Paglingon ko kay Chika, bigla niya ako tinali ng whip ng tubig , sinubukan ko pumalag pero no chance of winning

"oy babae!" narinig kong sabi ni Yusuke

Napalingon ako left and right "ako ba tawag mo?"

"malamang! May tatawagin pa ba kong iba dito" sarcastic niyang sagot "makinig ka muna! Wag mong isipin na siya padin yang kaibigan mo. Krontrolado siya kaya gawin mo ang lahat para matalo siya"

"p-pero"

"wala ng pero pero!" yan na lang ang narinig ko nangbiglang may naramdaman akong sumipa sa tagiliran ko at pagdilat ko nasa dagat na ko

Umahon ako para makahinga at tumingala nakita ko sa taas , nasa dulo siya ng cliff at nakatingin sakin .. Si Chika , nakangiti siya.

Nagulat ako nang bigla akong hinatak ng dagat pababa at lalo akong hindi makahinga. Nilalabanan ko ang paghatak sakin pero lalo lang ako nauubusan ng hininga

Then it hit me. Hindi talaga si Chika to, hindi niya kayang gawin ang mga bagay na to.

Kaya habang nakatingala nakikita ko ang silhouette niya , naiinis talaga ako, nagconcetrate ako sa kanya at mukhang nagulat siya dahil nasa loob siya ng fire sphere ko

"huh?! Ano to?!?!" mukhang narrattle siya kaya inangat niya ulit ang kamay niya para kumuha ng tubig at inisplash niya ito sa sphere na nalulusaw pero nagconcentrate ako para bumalik ito sa porma nito

Nagstruggle siya dahil hindi nawawala ang apoy at dahil tinatanggalan ko ng hangin ang sphere kaya any minute masosuffocate siya. Kaso lumalabo na ang paningin ko at nawawalan na ko ng hininga.

Kaya pinagtuunan ko ng pansin ang pagkawala ng hangin ng sphere ko at nakita kong nawalan na ng malay si Chika at nawala na din ang humahatak sakin

Inahon ko ang ulo ko at nakita ko ang blue orb na lumabas sa kanya at nabasag. Nasaksihan ko din ang pagtumba ni Chika at nahulog mula sa Cliff.

"chika!!!" malakas padin ang mga alon at ang ulan , walang malay si Chika baka malunod siya

Kaya agad akong lumangoy kung saan siya nahulog, inabot ko siya at lumangoy papunta sa shore

Hindi naging madali dahil sa sugat ko sa binti kaya nang makarating ako shore , tumayo ako at dinala si Chika sa hindi na maabot ng tubig. Dahil sa pagod nadapa ako at napaubo ako dahil sa tubig na nainom at hinang hina na ako

"sensei!! Si Umeko at si Chika!" sigaw ng isang estudyante

Nagmadaling lumapit ang mga teacher namin "hindi namin kayo mabalikan kanina dahil gumuho ang daanan papuntang kweba" sabi ni Yagami-sensei

Binuhat ni Yokohama-sensei si Chika na walang malay  at tinulungan ako tumayo , binalutan si Yagami-sensei ng towel at nakaramdam ako ng assurance na tapos na ang laban.  At inalalayan nila ako paloob  ng infirmary ng resort.

NARRATOR'S POV

Nakatayo lang ang dalawang yokai sa gilid ng cliff , pinagmamasdan ang mga alon ng dagat " Masuda Chika eliminated. Oy Yusuke, alagaan mo yang ningen mo, magaling siya. At especial siya isa siyang Hachigatsu."

"especial?" nagtatakang tanong ni Yusuke

Naggiggle lang si Nonoke "malalaman mo din siya balang araw" ngumiti lang ito "sige na alis na ko at balikan mo na yung ningen mo"

At biglang naglaho si Nonoke.

---

Kinabukasan

CHIKA'S POV

Nagising ako nangnakitang maliwanag na, napabangon ako kaagad ng napansin ko na  wala ako sa cabin namin.

Bakit ako nandito? Infirmary to diba? Tapos inalala ko ang mga nangyari kahapon. At nagflashback sakin ang lahat. Na medyo ikinalungkot ko

Tumayo ako mula sa kama, at nagpalit nang damit. Lumabas at dumiretso sa breakfast area namin.

"oh Chika gising ka na pala" bati sakin ni Yagami-sensei " magalmusal ka na at magsisimula na ang activity natin"

"pero sensei nasan si Ume-chan??" nagaalalang tanong ko kasi Hindi ko siya nakikita ngayon sa paligid

Napataas ng kaunti ang kilay ni sensei "huh? Hindi mo ba siya nakita kanina sa kwarto niyo? Siya yung nasa kabilang side ng curtina sa infirmary"

Nagulat naman ako dahil sa kashungaan ko "babalikan ko muna po si-"

"kumain ka na muna , hindi ka pa kumakain simulankagabi"

"pero po-"

"kumain ka na muna , bago mo siya balikan. Huwag mo din siyang gigisingin ha, napagod yun kagabi sa pagligtas sayo" nakangiting sabi ni Sensei

Kaya madalian akong kumain at nagmadaling bumalik ng infirmary

Talaga ba?? Niligtas niya ako? Kahit ang sama ng mga ginawa ko sa kanya kagabi?

Marahan kong binuksan ang pinto ng kwarto, at pumasok, hinawi ko yung kurtina at ayun nakita ko si Ume-chan na mahimbing na natutulog , pero may mga gasgas ito sa mukha at sa iba pangparte ng katawan

Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan siya. Ang bait talaga ng kaibigan ko! At napangiti na lang ako :)

Lumipas pa ang 2 araw at pagkatapos ay natapos din ang school trip. Nagligpit na sila, bumalik sa bus at nagsimhla nang nagbyahe pauwi

YokaiDonde viven las historias. Descúbrelo ahora