Chapter 20

3.1K 88 3
                                    

10 chapters to go~

Chapter 20

Dinilat ko ang mata ko kinaumagahan ng maramdaman ang paulit-ulit na pagvivibrate ng cellphone ko. Nakita kong nakabalot ako ng kumot. Inalis ko ang kumot pagkatapos ay kinapa ang cellphone ko sa may ulunan.

From: Brian.

Do you know where is Lance? Graduation sa makalawa pero wala pa sya.

Tinitigan ko lang ang cellphone ko. Si Brian ang nagtext pero wala akong karea-reaksyon. Ang hollow nang pakiramdam, Parang wala.. parang normal nalang.

Inilapag ko ang cellphone ko pagkatapos ay tumayo na sa kama. Sumilip ako sa kusina pero hindi ko nakita si Lance doon. Uminit ang mukha ko nang yakapin ako ng ala-ala nang mga nangyari kagabi, teka nga. Totoo ba ang mga nangyari kagabi? Si Lance? Nagconfess ba sakin si Lance kagabi? Sinampal sampal ako ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay lahat na ng dugo ko sa katawan ay umakyat na sa mukha ko.

“What the hell are you doing?”

Napalingon ako nang madinig ang boses na iyon sa likuran ko.

Nanlaki ang mata ko nang makita si Lance na nakapantalon lang at walang pangitaas sa harapan ko, May tuwalya sya sa balikat na pinupunas sa tumutulo nyang buhok. Napalunok ako.

“H-Huh?” Wala sa sariling tanung ko sa kanya.

Tumaas ang kilay nya sakin. “Why are you slapping your face?” masungit na tanung nya sakin.

Napaawang ang bibig ko pagkatapos ay naghanap nang pwedeng isagot.

“W-wala. Pake mo ba?” tanung ko pagkatapos ay padabo na umupo sa dining table.

Umismid ako. Baka nga panaginip ko lang nangyari kagabi? Baka joke lang un? Napapikit ako. Darn it! Kumuha ako ng toasted bread pagkatapos ay marahas iyong sinubo.

“Sungit.” Bulong ko sa sarili ko habang kumakain.

Nanlaki ang mata ko nang maramdaman si Lance sa mismong likuran ko. Tumayo ang balahibo ko sa batok nang maramdaman ang hininga nya sa mismong leeg ko.

Akmang lilingunin ko sya pero pinigilan nya ako. “Don’t turn around, I might kiss you.” Utas nya sakin.

Napalunok ako. Pakiramdam ko pati ang huminga nakalimutan ko na. Shet. Anu ba naman ito.

“A-anung ginagawa mo?” utas ko.

Nadinig ko ang mahina nyang pagtawa. “Let’s date today.” Utas nya.

Nakita kong naglakad sya ay umupo sa harapan ko. “What?” utas ko.

Tumaas ang kilay nya pagkatapos ay nagsimula nading kumain.

“I said, Let’s date.” Utas nya.

Tumikhim ako para pakalmahin ang naghuhumentado kong puso. “No way. Brian text me, Graduation nyo daw on the next day. Umuwi kana nang pilipinas.” Utas ko.

Nakita ko kung paanu kumunot ang noo nya sakin. “who told you?” Aniya.

“Brian text me.” Utas ko bago uminom nang gatas na nasa mesa.

Tumahimik si Lance pagkatapos ay tumayo. Kumuha sya ng t-shirt sa bag nya pagkatapos ay hinagis ang tuwalya nya kung saan. Binalingan  ko sya ng tingin.

“Bakit ganyan ang mukha mo?” tanung ko sa kanya.

Lumapit sya sakin. Nanlaki ang mata ko nang makita ang kilay nyang nakataas sa akin.

“Di pa obvious? Im Jealous.” Diretsyong sabi nya.

Napangiwe ako. “A-anung..”

Inilapit nya an mukha nya sa akin pagkatapos ay bumulong sa tenga ko. “Im inlove with you. How can you pay my feelings, Joey?” tanung nya.

Two Pieces of a Broken Heart: Lance and Joey StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon