“Tsk.” Narinig kong mahinang pag ttsk nitong katabi ko. (problema naman nito?)

“Ahmm excuse me?” Dahil sa pag-iisip ko eh hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa harap ko yung si Ryza Tumale daw. (may kapangalan pa ah yung wagas makapangbully sa akin)

“Ahmm yes? What is it?” sagot ko dito.

“Look, after a couple of years its my first time again here so pwede sa seat mo na lang ako maupo? Mas madali kasi ako makakapag adjust kung sa malapit sa mga kakilala ko na ako uupo right? Pwede ba yun?” Ang nice ng pagkakasabi niya pero its weird parang may ibang agenda kasi siya eh lalo na't pasulyap-sulyap siya dito sa katabi ko, nagdadalawang-isip tuloy ako kung papayag ako or hindi kasi kung tutuusin okay lang naman sana sakin.

(A/N: Okay lang ba talaga? Totoo? Weh? HAHAHA)

Papayag na sana ako kaso bigla kong naramdaman ang pasimpleng pagkalabit sa akin nitong katabi ko, kaya naman nilingon ko na muna siya at hindi ko alam kung matatawa ako or hindi sa klase ng itsura niya ngayon, parang natatae na hindi ko maintindihan.

Bago pa man ako humagalpak sa tawa ay napansin ko na may inilagay siyang kapirasong papel sa ilalim ng desk ko at pasimple niyang inihulog ang ballpen ko.

Nagets ko naman ang gusto niyang iparating, kailangan kong pulutin yung ballpen para magkaroon ako ng dahilan para mabasa yung nakasulat sa papel, kaya yun na din ang ginawa ko.

“Wait nahulog kasi ballpen ko,” bigla kong sabi sabay yuko para hindi na makaangal si ate girl.

'DON'T LEAVE ME'

(iyon ang nakasulat sa kapirasong papel)

Hindi ko pa rin maintindihan pero ay bahala na nga, huminga ako ng malalim saka bumaling kay ate girl.

“Ahmm I'm sorry pero can you just sit there (sabay turo sa iba pang vacant seat na naroon sa room) transferee din kasi ako dito kaya on process pa din ako sa pag aadjust and I heard na dati ka na rin namang dito nag aaral at nagbabalik ka lang so I believe na bukod dito sa mga katabi ko ay may iba ka pang mga kakilala dito sa school unlike me na wala pa halos kakilala kaya pag ako lumipat back to zero pero kung ikaw 50% agad diba? Kaya sorry ha?” Alam kong medyo attitude ang dating ko dun pero kung sino man ang nasa kalagayan ko eh ganon din siguro ang gagawin. Ikaw ba naman, panay ang pisil nitong katabi ko sa kamay ko na natatakpan ng bag naming dalawa hays.

“Huh? Ah eh pero---

“Sis come here dito ka na lang kasi sa tabi ko para makapag-adjust ka agad,” may halong sarkasmong pagpuputol ni RYZA? (Yung isa pang Ryza 'Ryza Michaela' ang real name) sa sasabihin ni ate girl na kung maka'sis ay wagas, wow! Baka naman kambal talaga ang dalawang yan.

Wala nang nagawa si Ryza #2 Sorry naman parehas kasi silang Ryza eh edi Ryza #1 at Ryza #2 nalang haha Anyway mabalik tayo dito sa katabi ko na panay nanaman ang kalabit sa akin, hanuh ba yan? Ginawa ko na nga yung gusto niya eh.

“Why?” pabulong kong sabi sa kanya and he just mouthed “Thank You” kaya in return I just smile a little para hindi naman magmukhang maldita no?

Kasi naman 'till now inis na inis parin ako dun kay ate girl.

Sa totoo lang curious pa din ako kung bakit parang ayaw na ayaw niyang makatabi si ate girl, ayst bahala na nga sila.

Lunch sa Library.....

At dahil ako naman ang may reporting bukas, ako naman ngayon ang nasa library at sumama lahat yung apat.

(Cathy, Vivian, Jhanece and Kisha)

“Nakakaasar nandito nanaman yung Tumale na yun,” inis na inis na sambit ni Cathy.

“Oo nga akala ko nga di na babalik yun eh tsk,” asar na dagdag pa ni Kisha.

“Bakit ano bang meron sa Tumale na yun?” naguguluhang tanong ko. (mas okay nga siguro kung Tumale nalang ang itawag ko)

“Oo nga bakit asar na asar kayo?” tanong din ni Jhanece.

“Eh pano ang lakas ng topak ng isang yun may pagka obsessed pa man din yun kay Vladimir,” pagpapaliwanag naman ni Vivian.

“Oh! mukhang mapapatrouble ka nanaman Bes Ayu hahaha,” tumatawa pang ani Jhanece.

“Huh? Bakit ako? Ano naman kinalaman ko dun?” nagtatakang tanong ko.

“Obvious ba insan? Bakit? Nakita mo na bang may kinausap na iba si Vlad bukod sayo?” saad ni Cathy na may kasama pang makahulugang ngiti.

“Ahmm Ako? Kinausap ako ni Vlad nung hinahanap namin si Ayumi pero inaway nga lang ako,” pagsingit naman ni Jhanece.

“Exactly! Si Ayumi pa din ang dahilan kaya ka niya kinausap diba?” Si Kisha naman ngayon ang sumagot.

“Oo nga no? Hahaha Lagot ka talaga bes hahaha,” ay grabe ang bait niyang bestfriend.

“Ewan ko sainyo, wag nga kayong maingay at may tinatapos akong report,” nasabi ko nalang para tumigil na sila.

Mapang-asar na ngiti at tawa lang ang iginanti nila.


To be continued.....
©Mikireyaki(AteMikay)
FB Account: Mikay Grasseto

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now