[ 55 ] Reminder

41.4K 680 51
                                    

CHAPTER 55: Reminder

Nagising si Steffi at alam niya na ligtas siya. Habang inilipat siya papunta sa tinitirhan ni Zavier ay nakatulog na siya at ngayon lang siya muling nagising. Alam niya kung nasaan siya pero hindi siya pamilyar sa lugar na 'yon. Ngayon lang naman kasi siya dinala doon ni Zavier.

Sobrang bigat ng pakiramdam niya at masakit din ang buong katawan niya. Susubukan niya sanang bumangon pero hindi niya naman kaya. Nakita niya rin ang IV na nakakabit sa kamay niya. Gaano katagal na ba siyang nandoon?

Napatingin na lang siya sa pinto nang may pumasok doon. Nakita niya ang pagliwanag ng mukha ni Zavier pagkapasok nito nang makitang gising na ito.

"Kanina ka pa ba nagising? How are you feeling?" agad na tanong nito habang papalapit sa kanya at umupo ito sa gilid ng kama.

"Kakagising ko lang rin. Okay lang ako but my whole body feels sore. Gusto kong umupo pero nahihirapan ako," sagot niya.

Inayos nito ang mga unan para masandalan niya at inalalayan siya nito para makaupo siya.

"Zavier, paano mo 'ko nahanap? Paano mo nalaman na nandoon ako?"

"Well, it was a long story kung sasabihin ko lahat lahat. Sabihin na lang natin na may narinig ako kaya nalaman ko. 'Wag ka na rin palang mag-alala dahil kaming dalawa lang ni Jia ang nakakaalam ng nangyari sa 'yo at hindi ko na ipapaalam pa sa iba. For now, magpakalakas ka na lang para makabalik ka na sa dati."

"Thank you, Zavier,"

"By the way, I have to bring you to the hospital once na okay ka na."

Biglang nagdilim ang ekspresyon sa mukha ni Steffi ng marinig iyon. Unti-unti ng nalalaman ng lahat ang sakit niya at mas lalong komplikado para sa kanya kung pati si Zavier ay malalaman ang tungkol dito. Hindi na nito kailangan pang malaman iyon.

"No, hindi ako pupunta sa ospital na kasama ka. Okay lang ako kaya 'wag mo na rin akong ppipilitin kung ayaw mo na magtalo pa tayo," sabi niya habang nakaiwas ng tingin dito.

"Okay, hindi kita pipilitin pero sana do it for yourself. You really have to make sure that you're perfectly fine. Sige, ipaghahanda muna kita ng pagkain."

Nakahinga na siya ng maluwag pagkalabas ni Zavier sa kwarto na iyon. Muli lang siyang humiga at nag-isip isip. Sa huli, nasasayangan pa rin siya sa pagkakaibigan nila ni Mitch. Hindi niya lubos maisip kung paano iyon nagawa sa kanya ng dating kaibigan dahil alam niya na si Mitch ay hindi iyong tipo ng tao na makakagawa ng ganoong klaseng bagay Malaki ang ipinagbago nito mula ng sumama ito sa barkada nina Miranda. Naimpluwensiyahan na talaga siya.

Napansin niya ang mga gamit na dala-dala niya sa paghaharap nila ni Mitch sa nighstand sa tabi ng kama. Agad niyang kinuha iyon at hinanap ang cellphone niya. Tinignan niya kung tinext man lang siya ni ZAC pero nadismaya lang siya dahil hanggang ngayon ay wala pa rin. What is happening to ZAC? Talagang nagtataka na siya kung bakit hindi na ito nagparamdam pa sa kanya.

***

Nagising si Steffi dahil sa mga kalabog na narinig. Base sa ilaw na nakikita niya ngayon mula sa bintana, umaga na naman at simula na naman ng bagong nakakainip na araw para sa kanya. Simula sa araw na 'yon, makakasama niya na ang nurse na inupahan ni Zavier para mag-alaga sa kanya. Kailangan kasi nitong pumasok at walang magbabantay sa kanya. Ang mabuti na sinabi sa kanya ng doktor noong tingnan siya nito kagabi ay gagaling na ito sa susunod na araw. Hindi rin siya makapaghintay na maging okay na at makaalis doon.

