"Hindi ako naniniwala, anong nangyari?"....hinila niya ako para mapalapit sa kaniya.

"Nagkasagutan lang kami ng kapatid mo"

"Nagising na siya?"....tumango lang ako.

"Bakit ka pa kasi pumunta doon? Sinaktan ka ba niya?"...hindi ako makasagot sa tanong niya dahil ayoko ng magsinungaling pa.

"So sinaktan ka nga nya?"

"Ayos lang naman, nasanay na ako sa pisikal na sakit."

"Kahit na, nadamay na naman ba ang likod mo? Ang bilin ng mga nurse , ingatan mo ang likod mo dahil malaki na yung fracture sa mga buto mo."

"Ayos lang, hindi naman nadamay."...napakagat ako sa labi ko, kaya pala ganoon na lang kasakit ang likod ko.

"Nakatulog si Loki dahil sa pagtulong niya sa pagdedecorate ng Entrance nasa kwarto mo siya."

"Mabuti naman kung ganoon, may maiitulong ba ako?"

"Diba Air Mage ka? Kaya naka assign kayo para pabanguhin ang buong paligid. Bukas ka na lang tumulong, unang araw pa lang naman ngayon. Alam kong hindi ka okay. Kung may nasabi man ang kapatid ko pagpasensiyahan mo na."....kabaliktaran niya talaga kahit kailan ang kapatid niya. Ni wala man lang kabutihang natitira sa kalooban ng yelo na 'yon. Siya na nga lang ang tinutulungan siya pa ang may ganang magsabi ng walang kwenta.

"Tara na?"....tumango lang ako ulit. Kinuha niya ang kamay ko hindi ko alam kung bakit. Nasanay na ako dahil palaging ginagawa sa amin ni Loki ang ganito.

"Avianna!"...narinig kong sigaw ni Punong Maestro. Napalingon naman kami ni Collins sa kaniya. Ano na naman bang kailangan niya sa akin?

"Po?"...malumanay kong tanong.

"Pwede ba tayong mag-usap."...napatingin naman ako kay Collins.

"Anong kailangan nyong pag-usapan Pa?"

"May gusto lang akong ipaliwanag sa kaniya tungkol sa fetival kaya pwede ko ba muna siyang mahiram sayo?"

"Ihahatid kita doon tapos hihintayin ko kayong matapos mag-usap."....deretso niyang sabi sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang tumango.  Sinundan lang namin si Punong Maestro at ng makarating kami sa tapat mg pintuan ng office niya , binitawan na ni Collins ang kamay ko.

"Kapag may ayaw ka sa nangyayari, mabilis mong buksan ang pintuan at papasok ako diyan. Naiintindihan mo?"

"Anak, wala ka bang tiwala sa ama mo? Wala akong gagawin sa kaniya"

"Pa, kung magsisinungaling ako at sasabihing kong may tiwala ako sa inyo, alam kong magagalit kayo kaya magsasabi na ako ng totoo ngayon pa lang, wala akong tiwala sa inyo kaya binibilinan ko si Avi."

"Hmmmm, kung ganoon, Avianna halika na ng matapos agad tayo sa ipapaliwanag ko. Mukhang nanggagalaiti na agad ang nobyo mo."....mas nanlaki ang mata ko. Nobyo?

"Punong Maestro, hindi po kami."

"Ang kabataan nga naman ngayon."..pumasok na si Punong Maestro sa pintuan

"Saglit lang 'to, wag kang inipin."....pinitik ko ang noo niya bago ako pumasok ng tuluyan sa pinto. Pagkapasok ko nakita kong nakaupo si punong maestro sa trono niya.

"Maupo ka muna"

"Wag na po, hindi naman din po siguro ito magtatagal. Pasensya na po kung sasabihin ko ito, kung papakiusapan nyo po ulit ako na tulungan ang anak nyo, pasensya na pero ayoko na."

"Avianna, hindi mo kasi naiintindihan."

"Nasaktan na po ako ng dalawang beses ng anak nyo at hindi ako tanga para pangatluhan pa."

"Avianna, mabait si Frost."....halos matawa ako sa sinabi niya

"Mabait po? Saang banda? Baka po mabait kapag tulog."

"Avianna, listen to me. Kailangan ka ng anak ko, kailangan pa namin siya dahil siya ang tgapagmana ko. Kailangan niya pang mabuhay."

"Pasensya na po pero wala ng pag-asa ang anak nyo. Tuluyan niyang tinataboy ang mga taong makakatulong sa kalagayan niya."

"Avianna kaya nga papakiusapan kita na , tulungan mo pa rin siya kahit ganoon ang ugali niya"....wow just wow. Sinong makakatagal sa ugali niya. Iilang encounter pa lang namin puro bangayan at sakitan na, paano pa kaya kung aalagaan ko pa siya sa mga susunod na araw baka hindi siya ang mamatay kundi ako.

"Tskk, bakit po ang unfair naman ata. Gusto nyo lang kayo ang masunod at gawin namin ang inuutos nyo, pasensya na po pero may sarili kaming pag-iisip na pwedeng gamitin. Hindi ko pipilitin ang isang tao para magustuhan ako, kung ayaw niya sa akin edi ayaw ko din sa kaniya. Kung ayaw nyang tulungan ko siya edi wag, hindi naman ako yung mawawalan siya."

"Avianna, he's just mad."

"No, he's not just mad. He's a devil."

"Avianna, galit sya sayo dahil akala niya lahat ng Full Elemental Mage ay katulad ng mga kinasusuklaman niya."

"Wala po akong pake kung ganoon ang iniisip niya. Kung may utak siya, sana hindi niya ginawa na saktan ako at sabihan ng kung anu-ano. Sana naman respituhin niya ako bilang babae."

"Avianna"

"Hindi na po Punong Maestro, tama na. Saka itatanong ko lang po, bakit nalaman niyang isa akong Full Elemental Mage kung noong una sinabi nyo sa akin na itago ko sa kaniya."

"Si Caspian ang nagsabi sa kniya, naramdaman ni Caspian na iba ka. Iba ang init at lamig ng kamay mo."....bwisit , nung hinawakan ko siya. Naramdaman niya.

"At noong kinuntyaba nila ang History Teacher nyo. Alam nilang nagkapaso ang kamay mo na nagiging reaction lang ng balat ng isang Fire Mage kapag nadampian ng isang halamang gamot na pinapahatid sa kamay ng mga land mage."....so ganoon pala. Si Caspian lang at ang letchugas na yelo na 'yon ang nakakaalam.

"Kaya wala na akong nagawa kundi sabihin sa kanila ang totoo. Wag kang mag-alala kakaunti pa lang ang nakakaalam."

"Punong Maestro wala naman akong pake kung malaman nila, sanay na ako sa pangungutya kaya wala ng bago pero kahit anong gawin ko masakit pa rin na sabihan kang walang kwenta lalo na ang gusto mo lang namang gawin ay makatulong."

"Avianna, pasensya na. Nagkaganyan lang talaga siya simula ng nawala ang nanay niya."











Author's Note

Hello Angels! Salamat sa pagsuporta. I love you all. Enjoy your reading and please vote.

Mage AcademyWhere stories live. Discover now