Prelude

1.2K 77 14
                                    

Napairap na lamang ako nang dumaan ang tatlong itlog sa classroom kasabay ng pabulong na tili ng mga kababaihan sa harap ko. Akala mo naman guwapo, yabang lang meron diyan, tsk.

"Ang pogi talaga ni Xyll, ano?" rinig ko pang sabi ng kaklase kong nakaupo lamang sa harap ko.

"Single pa kaya 'yun?" tanong naman no'ng katabi niyang babae rin.

"Lagi namang may girlfriend yun, asa ka pa!" sagot naman ni Lizel, iyong nagsabing pogi raw si Xyll.

"Ay, ganun? Baka naman single siya ngayon?"

"Bakit? A-apply ka? Magaganda lang hanap no'n."

"Demi!" naagaw ang atensiyon ko mula sa dalawang babae nang marinig ko ang pangalan ko. Nilingon ko iyon at nakita ang pinsan kong si Sandy na nakangiting naglalakad papalapit sa akin habang dala-dala ang puting paper bag. Pasalubong ata galing abroad.

"Wala kayong teacher?" tanong ko sa kanya. Magkaiba kasi kami ng strand so hindi kami magkaklase.

"Wala, e. So I decided na puntahan ka na lang dito para ibigay itong binili ko para sa 'yo," aniya saka binigay ang paper bag. "May lakad kasi ako mamaya, baka hindi ko naman maibigay."

Tiningnan ko naman ang mga laman at laking disappointment sa mukha ko nang makita ang isang pulang bestida, lipstick at make up kit. Like what the hell! Hindi ako mahilig sa kaartehan na 'to!

Pilit akong ngumiti kay Sandy. Hindi niya kasi alam na hindi ako mahilig sa mga gamit pambabae. Hindi kasi kami gaanong close. Ayoko kasing lumapit sa kanya dahil ang arte! Nakakairita. "Salamat dito."

"Ah. Welcome, cous! I'll go ahead na, bye!"

Nang tumunog ang bell hudyat na uwian ay agad naman akong inakbayan ni Gelo, isa sa mga barkada ko.

"May naghahamon na naman," bulong niya.

Kumunot naman ang noo ko. "Hamon? Saan daw?"

"Ewan. Basta ingat lang daw tayo."

"Saan mo naman nalaman yan?"

"Ito, oh! Biglang may nagtext," aniya saka pinakita ang message na sinasabi niya. "Ingat kayo, dito lang kami sa paligid." basa niya.

"Malay mo scam lang yan. Nanahimik na nga grupo natin tapos biglang may ganyan?"

Bumitaw siya sa pagkakaakbay atsaka napakamot sa sariling ulo. "Ano kasi, Demi..."

Napahilamos na lamang ako nang makuha agad ang gusto niyang iparating. "Hayop ka, Gelo. Tinigilan ko na nga ang paga-gangster, e! Ano ba kasing ginawa mo?"

"Hayop ka rin, e no? Tinulungan ko lang yung babae. Kung hindi ako dumating non, e di sana na-rape na yung kawawang babae."

"O, tapos?"

"Ayun. Sinugod ko sila."

"Ng mag-isa?"

"Uhm... Oo e..."

"Kaya mo naman pala, bahala ka, bagong buhay na ako dito, huwag mo akong idamay," sagot ko saka nauna nang maglakad.

"Huy! Demi naman..."

"Bahala ka diyan."

Hanggang sa nakalabas na lang ako ng school ay nakasunod pa rin siya. Hayop talaga, e 'no?

"Sige ka, ikaw pa naman leader namin, malamang kilala ka ng mga yun."

Napaharap ako sa kanya dahil do'n. "Sino ba kasi 'yan?"

"Ayun naman pala, e! Takot lang mabugbog!" saad niya.

"E, sino ba naman kasing gugustuhing mabugbog? Naku, Gelo. Umayos ka ha, sino ba yang kalaban na yan?"

Titibo-tibo (COMPLETED)Where stories live. Discover now