Medyo madilim sa part na ito ng library kaya mainam para sa katulad kong naghahanap lang ng excuse para tumambay at umidlip haha

Pagkatapos makuha ang napili kong libro ay umupo ako sa lapag at laking gulat ko nang may masagi ako.

“Oh my gosh!” bigla kong nasambit at saka mabilis din na tinakpan ang aking bibig dahil nasa library nga pala ako.

“Arrrgh, kakaidlip ko palang eh nananaginip na sana ako eh--- Nisa-baby ikaw ba yan?” tila naalimpungatan na saad nung nasagi ko tao pala na mukhang alam ko na kung sino.

“Why are you here. Dito ka pa talaga natulog?" medyo may pagtataray na tanong ko. (Para namang hindi ko din balak umidlip dito hahaha)

“I'm sorry my Mila---- I m-mean N-Nisa-baby,” tama ba ang pagkakarinig ko?

“Wait, what? May sinasabi ka kanina eh,” curious na curious na saad ko.

Akmang lalapitan ko siya pero pinigilan niya ko at dali-daling tumayo, walang pinalampas na sandali at agad na nagtatakbo palabas wala ring pake kahit pa sigaw ng sigaw yung librarian at pinapabalik siya.

“What the hell, ano bang nangyari dun? Bakit parang ang dami niyang sekreto at madami siya kakaibang kilos?” naibulong ko na lamang sa aking sarili.

Dahil sa nangyari ay nawalan na ako ng mood manatili sa library kaya lumabas na din ako at naglakad-lakad hanggang sa narating ko ang isang pamilyar na lungga, ang opisina ni Vlad, di ko nga alam kung bakit dito ako napadpad.

Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at laking pasalamat ko nang hindi ito naka lock at lalo akong nakahinga ng maluwag ng marating ko ang isa pang kwarto sa loob ng opisina, walang katao-tao sa lugar na ito ngayon at yun ang talagang ipinagpapasalamat ko mabuti na lamang at may sa matang lawin ang aking mga mata at natandaan ko ang passcode ng kwarto ni Vlad nang minsan niya akong dinala rito.

“Makikihiga na muna ako rito ah bahala na mamaya,” ang huling nasambit ko bago ako nilamon ng antok.

What happend earlier.....

Bago pa man dumating si Ayumi sa school o sa room nila mismo ay binalaan na ni Vladimir ang lahat na wag na wag magsasalita ng kung anu-ano laban kay Ayumi dahil nabasa ni Vlad ang ilan sa mga bad comments at bash kay Ayumi trough facebook dahil na rin siguro sa post niya ng paghingi ng tawad pero wala man lang natanggap na reply or comment galing kay Ayumi. Kaya karamihan ay nagalit dahil mapride daw ang dalaga eh pasalamat na nga daw at nagsorry si Vlad. Agad din naman nang dinelete ni Vlad ang post niya kagabi pero kahit pa burahin niya yun ay wala ng magagawa yun.

Hindi rin umimik si Vladimir kanina dahil ang akala niya ay malaki ang galit sa kanya ni Ayumi dahil sa nangyari sa bahay ni Lola Mildred.

Back to her Point of View.....

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang may marinig akong mga boses na nag-uusap sa labas ng kwarto na kinaroroonan ko na siyang naging dahilan ng pagkagising ko.

Hindi muna ako gumawa ng anumang pagkilos at patuloy na pinakinggan ang kanilang pag-uusap.

“Anong oras na ah, bakit wala pa din siya?” boses ni Jhanece ang narinig ko.

“Why are you even here? Tsk” ngayon ay boses naman ni Vlad ang nagsalita.

“Magsisimula nanaman ba kayong magbangayan? Ano bang malay niyo baka umuwi na si liit sumama ang pakiramdam ganon kaya umuwi na.” Si Kuya Kirb na umaawat sa kanila

Pero ano daw? Ako ba ang pinag-uusapan nila?

“Edi lalo mo naman silang pinag-alala dahil sa kongklusyon mo at isa pa hindi naman ata iiwan ni Nisa ang gamit niya ng basta-basta dahil lang sa naisipan niyang umuwi ng maaga.” Si J-James naman ngayon ang nagsalita.

“Sinong liit? / Who's Nisa?” sabay na sabi ni Jhanece at Vlad.

“Ay ang shushunga! Sa malamang ay si Ayumi wala naman tayong ibang pinag-uusapan dito ah,” well may point naman dun si Kuya Kirb.

Bago pa lumayo ang marating ng usapan nila ay napagpasyahan ko nang dahan-dahan na lumabas mula rito sa pinagtataguan ko. "Click" tunog ng pinto na nagbukas at alam kong dinig nila yun mula sa kinaroronan nila.

Gulat ang kaisa-isang reaksiyon na nakita ko sa mga mukha nila nang tuluyan na akong lumabas at nagpakita sa kanila.

“Gulat na gulat naman ata kayo niyan?” nasabi ko na lang.

“What the! Nandiyan ka lang pala,” gulat na naibulalas ni Kuya Kirb.

“Nisa-baby you're here!!” siyempre ang unang nakarecover ay si James na parang nagka amnesia sa mga nangyari kanina (pero parang mas okay na din yun, di ko nalang din aalahanin) at gumana nanaman ang kanyang nakakairitang pagtawag sa akin.

“Why are you there ba kasi bes?” bagaman parang nakahinga ng maluwag si Jhanece nang makita ako ay mahihinuha pa rin ang tampo sa tono ng kaniyang pananalita.

“H-how did you--- I mean---” habang si Vlad naman ay hindi macompose ng maayos ang kanyang sasabihin, sino ba naman kasi ang mag aakala na makakapasok ako sa private room niya na may passcode?

“Wala eh matalino kasi ako, ang bilis hulaan ng passcode mo,” palusot ko nalang sabay kamot sa batok di ko na kasi alam ang sasabihin ko.

“Nga pala pasensiya na nakatulog kasi ako sa loob ang lambot kasi ng kama haha anong oras na ba?” muli ay dagdag ko pa.

“May kama sa loob?” Si James yan at yun talaga ang unang naitanong niya ano?

“Tsk don't let them know about my room,” singit naman ni Vlad.

“Yung totoo Vlad kapatid mo ba talaga ako? haha ang daya naman kasi bakit si Liit nakapasok na dun tapos kami hindi,” madramang salaysay ni Kuya Kirb.

Poker face lang ang itinugon ni Vlad sa sinabi niyang yun samantalang si James naman ay nanatiling tahimik na lamang hanggang sa napagpasyahan na naming umalis sa lugar na yun at bumalik na sa room dahil ayon sa kanila ay afternoon break palang naman nang mapagpasyahan nilang magtungo sa office ni Vlad.

Nauna na din kami ni Jhanece na naglakad at umalis sa lugar na iyon, ayoko ko kasing may masabi nanaman ang mga students na makakakita sa amin pag sabay-sabay kaming bumalik sa room, mahirap na ano, patong-patong na nga ang problema ko dadagdag pa sila huwaw lang diba?


To be continued.....
©Makireimi

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Kde žijí příběhy. Začni objevovat