[ Chapter 6 : Teleport ]

27 2 0
                                    

Bumaba na kami sa kotse at naglakad na patungo sa gate. May  lumabas na dalawang lalake. Nakadress silang parang sundalo. May dala rin silang malaking baril na buhat-buhat nila.

Nagbow sila samin ng makita nila kami. Tumango lang si mommy at ngumiti sakanila. Si mommy pala ang reyna ng Vampire Realm. Paano kaya nila ito pinamahala kahit wala sila sa Vampire Realm?

"Goodmorning Queen Thalia, Sir Kayden and Princess Tharia."bati nila samin. Princess talaga. Hindi ba pwedeng Tharia nalang? Hindi ako sanay.

"Goodmorning."bati ni mommy at ngumiti sa dalawang guard. Ngumiti rin sila pabalik samin.

Binuksan nila ang gate kaya pumasok na kami. Nang makapasok na kami sinarado nila ulit ang gate. Baka may magtangkang pumasok.

May malaking tower sa gitna. Hindi ko ito napansin kanina kase may malalaking puno ang nakaharang kanina. May mga guards rin sa paligid. Nang nakita nila kami, nagbow sila.

Naglakad na kami patungo sa tower at nakita kong may mga ibang guards din ang nakabantay ron. Ang dami namang guards dito. Nagbow silang lahat samin.

Bakit ba kapag nakita nila kame, mag bow  talaga sila?

"Goodmorning Queen Tharia, Sir Kayden and Princess Tharia."bati nila samin. Teka lang ha? Prinactice ba nila talaga yon?

"Goodmorning. Papasok kami ngayon sa Vampire Realm."sabi ni mommy.

"As you wish, Queen Tharia."sabi nila at binuksan ng dalawang guard ang pinto.

Pumasok kami at may nakita akong golden door. Diyan kaya ang daan?

"Thank you."sabi ni mommy.

"It's our pleasure Queen Tharia."sabi ng guard at sinarado na ang pinto.

"Diyan po ba ang daan patungong Vampire Realm?"tanong ko kay mommy.

"Oo. Its like a teleportation. Once na pumasok ka, magteteleport ka patungong Vampire Realm."paliwanag ni mommy.

Wow! Ang cool naman non. May teleportation palang nag-exist ngayon.

Tumingin ako kay Kayden na ngayon ay nakitingin sa golden door.

"Kailan pala ang huling bisita mo dito?"tanong ko kay Kayden. Napatingala naman siya sakin.

"5 years old palang ako noon."sabi niya.

"Ahh... Ilang taon kana pala? Hindi mo kase nabanggit nong nag-introduce kayo."tanong ko sakanya.

"Gusto mo talagang malaman?"nakangising tanong niya sakin.

Tumango naman ako. Curious kase ako eh.

"121."simpleng sabi niya sakin while nakangisi parin.

"What?!"hindi makapaniwalang tanong ko sakanya.

What?! 121?! Pero bakit ang bata niya pa tignan? So ibig sabihin, ang tanda na niya?

"Hahahahaha..Kung nakita mo lang ang mukha mo, matatawa ka talaga. Pero yes, 121 na ako. Normal na samin itong mga vampire. Pero kung sa mundo ninyo mga tao, 21 pa ako. Madali kaseng tumanda ang mga bampira pero hindi naman madaling tumanda ang facial feature namin."paliwanag niya.

"Ahhh,so 118 na ako ngayon?"mahinang bulong ko sa sarili.

"Hmm?"

"Wala wala."mabilis na sabi ko sakanya.

Binuksan na ni mommy ang golden door.

Napasinghap ako ng makitang madilim ang nasa loob.

"Wag kang matakot Tharia. Once na nakapasok kana diyan, deretso naman ang teleportation patungong Vampire Realm."paliwanag ni mommy sakin ng makitang parang kinabahan ako.

Totoo naman eh. Kinabahan ako ng makitang walang ilaw sa loob. Total Darkness talaga.

"Ako muna ang mauna Tharia."sabi ni mommy at tumango nalang ako. Hindi ko gustong mauna. Baka hindi sa Vampire Real ako mateleport. Baka sa gitna ng karagatan?

Dahan-dahang pumasok si mommy sa loob at bigla na lang siyang naglaho ng pumasok na talaga siya. Nasan si mommy? Nateleport na ba siya sa Vampire Realm?

"Ok lang ang mommy mo. Nateleport na siya sa Vampire Realm kaya wala kang dapat aalahanin."sabi niya. Bago pa ako magtanong kung nasan si mommy ay inunahan na niya ako.

"Sadyang nababasa ko lang talaga ang expression mo."sabi niya na nakangisi.

"Ladies first."sabi niya.

"Huh?"tanong ko sakanya. Ako ang mauna? Ayoko!

"Ikaw muna ang mauna. Sige na."sabi niya at tinulak pa ako ng marahan.

"Ahmmm pwedeng.........ahhh"ano bato? Bakit hindi ko masabi sakanya?

"Ano?"tanong niya.

"P-Pwedeng....s-sabay nalang tayo?"tanong ko sakanya. Nagulat naman siya sa tanong ko pero pumayag naman siya.

"Sige."sabi niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at parang may biglang dumaloy na kuryente sa katawan ko ng hinawakan niya ang kamay ko.

Napatingin ako sakanya at parang naramdaman niya rin yon kase bigla siyang tumingin sakin.

"Tara!"sabi niya. Tumango nalang ako.

Dahan-dahan kaming pumasok sa loob at parang biglang may puwersang humihila samin kaya napakapit ako kay Kayden at nagulat naman siya sa biglaang pagkapit ko sakanya pero ako naman ang nashok ng bigla niya akong hinila palapit sakanya at pinulupot niya ang dalawa braso niya sa baywang ko.

Namula naman ang pisngi ko pero ngumiti lang siya sakin. Ngiting parang matutunaw ka kakatitig sakanya.

Hindi ko namalayan na huminto na pala ang puwersang humihila samin at kanina na pala ako nakakapit sakanya kaya bumitaw na ako at bumitaw naman siya. Nandito na ba kami sa Vampire Realm?

"Nandito na ba tayo?"tanong ko sa kanya.

"Oo. Tara na."masayang sabi niya at lalabas na sana pero bigla siyang napahinto ng naramdaman niyang hindi ako sumunod sakanya.

"Baka hinihintay na tayo ng mommy mo."sabi niya pero hindi parin ako umimik. Lumapit naman siya sakin at hinawakan ang balikat ko.

"Wag kang mag-alala. Nandito lang ako sa tabi mo. Itotour kita kaya ako ang magsisilbing tour guide mo. Pasalamat ka nga dahil ang isang gwapong tulad ko ang magtotour sayo."sabi niya. Napatawa naman ako sa kayabangan niya. Pero totoo naman. Gwapo siya. Mayabang nga lang minsan.

Tumango nalang ako sakanya kaya napangiti siya. Ngumiti rin ako sakanya at himawakan niya ulit ang kamay ko.

To be continued.......

When The Night Falls(On Going)Kde žijí příběhy. Začni objevovat