Chapter 27

3.1K 75 1
                                    

Chapter 27

Nasa loob na ako nang kotse ni Brian at kinakalikot ang bago kong cellphone, Nagdadalawang isip ako kung ikokontact ko ba si Mommy at Daddy, Pero pakiramdam ko hindi na kaylangan since balak ko din naman bumalik sa Amerika as soon as possible kaya lang kaylangan ko pa ng tulong para ipaasikaso ang passport ko since, kasama iyon sa nanakaw kong gamit.

Nabaling ang tingin ko kay Brian nang pumasok sya nang kotse.

“I’m sorry. Ok lang ba kung umalis na tayo. May pupuntahan ka paba? I need to pick up Chris.” Aniya. Ngumiti ako habang tumungo-tungo.

“New phone?”

Tanung nya. Kinagat ko ang ibabang labi ko. “Nawala ung phone k—“

*riings* *riings*

Napatigil ako sa pagsasalita nang madinig ang pag-ring ng cellphone ni Brian. Sinulyapan ko sya nang sagutin nya ang tawag.

“Hey, Lance. What?” tanung nya.

Nanlaki ang mata ko.

“Joey?” tumingin sa akin si Brian. Umiling-iling ako sa harapan nya at senenyasan syang wag sabihin na kasama ako. Ngumise si Brian.

“Bakit? Anung tingin mo sakin? Bakit naman kami magkikita?”

Bumuntong-hininga ako. Hinahanap ako ni Lance.

“Chill bro. Hindi ako nagsisinungaling, Honest ako! Kumalma ka nga.” Aniya.

Nakita kong inilayo ni Brian ang tenga nya sa cellphone. Para bang sinigawan sya ni Lance sa kabilang linya.

“Oo na. Sasabihin ko, Wag kang magalit. By- hello?” Binaba ni brian ang cellphone nya pagkatapos ay tinignan ako. “Binabaan nya ako.”

“Ang sabi nya?”

“Natataranta si Lance,hindi kaba nagpaalam?” tanung nya. Sinimulan nyang paandarin ang sasakyan. Umiling-iling ako.

“Hindi. Balak ko ding bumalik sa America pagkalipas nang ilang araw,”

“bakit mo gagawin un?”

Kinagat ko ang labi ko pagkatapos ay tumingin sa bintana. “Ayoko.  Pakiramdam ko hindi ako nararapat sa kanya.” Suimangot sya.

“Sino ka para magsabing hindi ka nararapat sa kanya, Halos mabaliw si Lance ngaun kakahanap sayo.”

Bumuntong-hininga ako. Nararamdaman ko na naman ang mga paru-paru sa tiyan ko. Dinilaan ako ang labi ko pagkatapos ay nilaro-laro ang daliri ko. Babalik ako nang America. Magsisimula ako nang panibagong buhay. Ganun din si Lance, magsisimula sya nang panibago. Ung wala ako, Palagi kong napapahamak si lance. Gulo ang dala ko sa kanya. Baka dumating ang panahon na iwan nya din ako. Sa ugali ko, Baka mapagod din sya sa akin.

“Tulungan mo akong makakuha nang passport, As soon as possible. Gamitin mo ang koneksyon mo. Gusto ko nang umalis at magsimula ulit.” Halos pabulong na sabi ko.

“Paanu si Lance?”

“Magiging ok din si Lance.”

“Paanu ka?”

Two Pieces of a Broken Heart: Lance and Joey StoryWhere stories live. Discover now