundo rin yung lindol at hanggang sa matapos na ito.

Be The Sister Of 4 Mafia Maxwell Brothers [EDITING]Where stories live. Discover now