Nakatingin lang ito sa pintuan at hinihintay ang kung sino man na papasok doon. Wala siyang ibang inaasahan kung hindi ang nurse lang. Nasabi na nito sa kanya na bago pa man ito pumasok sa school ay darating na doon ang nurse. Malamang ay nakapasok na ito ngayon at hindi na siya ginising pa nito dahil mahimbing ang tulog niya.

Pumasok ang isang maputi at matangkad na lalaki na nakasuot ng damit na pang-nurse. May salamin ito at nakasuot pa ng mask. Kakaiba nga lang ang aura na mayroon ito pero nang nakalapit ang nurse na iyon sa kanya ay nanlaki ang mata niya. Pamilyar sa kanya ang lalaking nakasuot ng uniporme.

"Jico?!"

"Yes, it's me. How are you?" tanong nito ng tanggaling niya ang kanyang mask.

"Teka—Paano ka nakapasok dito? Nasaan na 'yong nurse?"

"Do you really have to ask that? That's how great I am, baby. Baka nakakalimutan mo ang naka-dugtong sa pangalan ko? Don't worry about the nurse, pinagpahinga ko na muna and eventually, magigising din 'yon."

Wala na siyang magagawa ngayon. Ano pa nga ba ang inaasahan niya kay Jico? Halos lahat naman kaya nitong gawin kaya bakit pa siya magtatanong kung bakit nandoon ito? Para namang hindi pa siya nasanay. Ngayon, kailangan niyang ipaliwanag ang sarili kahit hindi naman siya obligado na gawin 'yon.

"Bakit ka nandito?" tanong niya dito.

"Ako talaga ang tinatanong mo niyan? Shouldn't I be asking you why you're here? Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo at nahantong ka sa ganito? That was close! Maswerte ka dahil sa lahat ng pwedeng tumulong sa'yo, si Zavier ang nakarating do'n. Ano ba ang kailangan mo'ng patunayan sa mga babaeng 'yon?"

"Na hindi ako gumagamit ng sino man," tipid na sagot niya. Ayaw niya ng makipagtalo pa kay Jico dahil alam niyang hinding hindi siya mananalo.

"Dahil lang sa gano'ng dahilan. Steffi, you know exactly that you are using someone or maybe in denial ka lang? Hindi ba ginagamit mo lang si ZAC para makapaghiganti sa tatay ng ugok na 'yon? Wala ka'ng kailangan patunayan sa kanila. Wala silang kinalaman sa plano natin at mas lalong wala silang maitutulong sa'yo so stop wasting your time."

"Pumunta ka ba dito para pagalitan ako? Excuse me, Jico. I promised to help you in return sa ginagawa mong pagtulong sa'kin but that doesn't mean na you will decide for me. Hindi naman ikaw ang nahihirapan ngayon, 'di ba?"

"Hindi mo ba ginagamit 'yang utak mo?" sabi nito sabay tulak sa noo niya. "Remember, Steffi. You have to protect your secret lalo na ngayon na unti-unti na nilang nalalaman ang lahat. Masyado ka'ng nadidistract sa mga bagay sa paligid mo at nakakalimutan mo kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit ka nandito. I'm warning you. Hindi mo magugustuhan na malaman ni ZAC ang lahat. Sige, nandito lang naman ako para ipaalala sa'yo 'yan. I have to leave."

Matapos nitong sabihin ang lahat ng kailangang sabihin sa kanya ay umalis ito kaagad. Huminga siyang malalim at nag-isip. Palagi na lang siyang nalilihis sa totoong pakay niya. Kailangan niya palaging ipaalala sa sarili niya kung bakit nga ba siya nandoon at iniinda ang lahat ng 'yon. Wala rin siyang kailangang patunayan kahit kanino dahil alam siya sa sarili niya kung sino siya at bakit siya ganoon ngayon.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon