Gabi na at nandito kami sa sala ngayon para ayusin na yung problema nila at para narin makauwi na si Mino dahil May klase pa ito at umabsent lang sya para dito.

Pinasulat ko na din sa kanilang lahat yung buong pangalan nila, pekeng address nila, contact number at iba pa.

Binigay na nila saken isa isa at tinignan ko lahat kung kumpleto na.

Ace Jackson Cantiller
Jace Bower
Sebastian Grae Easton
Eros Forbs
Jay Madrigal
Nathaniel Arden
Alexander Montefalcon
Zion Montereal
Blaze Adler

Yan lahat yung buong pangalan nila, naagaw naman ng atensyon ko yung pangalan ni Ethan.

"Ethan! Bakit hindi Nathan yung palayaw mo, tutal Nathaniel naman pangalan mo" Tanong ko dito, at inabot na kay Mino yung papel nila para maasikaso na nya.

"Mabait kasi masyado yung pangalan ko kaya 'Ethan' nalang yung ginawa kong palayaw para saken" Tumango tango naman ako

Ilang oras ang lumipas at natapos din si Mino sa ginagawa nya.

"All done. Bayad ko" Sabe samin ni Mino atsaka sya tumingin saken at nilahad nya yung palad nya.

Ngumiti ako dito atsaka hinawakan yung kamay nya at tumayo kami.

"Lilibre ko lang sa labas 'to, babalik din kami agad" Paalam ko sa iba at hindi ko na sila inantay na sumagot at hinila ko na si Mino palabas.

Jace POV

"Bakit sya lang ililibre nya?" Tanong samin ni Alex at nagkibit balikat lang kami.

Hindi na din kami umangal kasi mas matagal na kakilala ni Reese yung lalaking yon kesa samin.

"Sana nga matigil na 'tong kahibangan nila Tita" Banggit ni Grae samin.

Ayoko din namang maikasal sa babaeng hindi ko naman kilala at gusto. Hindi kasi nila naiintindihan yung sitwasyon namin dahil pwersahan din naman yung pagpapakasal nila sa mga asawa nila.

Napatingin naman ako sa phone ko ng mag vibrate ito, tinignan ko ito at number lang yung nakalagay. Sino na naman 'to?

From: 09*********

Can we talk?

Napakunot naman yung noo ko sa message, magtetxt tapos hindi magsasabi kung sino.

To: 09*********

Who's this?

From: 09*********

Yesha

Napalitan agad yung ekspresyon ng mukha ko sa message nya. Ano na naman kayang nangyari dito at nagparamdam ulit? Siguro natauhan na sya.

Bigla naman itong tumawag kaya sinagot ko ito agad. Wala na akong pakelam kung marinig nila Eros.

'Hello?' Banggit nya sa kabilang linya

'What do you want?' Bored kong tanong dito.

'Can we talk please?' Narinig ko namang parang umiiyak ito kaya medyo nataranta ako.

'Are you crying?' Nag aalalang tanong ko dito

'No, I'm Fine. I just want to talk to you' Sabi nya kaya napabuntong hininga nalang ako

'Sa dating tagpuan, bukas. After class' Sabi ko dito at umoo ito.

Binaba ko na yung tawag dahil ayoko pang pahabain pa yung pag uusap namin.

"Bro, Sino yung kausap mo?" Tanong nitong katabi ko ngayon

"Yesha" Natahimik naman sila ng sabihin ko yon. Alam kasi nila yung nangyari samin ni Yesha

"Ganun ba? Akyat na kami sa taas" Paalam saken ni Blaze atsaka hinila sina Ethan at Alex. Nagpaalam na din yung iba kaya ako nalang yung naiwan dito.

Pumunta ako ng kusina para uminom ng tubig pero napatingin ako agad sa kakapasok lang. Nakita ko sina Reese at yung kaibigan nyang lalaki na nagtatawanan.

"Oh, gising ka pa Jace? Tanong saken ni Reese pero hindi ko ito pinansin.

"Sa kwarto ka na matulog! Susunod nalang ako" Nagpintig naman agad yung tenga ko sa sinabi ni Reese

"What?" Taong ko dito kaya napatingin sila saken

"Ha?"

"What did you just said?" Tanong ko ulit dito

"Sa kwarto ko nalang sya matulog. Bakit?" Tanong nya saken kaya napakunot ako ng noo. Nagtatanong pa sya kung bakit?

"No" Sabi ko dito kaya napakunot noo ito

"Bakit?"

"Are you crazy? Babae ka tapos kasama mo sa iisang kwarto yung lalaki para matulog?"

"Dude, Ginagawa naman namin yon kahit nasa states pa kami" Sabat nung kaibigan nya kaya napataas yung isa kong kilay dito.

"Ibahin nyo dito. Respeto na din sa babae DUDE" Seryoso kong sabi dito at naglakad ako palayo pero bago ko oa sya lagpasan sinadya ko pang banggain yung braso nya.

Bakit ba ang init ng ulo ko ngayon? Bakit ba nangengealam ako sa buhay ni Reese? Aish!

"Ano bang problema mo?!" Sigaw nito saken kaya nilingon ko ito.

"Wala naman" Bored kong sabi dito at balak na sana nya kong suntukin pero pinigilan sya ni Reese.

"Mino tama na, Sa sala ka nalang matulog." Sabi nito kaya napangisi ako. Lumapit naman saken si Reese atsaka hinawakan yung kamay ko

"Umakyat na tayo, bago pa kayo magsuntukan jan." Hinila nya ko pataas pero nakatingin lang ako sa kamay naming magkahawak.

Bakit parang may iba akong nararamdamn ngayon?

"Matutulog na ko" Paalam nito saken atsaka pumunta sa kwaeto nya. Naiwan naman ako ditong tulala habang pinapasok ko pa sa isip ko yung nangyari kanina.

Bakit biglang bumilis yung tibok ng puso ko?

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon