Chapter 28

2.9K 86 2
                                    

Chapter 28

Umuwi na ako sa hotel pagkatapos noon. Dumating ang passport ko ngaung hapon kaya bumili lang ako ng ilang gamit pagkatapos bukas, Pwedeng-pwede na akong bumalik sa America. Iniisip ko na nga ang mga gagawin ko pagbalik ko doon.

Lilipat ako nang condo, Magpapagupit nang buhok, lilipat nang agency at magbabagong buhay. Madami akong gustong gawin. Anu kaya kong maghanap natin ako nang boyfriend para magkaroon na nang asawa? Kung pumunta kaya ako lagi sa mga bar at parties?

Anu kaya kung patulan ko na ung mga nanliligaw sa akin sa states?

Bumuntong-hininga ako

“Pagdating ko doon, Gagawin ko ang lahat para kalimutan si Lance. Tapos na ang problema ko dito sa Pilipinas. Aayusin ko naman ang sarili ko.” bulong ko.

Pinikit ko ang mga mata ko. Anu kaya kung magaral naman ako? Hindi na ako nagtapos pa nag pagaaral. Naungasan na nga ako ni Chris.

Napadilat ang mata ko nang madinig ko ang pag-ring ng cellphone ko.

Sinagot ko agad nang makitang si Chris ang tumatawag.

“Hello.”

“Joey.” Aniya. “Anu un?”

“Aalis ka na ba talaga bukas? Anung sasabihin ko kay Lance? Tinatanung nya kung nagkita tayo.”

Nanlaki ang mga mata ko. “Sabihin mo hindi.”

“Sinabi ko na, Pero ang sabi nya. Imposible daw dahil magkausap na kayo ni Brian.” Sumimangot ako. “Bakit kasi hindi mo nalang sya harapin?”

Umiling-iling ako.

“Hindi na Chris. Hindi ko kaya.”

Nadinig ko ang maghalakhak nya  sa kabilang linya.

“Why?” tanung ko.

Kumalma sya. “Wala. Ngaun ko kasi napagdugtong-dugtong ang lahat. Kaya pala bigla nalang kayo nawala ni Lance nang mga panahong iyon. Kaya pala, Pagbalik ni Lance. Ayos na ang B4. Kaya pala, Nung nasa Airport kami. Banas na Banas sya at nakita ko pang tinetext ka.”

Ngumiti ako. “Lance is really inlove with you, bakit gusto mo syang kalimutan?”

“Hindi ako nararapat sa kanya. Makakalimutan nya din ako.”

“I don’t think so. Kilala ko si Lance.” Aniya.

Yumuko ako. Bakit ko ba niloloko ang sarili ko?Bakit ba paulit-ulit kong sinasabi na makakalimutan ko din si Lance? Bakit paulit-ulit kong sinasabi na okey lang? Kahit na, Kahit na alam ko sa puso’t-isip ko na hindi ko sya makakalimutan.

Pagbalik ko nang America, Hindi ko alam kung sa paanung paraan ko pa kakayaning magsimula. Para bang hindi ko na maalala ang naging buhay ko bago ko pa makasama si Lance doon, Kapag bumalik ako sa lugar na ‘yun. Alam ko sa sarili ko na bawat sulok nun, Si Lance lang makikita ko. Parang hindi ko na kayang masimula. Nahihirapan akong huminga.

Hindi ko alam. Paanu kong bumalik ang hika ko?

Sinong magaalaga sa akin kung wala si lance, Naiisip ko nga kung makakakain paba ang nang maayos na pagkain gayong wala si Lance para ipagluto ako.

Two Pieces of a Broken Heart: Lance and Joey StoryWhere stories live. Discover now