[ Chapter 2 : New Students ]

35 5 0
                                    

"Tharia......."

Lumingon ako sa paligid pero wala namang tao.

"Oras na...."

"Oras na? Para san po?"tanong ko.

"Dumating na ang panahon para malaman mo na ang totoo. Ang totoong pagkatao mo."

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang isang matandang lalakeng nakaitim.

"Anong totoong pagkatao po?"

Nakatingin ako sakaniya at ilang sandali lang bigla lang siyang naglaho. Asan na siya?

"Lolo? Anong totoong sinasabi niyo?"sigaw ko.
.
.
.
"Tharia?! Tharia anak gising!"

Minulat ko ang mga mata ko at unang tumambad sakin ang nag-alalang mukha ni yaya Maria.

"Nananaginip ka lang anak."sabi niya.

Lumingon ako sa paligid at nakita kong nasa kwarto lang pala ako. Anong nangyari? San na yong lalake?

"Anak okay ka lang?"nag-alalang tanong ni yaya.

"Ookay lang po ako yaya. Anong oras na po?"tanong ko.

"6:00 A.M palang anak."

"Sige po. Maliligo na po ako."

"Sige bababa muna ako para makapaghanda kana at maghahanda muna ako ng breafast niyo."

"Okay po yaya."

Lumabas na si yaya at pupunta na sana ako sa banyo pero biglang umihip ang malakas na hangin galing sa labas. May kakaiba akong nararamdaman. Parang may masamang mangyari.
.
.
.
.
"Tharia. Kami ng daddy mo ang susundo sayo. May ipakilala kami sayo mamaya kaya maaga ka naming susunduin."sabi ni mom.

"Okay po. Ingat po kayo mom, dad."sabi ko

Kumaway na ako sa kanila at pumasok na sa building.

Papasok na sana ako sa classroom pero may humarang na lalake. Matangkad siya, maputi na parang kulay ng harina, gwapo siya pero hindi ibig sabihin non na crush ko siya. Mukhang bago palang siya dito.

"Hi!"nakangising sabi niya.

"Uhhhh..Hello?"

"Magtatanong lang sana ako kung saan ang restroom?"

"Pumunta kalang don at lumiko kalang sa right."

"Okay. Thank you. By the way, I'm Tyler...Tyler Ezekiel Fernandez.."sabi niya sabay abot sa kamay niya.

"Ummmm....Tharia.. Tharia Ysabelle Peige."sabi ko at nakipag shakehands nalang. Ang lamig ng kamay niya.

"Hmmmm..Peige? Your the daughter of  Mr.Alexander Peige the Fourth"

"Yes."

"Hmmm...Sige I gotta go. Salamat ulit."nakangising sabi niya.

"Walang anuman."

Naglakad na siya palayo at napansin ko na kanina pa pala kami tinitignan ng mga classmate ko kabilang na don si Alexis na parang galit na ngayon. Bakit? Ano nanaman ang ginawa ko?
Pumasok nalang ako at dumiretso na sa upuan ko.

"Girl alam mo ba na may bagong students?"tanong ng classmate ko sa katabi niya.

"Oo mukhang galing daw sila sa kabilang bayan."          

When The Night Falls(On Going)Where stories live. Discover now