Chapter 1

7.8K 101 4
                                    

Chapter 1

 

Monday.

Para na akong baliw na wala ng ginawa kundi ang magisip kong paanu ko magagawang pabagsakin si Chris. Wala na sila ni Brian but im still insecure.

Gusto kong makuha si Brian ng buo, pero kahit kasama ko sya. Pakiramdam ko, Napakalayo nya sakin. It hurts me so much.

“ilagay nyo yan sa locker nya! Naiintindihan nyo? Punuin nyo ng bash kung pwede! Kung husto nyo lagyan nyo na din ng basura, Wala akong pakialam. Kayo na ang bahala.” Utas ko sa tatlong babaeng nasa harapan ko. Tumungo-tungo sila sakin.

Tumalikod ako sa kanilang tatlo, Pagdaan ko palang sa hallway ay nakaagaw agad ako ng attensyon ng lahat.

“Ang ganda talaga ni Joey.”

“oo nga, ang ganda pa ng katawan. Hawig nga sila ni Chris anu?”

“Kaso masama daw ang ugali nyan.”

Dinig kong bulong-bulungan ng ilan.

Kelan paba ako masasanay? Kung ganyan ang tingin nila sakin wala akong magagawa!

Nabuhay akong magisa, ni walang nagturo sakin kung anu ang tama at mali, ni hindi ko naranasan na hawakan ng magulang ang kamay ko kapag pumupunta ako sa mall para hindi ako mawala. Sanay ako.. Sanay ako..

Lunch ng pumunta ako sa tambayan. Hindi naman ako invited, pero sanay akong i-push ang sarili ko lalo na kay Brian.

Pagkarating ko doon ay nakita ko agad ang B4 na nakaupo sa sofa, tuloy-tuloy ang lakad ko hanggang sa makarating ako kay Brian.

Ningitian ko sya pero inisnab nya lang ako.

“Sinong may sabing pumunta ka dito?” utas nya sakin.

Bumuntong hininga ako habang sumasaksak sa puso ko ang mga masasakit na salitang sinasabi nya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko pagkatapos ay pilit na ngumite kahit nasasaktan ako.

Bumukas ang pintuan maya-maya, mula doon ay pumasok si ella at julie kasabay si Chris. Kitang-kita ko kung paanu mabuhay ang mata ni Brian ng makita sya. Nakaramdam ako ng matinding inis kaya pinukol ko sya ng masamang tingin.

Nakita kong tumabi sya kay lance, Ramdam na Ramdam ko ang nagbabagang galit sa mukha ni Brian. Gusto kong sampalin si Chris ngaun din! Sana hindi nalang sya nakilala ni Brian, Sana ngaun ayos sya.. sana ngaun hindi sya nasasaktan.. sana ngaun ako.. ako ang tinitignan ni Brian ngaun..

Nahagip ko ang tingin ni Lance sakin, Inirapan ko sya.

Kaibigan ko na si Lance mula pagkabata, minahal nya si Ate.. at ngaun si Chris naman.. anu bang meron sa kanila na wala sakin?

“PDA!” sigaw ni Jeff. Tumawa lang si Lance,

“Masakit paba ang piercing mo?” Umiling-iling si Chris

“hindi na masyado.”

Two Pieces of a Broken Heart: Lance and Joey StoryDove le storie prendono vita. Scoprilo ora