[ Chapter 3 : Truth ]

35 5 0
                                    

Tapos na ang klase namin at nandito ako ngayon sa gate naghihintay nila mommy and daddy.

Habang naghihintay ako napansin kung parang may paparating na motor at ang bilis nagpatakbo. Akala ko lalagpas lang siya pero parang nag drive siya patungo sakin, parang sasagasaan niya ako. Ang bilis ng pangyayari at namalayan ko nalang na buhat napala ako ni....... Kayden. Nandito kami sa gilid ng daan habang buhat parin niya ako. Iniligtas niya ako. Napatingin ako sa motor na malapit akong sasagasaan at nakalayo napala. Napatingin ulit ako ni Kayden at napatingin ako sa mga mata niya. Pamilyar sakin yong mata niya parang nakita ko na siya. Nag alalalang tinignan niya ako.

"Are you okay? Are you hurt?"nag alalang tanong niya sakin. Teka? Pamilyar ang boses niya ah.

"Ahhh okay lang ako. Maraming Salamat."sabi ko habang nakayuko.

Binaba na niya ako at diretso niya akong tinignan sa mata kaya napatingin ako sa mga mata niya. Kulay brown ang mata niya pero nong napatagal ako sa kakatitig sa kaniya napansin kung parang pumula saglit ang mga mata niya. Umiwas na siya ng tingin kaya umiwas na rin ako.

"Mag iingat ka sa susunod."sabi niya at naka poker face na siya ngayon. Naglakad na siya papalyo ng..

"Tharia!"napalingon ako sa gate at nakitang naghihintay na sila mommy don.

"Mom."tawag ko.

"Anong ginagawa mo diyan?"tanong niya

"Wala po mom may tinignan lang ako."sabi ko

"Tara na. Maghahanda pa tayo dahil may bisita tayo ngayon."sabi ni mom.

Sumakay na ako sa sasakyan. Lumingon muna ako saglit sa bintana kung nandon paba si Kayden pero wala na......
.
.
.
"Ayan. Ang ganda talaga ng anak ko manang mana sa mommy."nakangiting sabi ni mama

"Mommy naman ehhhh. Binobola pa ako."sabi ko at napa pout nalang ako

"Totoo naman ahhh....Sige lalabas  muna ako para makapaghanda narin ako."sabi ni mom

"Sige po."sabi ko.

Lumabas na si mommy sa room habang nakatingin parin ako sa sarili ko sa salamin. Naka white off-shoulder dress at silver stilettos ako ngayon above the knee pero sakto lang hindi masyadong maikli. Nag light makeup lang ako dahil hindi naman ako katulad ng ibang babae na mukha ng clown.

Ilang sandali lang bumukas ang pinto at bumungad sakin si mama. Ang ganda talaga ni mommy,ang ganda ng kutis ng balat niya. Namana namin ni kuya ang kutis ni mommy. Magkamukhang magkamukha si daddy at kuya, parang young version ni papa si kuya. Kami naman ni mommy ang magkamukha,parang ako yong young version ni mommy.
Naka royal blue dress at white stilettos si mommy ngayon.

"Are you ready?"tanong ni mommy.

"Yes mom."sabi ko at ngumiti nalang. Sa totoo lang kinakabahan ako parang may mangyaring hindi maganda.

Lumabas na kami ni mommy. Pababa na kami sa hagdan ng natanaw ko na yong bisita. Apat sila, dalawang at dalawang babae. Kausap ni daddy yong isang lalake. Pagbaba namin napatigil sila sa kanilang usapan. Lumingon sila samin at napatingin ako sa lalakeng nakaupo sa isang sofa...WAIT?!
WHAT?!.......BAKIT NANDITO SI KAYDEN? Napalingon rin ako sa isang babae nakaupo sa isang sofa..... Si Kayla.... Bakit sila nandito?

"Si Ysabelle ba yan?"nakangising tanong ng isang babae. Parang mama nila Kayden at Kayla dahil magkamukha sila.

"Oo Kate."nakangisi ring sagot ni mommy.

When The Night Falls(On Going)Where stories live. Discover now