“I'm sorry for that di lang kasi siya sanay na may bisita or dinadala kaming kaklase dito,” pagpapaliwanag pa ni Vladimir.

“It's okay Vladimir naiintindihan ko,” ngumiti na lang din ako.

“Just call me Vlad masyadong mahaba ang Vladimir napapagod akong pakinggan ka,” bigla ay sabi niya.

“Hahaha ganon? Sige Vlad nalang.” Isa pang ngiti ang iginawad ko sa kanya.

Matapos nun ay talagang nag-aral nga kami, seryoso siyang nagbabasa kaya ganon na lang din ang ginawa ko.

Paminsan-minsan ay may itinatanong siya sakin na sinasagot ko naman. Lumipas pa ang ilang minuto na nasa ganon lang kaming sitwasyon hanggang sa maalala ko na hindi pala ako nakapagpaalam sa bahay, hala!

“Oh no! Di ako nakapagpaalam sa amin!” nag-aalalang sambit ko.

“Relax---

“Anong relax? Paano ako magrerelax eh hin---

“Ayumi listen okay? Calm down tumawag na ko kanina sa kuya mo at ipinagpaalam na kita,” mahinahong sabi pa niya.

“Pero paano?” knowing my parents hindi yun basta-basta papayag.

“Ice--- I mean Kuya Ice is also my friend at sa tingin ko may tiwala naman sila sa akin,” simpleng saad pa niya,

“Okay?” naguguluhan pa din ako eh.

“Bro! Dinner's ready! Oh! Ayumi you're here hello,” bigla nalang dumating si Kuya Kirb sa eksena.

“Hello din po K-kuya Kirb,” di ko kasi alam kung tama na makikuya ako.

“Haha don't be shy Ayumi its okay so ano tara na? Kain na tayo? Bro tara na,” nakangiti pang pag aalok niya.

Bumaba na din kami sabay-sabay at nadatnan namin sa dining room si Krizele at si Sir Mel. Si Krizele parang walang pake samantalang si Sir Mel ay bahagyang nagulat pero nakabawi din agad at nagsimula nanaman sa kakulitan. Pansin ko lang, kung sino pa ang pinakamatanda ay siya pang mas pinaka-isip bata.

Wala nga din pala dito ang parents nila nasa states daw at may inaasikasong business.

Pagkatapos ng kakatwang dinner ay inihatid na din ako ni Vlad sa bahay hindi na din siya pumasok dahil na rin sa kagustuhan ko panigurado kasi ay matatagalan pa siyang makauwi dahil iinterview-hin pa siya nila mom and dad.

Matapos ang kaunting kamustahan namin nila mom and dad ay pumunta na ako sa taas sa aking kwarto maaga pa naman kaya makapag facebook na nga muna.

“Uy! Infairness may nag abala din mag add haha,” nasabi ko na lamang matapos makita ang iilang friend request sa bago kong account ang dati ko kasing account ay pinili ko na lamang na i-delete permanently.

Jason Kirby Salvador sent you a friend request.

Jamesbond Tanyang sent you a friend request.

Akalain mo nga naman nag abala pa ang dalawa na iyon na mag add pero bilang isang mabait at magandang classmate ay inaccept ko na. Ilang sandali pa ay tumunog ang messenger tone na hudyat na mayroon akong natanggap na mensahe.

Jamesbond: yow! Nisa-baby finally naman na accept mo na first day of school pa ako nag add sayo ah mag iisang buwan na baby oh, bad!

Me: oh aarte pa? na accept na nga eh kasalan ko ba? Kaka online ko pa nga lang eh.

Jamesbond: grabe Nisa-baby hindi ka pala active sa social media anyway in fairness naman hindi ka na nagrereklamo sa pagtawag ko sayo ng baby hahaha.

Me: bakit may magagawa pa ba ako? mapapagod lang ako kakareklamo di mo naman ako susundin tsk.

