“Uy! Insan bakit parang pinagsakluban ka naman ata ng langit at lupa dyan,” bungad sa akin ni Cathy pagkarating ko sa room namin.

“Oo nga insan anyare ba?” dagdag pa ni Vivian.

“Wala naman, okay lang ako,” pagtanggi ko sabay iwas ng tingin.

“Okay? Sabi mo eh,” pagsuko ni Cathy.

“Basta nandito lang kami kung kailangan mo ng kausap,” malumanay na sambit pa ni Vivian.

Mukhang nakaramdam naman sila na ayaw kong pag-usapan ang nangyari kaya dumiretso na lamang ako sa upuan ko at tyaka ginawang unan ang braso ko yumuko at nagkunwaring matutulog medyo nastress kasi talaga ako dahil sa panaginip na yun.

“Beees! What happened? Are you okay?” alam kong si Jhanece yan sino pa nga ba?

“Mamaya nalang bes wala ako sa mood,” nakatungo paring sagot ko sa kanya.

“Eiiiiiih Dali na! Ngayon na!” pangungulit pa niya.

“Tsk! Bes please! Ang sabi ko mamaya na!” sa pagkakataong ito ay hinarap ko na siya.

“What the!!!---

“Tsk, nanahimik ako dito,” walang emosyong sambit niya pero halatang kakabawi lang din sa pagkagulat imbes kasi na si Jhanece ang nasa harapan ko ngayon ay mukha ni Vladimir ang kasalukuyang nakabalandra sa harap ko na pagkalapit-lapit.

“Hahaha oooops,” bwelo na sana ang pagtawa ni Jhanece na nakatayo pala sa kabilang side ko ngunit natigil din agad dahil napansin niya ang masamang tingin namin sa kanya ni Vladimir.

“Nandito kasi ako bes nagseselos na tuloy ako iba naman ang nakikita mo huhuhu,” madramang dagdag pa ni Jhanece.

“Argh kaasar!” nasabi ko na lang pagkatapos ay bumalik ako sa pagkaka-unan sa mga braso ko.

Maya-maya pa ay dumating na rin ang prof namin at nagsimula na ang klase.

After ng ilang discussion... Sa wakas at uwian na at dahil nga uwian na at hindi na ko madidistract ng lessons, ayun naalala ko nanaman yung panaginip ko huhuhu kailan ko ba makakalimutan yun? Kasalukuyan pa din akong nag eemote ng bigla na lang may humila sa kamay ko at dinala ako sa kung saan ano ba naman yan stress na nga ako eh nakakainis naman.

“Hey! bitawan mo nga ako!” sinasabi ko yun habang nakikipag agawan ng kamay kay---

“VLADIMIR ANO BA? SAAN MO BA KO DADALHIN?” pikon na ko promise!

Hindi pa din siya nagsalita hanggang sa nakarating kami sa pamilyar na silid, ang kanyang office “kuno” what the! anong ginagawa namin dito? Pagkapasok namin ay dirediretso kami dun sa isa pa niyang kwarto sa loob ng office niya at saka basta-basta nalang ako binitawan at dahil sa medyo may kalakasan ang pwersa niya ayun at na out of balance ako buti na lang at napaupo lang ako sa kama.

“Ano bang problema mo?” pinilit kong maging mahinahon ang boses ko.

Hindi pa din siya nagsasalita patuloy lang siya sa pagtitig sa akin yung titig na parang may ginawa akong masama, yun bang hindi siya kumbinsido, baliw ba to?

“Where did you get that?” What the! nagmumuni-muni pa nga ako eh bigla na lang nagsasalita ang isang to.

“Alin ba?” inis na tanong ko sa kanya.

“That necklace.” wala pa ring emosyong aniya.

“Di ka naman agad nagsabi type mo lang pala ang neckla----

“Are you kidding me?” kita mo to di man lang ako pinatapos sa sinasabi ko.

“Sorry na ito naman di manlang mabiro tsk, sige na sasabihin ko na galing to sa p-pinsan k-ko--- Oo tama! Sa pinsan ko nga----- ayun nasabi ko na happy?” medyo mahabang salaysay ko.

“Tsk, ang gulo mo anyway sigurado ka bang galing yan sa pinsan mo?” tanong niya ulit.

“Oo naman , ako ang pinagbigyan di ba hindi naman ikaw? Tatanong tanong ka tapos parang ayaw mo naman maniwala,” hirit ko pa.

Natahimik naman bigla itong si Vlad mukhang malalim ang iniisip mapanghusga talaga ang isang to mukhang ayaw pa din maniwala sa mga sinasabi ko eh maya-maya pa ay may hinugot siya mula sa kanyang bulsa.

Okay cellphone lang pala kala ko kung ano na.

“Look.” simpleng sambit niya.

“Woah! Kwintas ko yan ah! bakit meron kang picture nyan?” OA ko lang di ba?

“Yan din ang gusto kong itanong sayo eh customize and personalize ang necklace na to kaya paanong nagkaroon ka ng ganito?” naguguluhan niyang tanong.

“Aba malay ko? Wala akong alam diyan!” pagpapaliwanag ko, nambibintang ba to? Baka isipin nito magnanakaw ako!

“But that's impossi----but anyway maybe your right besides argh! Basta!” parang sumusuko na siya haaays buti naman dahil hindi ko na alam kung paano pa ko makakalusot about sa kwintas ko.

“So okay na ba tayo? Naman eh! Gutom na ko bigla-bigla ka na lang naghihila dito eh,” reklamo ko sakanya.

“Tsk fine, lets go to the canteen now,” kunwari pa tong isang to gutom na din to panigurado wushuuu!

Saktong paglabas namin ng pinto ng room niya eh siyang pagpasok naman nina James at Kuya Kirb sa office niya, hanep!

“Woah!” gulat na reaksiyon ni Kuya Kirb.

“VLADIMIR what is the meaning of this?” OA na saad naman ni James.

“Tsk crazy, lets go! just don't mind them,” si Vladimir yan, kill joy eh pero di bale na nga gutom na din naman kasi talaga ako eh kaya halina't sumunod na lamang sa kanya.

Kasalukuyan kami ngayong naglalakad. Sinusundan ko lang si Vladimir hanggang sa mapansin ko na hindi na patungong canteen ang way na dinadaanan namin.

“Hey! Doon ang papuntang Canteen hindi dito,” kinalabit ko pa siya ah.

“I know, pero hindi tayo pupunta doon,” simpleng sabi niya.

“What? Eh saan nanaman ba?” naguguluhang tanong ko pa.

“Sa bahay.” What? Anong gagawin ko dun?

“Uuwi ka na pala eh. Uuwi na lang din ako.” Nasabi ko na lang.

“No! You're not going anywhere kailangan mong sumama sakin and that's an order remember I'm your master for a week,” ngumisi pa siya ng nakakaloko.

Kaasar na bidding badtrip. Kailangan ko pa tuloy sumunod baka kasi bigla niyang bawiin yung 500K sa Dance Dept magalit pa sakin yung mga kagrupo ko.

Hays, Ano ba kasing trip nanaman ng isang to?

To be continued.....
©Makireimi

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now