[ Chapter 8: Birthday Celebration II ]

36 2 0
                                    

"Happy birthday, my Ysabelle and soon to be Misis ko."nakangiting bati sakin ni Kayden.

Ngumiti ako sakanya at hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko ng bigla ko siyang kiniss............

Sa cheek lang naman.

Napayuko nalang ako sa kahihiyang ginawa ko. Hindi ko talaga alam kung bakit ko yon ginawa. Tinignan ko si Kayden at natawa lang ako ng biglang pumula ang pisngi niya.

Naghiyawan naman ang mga tao at inaasar na ako ngayon nila Kayla at Tyler.

Lumapit naman sila mommy, daddy at kuya sakin.

"Happy birthday anak."

"Happy birthday to my sweet princess."

"Happy birthday baby sis."

Nakangiting bati nila sakin. Ngumiti rin ako sakanila at hindi ko namalayan na may luha palang dumaloy sa mukha ko.

Naiyak talaga ako. Akala ko kase hindi nila naalala ang birthday ko.

"Oh anak bakit ka umiyak? Hindi mo ba nagustuhan ang supresa namin sayo?"nag-alalang tanong sakin ni mommy.

"Hindi! Akala ko kase hindi niyo na naalala ang birthday ko. Kanina kase tinanong ko kayo na kung anong day ngayon pero hindi niyo sinagot. Sabi niyo may meeting kayo, Wait! Ma diba may meeting ka? Ikaw rin dad?"naguguluhang tanong ko.

"Hahahahahahaha!"tumawa silang tatlo.

Bakit? Anong nakakatawa sa tanong ko?

"Plano namin yon lahat anak. Yong meeting, excuses namin plano yon namin lahat."sabi ni daddy.

What?! All this time, plinano nila yon lahat-lahat?!

"And si Kayden pala ang nagplano nito lahat."nakangising sabi ni Kuya.

Si Kayden?

Napatingin ako kay Kayden na ngayon ay kausap na nila Kayla. Bigla siyang napatingin sa direksiyon ko kaya napa-iwas ako.

"Tara. Ipakilala pa kita sa ibang guest natin."sabi ni mommy. Tumango nalang ako at sumunod kay mommy.

"Tharia"

Napatingin ako sa tumawag sakin. Si Raven.

"Oh bakit mag-isa ka lang dito? Nasan ang prince charming mo?"

"Prince Charming? Si Kayden?"

"Sino pa ba ang prince charming sa buhay mo? Eh si Kayden lang naman diba?"

Nandito kami ngayon sa balcony. Nagpapahingin muna ako.

Pinakilala ako nila mommy at daddy sa mga kaibigan, mga kabusiness partners at iba pa.

Hindi ko na nga matandaan ang mga pangalan nila eh.

"Ano pa lang ginagawa mo dito?"tanong niya.

"Nagpapahangin muna."sagot ko.

"Masaya ka ba?"

"Oo naman, dahil nandito ang mga importanteng tao sa buhay ko, including you Raven."

"Importante ako para sayo?"

"Oo naman. Dahil para sakin, magkaibigan na tayo. Diba magkaibigan na tayo?"

Nakatingin lang siya sakin. Hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Hoy! Raven!"

"Ahh.Oo naman.....Magkaibigan tayo."sabi niya.

Ngumiti ako sakanya at sinukli niya naman ako ng matamis na ngiti.

May sasabihin pa sana ako pero bigla niya akong niyakap.

"Kaibigan naman tayo diba? Kaya pwede kitang yakapin."

"Ahh oo naman."

Niyakap ko nalang siya pabalik. Baka sumama pa ang loob nito.

"Ysabelle?"

Napakalas ako sa yakap namin ni Raven at napatingin kay Kayden.

"Nandito na prince charming mo. Sige, babalik muna ako don."

"Ok."

Umalis na si Raven while nasa pinto parin si Kayden.

"Anong pinag-usapan niyo?"

"Wala lang."

Tumango nalang siya at naglakad palapit sakin.

"Ikaw ha!"sigaw ko sakanya at pinalo siya.

"Aray! Bakit ba?"

"Pinosente ka pa kanina. Hindi mo man lang sinabi sakin na, ikaw pala nagplano nito lahat."

Napakamot siya bigla sa batok niya at biglang namula ang pisngi niya. Ang cute niya talaga kapag nahibiya siya.

"Surprise nga diba. Gusto ko lang masupresa ang misis ko."

Ang sweet niya pala no?

Bigla siyang natigilan ng niyakap ko siya.

"Thank you, mister ko."nakangiting sabi ko.

Naramadaman ko nalang na niyakap niya rin ako pabalik.




Someone's POV

''Sige lang Kayden. Magpakasaya ka muna hanggang nasa piling mo pa siya. Dahil baka dadating ang panahon na magigising ka nalang na wala na siya sa tabi mo."

Nakatingin lang ako sakanilang dalawa, nagkayakapan. Kinuyom ko ang kamao ko.

Maghintay ka muna, mahal. Kunting panahon na lang, mapapasaakin ka na. Bu-buo tayo ng pamilya.

To be continued..........

--

Sino kaya si "Someone"?

Abangan...........



Вы достигли последнюю опубликованную часть.

⏰ Недавно обновлено: May 01, 2018 ⏰

Добавте эту историю в библиотеку и получите уведомление, когда следующия часть будет доступна!

When The Night Falls(On Going)Место, где живут истории. Откройте их для себя