"y-yusuke?"
Itinayo niya ako "anong nangyari dito?"
"so siya pala ang Yokai mo, hmmm interesting isang Kitsune" natutuwang tono ni chika, hindi ko alam kung bakit gusto niyang manalo pero hindi si Chika to, nag-iba bigla ang ugali niya "akala ko kasi kanina nangguguling yokai kalang, kaso nakita ko na may mark na si Ume-chan "
Iniangat niya yung braso niya at nagulat ako dahil may tatlong mark na dun kaya lalo akong nainis. Hindi bagay kay chika sumali sa ganito , di siya nararapat dito mabait siya !
Inilapit ni yusuke ang bibig niya sa tenga ko "controlled siya. Masyadong malakas ang Yokai niya at kaya siya nitong utusan"
Biglang umatake ulit si Chika pero gamit ang tubig, malakas na saboy ng tubig ang sumalubong sakin parang galing ito sa hose ng fire truck
Masakit siya at naitulak ako nito paatras, yumanig ulit ang kweba , kailangan ko mailabas dito si Chika. Kaya pinalibutan ko siya ng apoy at tumakbo sumunod naman saakin si Yusuke.
Dahil sa atake kong yun sigurado na matitriggered yun at hahabulin ako. At tama ako nakita kong nasalikod ko siya .. What?!?!? Para siyang nagzu-zoom in dahil itinutulak lang siya ng tubig na para siyang rocket.
Umuulan ng malakas sa labas, ang karagatan ay galit na galit dahil sa mga alon nito
Pero nagulat ako ng bigla niya akong pinatamaan ng water splash na sobrang lakas kaya sumubsob ako sa lupa
Nakita kong ang mga kamay niya nakapalms up at mukhang aatake nanaman siya nang bigla niya inaangat ang kamay niya napapikit ako. Ayaw ko nang matamaas ng tubig niya masakit
Pero katulad kanina hindi ko naramadaman na dumampi ang tubig sakin. Nakaramadam ako ng init na bumabalot sakin at nabuhayan akobng loob atbpagdilat ko, nagulat ako kasi nasa loob ako ng isang Fire sphere. Ibig sabihin ito yung bagong skill ko.
Napahinto si Chika sa pagatake at mukhang nainis kaya nawala na din yung Fire sphere ko
Napatingin ako sa parehong kamay ko at nabuhayan ako ng loob dahil may bagi akong skill
Nakatayo lang si Yusuke sa may gilid ng cliff dahil hindi siya pwedeng tumulong , nakatingin siya sa karagatan na mukhang may inaabangan
"Nonoke! Payo naman diyan nahihirapan ako patumbahin si Ume-chan" sabi ni Chika na nakatingin sa lugar kung saan din nakatingin si Yusuke
Laking gulat ko nang nakita ko ang tubig ng dagat na parang umaangat at may pormang higanteng tao na itim ang lumabas . Natulala ako
"Ume-chan siya nga pala ang yokai Ko si Nonoke" nakangiting sabi ni Chika
Biglang lumiit ang pormang tao at nagland ito sa tapat ni Yusuke pero may pagitan silang mga 4 na metro at nagibang ang anyo nito. Naging magandang babae ito na nakasuot ng yukata na navy blue na may details na waves. May mahaba siyang itim na buhok at may mask sa gilid ng ulo niya na itim na hugis mukha.
"Oh Yusuke , di ko aakalaing dito kita makikita" sabi ni Nonoke
Nakacross arms si Yusuke "oy may ginagawa ka nanamang masama"
"huh?" mapanlokong tonong sagit ni Nonoke na umaarte na kunwari walang alam "masama? Di ko ata alam ang mga sinasabi mo Kitsune"
"huwag mo na ko lokohin Umibozu" seryosong sagot ng yokai ko at nginitian lang siya nito
"Chika, dalin mo siya sa tubig" at ngumiti siya nang nakakaloko
Nagtataka ako sa sinasabi niya. Dalin mo siya sa tubig?
BINABASA MO ANG
Yokai
AdventureKwento ng isang babae na nakakakita ng mga nilalang na hindi nakikita ng mga normal na tao na tinatawag nating Yokai, makakakilala siya ng isang "Yokai" at sasali sila sa isang Kompetisyon para maging isang "Kami" ang Yokai at mapanalunan ang isang...
chapter 6
Magsimula sa umpisa