Jason Kirby: thanks for the accept liit.

Akala ko si James pero wow! si Kuya Kirb naman ngayon ang nag message bilang siya naman ang pinaka friendly sa kanila pero naningkit talaga ang mata ko dun sa nabasa kong liit? Hanep pati ba naman siya? uso pa ba ngayon ang call sign? magrereply na sana ako ng bigla nanaman may nag pop up.

Jamesbond created the group The Royals.

Jason Kirby: what's with the GC?

Jamesbond: trip ko bakit? Dalawa kasi kayong kachat ko eh kaya para mas madali, sa GC nalang haha at tyaka para inggitin na rin yung hari hahaha.

Me: eww, ang jeje ng name.

Jason Kirby: hala hahaha ang baduy daw oh lagot ka kay James liit feel na feel pa naman niya yan matagal na niyang trip ang "the royals".

Me: what? Ano namang kasiyahan niya dyan? Hahaha.

Jamesbond: bad! Bad ka talaga Nisa-baby.

Jason Kirby: ang weird kasi niyan ni James eh noon pa man eh trip na niya yan, kings daw kami eh hahaha.

Jamesbond: I'm the King of Hearts syempre mapagmahal ako eh.

Jason Kirby: ako naman daw King of Diamond tapos si Ice ang King of Spade, hays lakas ng trip eh hahaha.

Jamesbond: Nisa-baby naman seener?

Me: hahaha baliw di naman kasi ako makasingit sa explaination niyo eh anyway ang weird nga hahaha pero kasama pala si Kuya? At tyaka diba apat yun, sino yung isa?

Jason Kirby: oh that one? It was Vlad.

Jamesbond: yah kaso ayaw niya pero King pa din naman siya di ko naman tinaggal ang title niya eh hahaha.

Jason Kirby: siyempre naman James eh sa mundo mo lang naman nag eexist ang Kings eh hahaha.

Me: wow! So Vlad is one of you? Really? hahaha.

Jamesbond: well its not a story for me to tell

Jason Kirby: inosente po ako.

Jamesbond: fuck! iba naiisip ko gago!

Me: hahaha langya naman James eh ang seryoso na ng usapan tapos bigla mong sisingitan ng berde mong pag-iisip.

Jamesbond: nagets mo naman hahaha.

Jason Kirby: gago ka talaga James hahaha.

Me: ewan ko sainyo lowbat na ko.

Jason Kirby: baka naman yung phone liit.

Jamesbond: or baka naman yung battery Nisa-baby.

Me: oh the great philosophers, bahala nga kayo dyan out na muna ko.

Jamesbond: yah, yah haha, sige ako din tinatawag na kasi ko ni mommy.

Jason Kirby: mama's boy hahaha anyway sige see yah tomorrow sa school.

Ang totoo niyan ay laptop ang gamit ko haha at kasalukuyan ito ngayong nakacharge pano malolowbat? Hahaha actually antok na kasi ako----- And with that conversation I press the back button pero bago pa man ako makapag log out ay may nag friend request ulit sa akin kaya bilang isang curious at magandang binibini ay tiningnan ko muna bago mag log out.

King Vladimir Salvador sent you a friend request

“What the! Si Vlad?” nasabi ko na lang kaya naman clinick ko ang profile niya.

Wow so ito pala ang tunay niyang pangalan? Siya pala ang tunay na hari eh hahaha King Vladimir hmm, nice name baby--- wait ano? Baby? Hell no! typo lang yan guys hahaha bakit ko naman tatawaging baby ang hari? hikhok.

Respond - Confirm (ayan friends na kami).

Pagkatapos kong i-accept ang friend request niya ay binitawan ko na ang aking laptop at saka nahiga.

Ano bang ginagawa mo sa kin Vlad? tsk tsk just like what happend two years ago, you have this strange effect on me, a very strange one haaays.

And that's how my long day ends.

To be continued.....
©Makireimi

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon