Idinilat ko ang mata ko nang maramdaman ang paghimas ng kung sino sa buhok ko.

Agad akong napalayo nang makitang sya ung nasa tabi ko. Ang akala ko panaginip lang.

“Gising kana pala.” Aniya.

Parang ngaun lang nagsink-in sa akin ang lahat.

“A-anung—“ utas ko

“lalapag na ang eroplano.” Aniya.

Napatigil ako nang madinig ang pag-announce nang piloto na lalapag na ang eroplano anumang oras. Nakita kong tumayo si Lance pagkatapos ay kinuha ang gamit nya pati na din ang akin.

Nanlaki ang mata ko nang maglakad na sya palabas nang eroplano. Ganun din ang ilang mga nakasakay doon.

“Hoy! Lance. Akin na yang gamit ko.” utas ko habang hinahabol sya.

“Magaabang taxi nang taxi.” Aniya.

Napanganga ako.

Lumapit ako sa kanya pagkatapos ay hinablot ang bag ko.

Kumunot ang noo nyang nakatingin sa akin.

“Anung ginagawa mo?” singhal ko sa kanya. “Sinabi ko na sayo na pagdating dito, Magkakahiwalay na tayo nang landas. Magabang ka nang taxi mo, Magaabang ako nang akin.” Utas ko pagkatapos ay nagmamadali syang tinalikuran.

Mabilis akong naglakad nang maramdaman kong sinusundan nya ako.

“Excuse me,” utas ko sa mga taong nakaharang sa dinadaanan ko.

“Joey!” dinig kong sigaw nya.

Agad akong pumara nang taxi nang makakita ako nang isa.

“Valley Park please.” Utas ko, Pumasok ako agad sa taxi pagkatapos noon.

Nakikita ko na si Lance kaya binalingan ko ung driver. “Hurry, please.” Utas ko. Isasara ko n asana ang pinto nang harangan ito ni Lance at pumasok din sa loob.

“Anu ba!” Sigaw ko.

“Wag ka nang tumakbo. Pagod na ako, Joey.” Aniya. Bumasangot ako. Umandar na ang taxi. Panay ang buntong-hininga ko. Pagod ako at may jetlag pa kaya wala ako masyado sa mood para makipaghabulan.

“bakit kaba kasi tumatakbo?” Aniya.

Sumimangot ako. “Bakit mo kasi ako hinahabol? Bakit mo ba ako sinundan dito sa America ha?” utas ko.

Tumitig sya sa akin. Nakita kong kinagat nya ang ibabang labi nya bago sumagot. “Ilang araw kang hindi nagpakita sakin, Hinahanap kita pero panay ang tago mo, Ngaung sinundan kita tatakbuhan mo na naman ako.” Naningkit ang mata nya sa akin.

“Aren’t you love me?” tanung nya.

Napanganga ako sa tanung nya pero, di kalaunan at tinikom ko din ang bibig ko.

“Iniwanan kita. Anu sa tingin mo ang sagot?” utas ko.

Hindi sya sumagot sa sinabi ko. Pakiramdam ko, May nagbarang kung anu sa lalamunan ko. Para bang gustong-gusto kong bawiin ang sinabi ko.

Two Pieces of a Broken Heart: Lance and Joey Storyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें