[ Chapter 4 : Fever ]

29 4 0
                                    

*tok..tok..tok

"Tharia anak?"

Nagising ako sa katok ni mommy. Anong oras na?

7:00 A.M

Dali-dali akong bumangon pero napatigil ako ng biglang sumakit ang ulo ko. Noong isang araw pa to, nang malaman ko ang lahat.

Nang malaman ko na isa pala akong bampira at ikakasal na rin ako sa isang bampira. Hindi pa maproseso ng utak ko ang lahat na sinabi nila mommy sa akin kagabe.

Binalewela ko nalang ang headache ko at bumangon na kase 8:00 A.M ang pasok ko.

Pumasok na ako sa loob ng banyo at naligo.
.
.
.
.
"Tharia."tawag ni mommy sakin.

Napalingon ako sakanya at nakita kong nag-alalang nakatingin siya sakin.

"Anak hali ka. Kumain ka na. May pasok ka pa."

"Ok po."

Umupo na ako at tinignan lang ang pagkain ko. Wala akong ganang kumain.

"Anak sorry kung noong isamg araw pa namin sinabi sayo ang lahat--"

"Mom, ok lang yon. At least sinabe niyo ang totoo sakin."

Ngumiti siya sakin ang hinawakan ang kamay ko na nasa table.

"Nasaan si daddy at kuya, mom?"

"Nasa taas pa ang daddy mo while ang kuya mo ay pumunta na sa office."

Tumango nalang ako.

"Ok ka lang ba anak? Namumutla ka."nag-alalang tanong ni mommy. Umiling na lang ako para hindi na siya mag-alala pa.

"Ok lang ako Mom. Sa school nalang ako kakain. Malalate na ako. Bye mom. I love you."

"Bye anak. I love you ingat."

Lumabas na ako sa bahay at sumakay na sa kotse.
.
.
.
"Tharia!"

Napalingon ako sa likod ko at nakitang nadoon silang apat. Nagwave sakin si Kayla at naglakad papalapit sakin.

"Sabay na tayo sa class?"tanong nila Kayla sakin.

"S-Sige."sabi ko at ngumiti nalang.

"Sabay tayo maglulunch mamaya ha?"masayang tanong ni Tyler.

"Sure."

Naglakad na kami papaunta sa classroom ng may narinig akong bulong-bulongan.

'Friends sila?'

'Magka-ano-ano sila?'

'Bakit sila magkasama?'

"Wag mo na silang pansinin Tharia."sabi ni Kayla na nakatingin lang sa harap.

Tumango nalang ako pero bigla nalang akong nahilo. Umiikot ang paningin ko at unti-unting dumidilim. Napakapit naman ako kay Kayla.

"Tharia ok ka lang? Parang namumutla ka."

Bigla nalang bumigay ang katawan ko at akala ko babagsak na ako pero may biglang sumalo sakin at hinawakan ang baywang ko.

"Ysabelle!"

Yon nalang ang huling narinig ko bago ako tuluyang pumikit.
.
.
.
.
"Nurse okay na ba siya?"

"Ok lang siya pero kailangan niya muna magpahinga. Baka hindi na siya kumakain ng tama. Nakakasama ito sa katawan kaya kailangan niya munang magpahinga dito ng mga 2 hours dahil baka mas lalala ang lagnat niya."

"Sige po salamat."

Nagising ako ng may narinig akong nag-uusap.

"Tharia!"

Dali-daling pumunta sakin si Kayla, Tyler.

"Ok ka lang ba?"

"Nagugutom ka ba?"

Sunod-sunod na tanong nila sakin. Napalingon naman ako sa harap at nakitang nakasandal sa pinto si Kayden while si Zarina naman ay nakaupo sa sofa. Mukhang nandito kami sa clinic.

"Ok lang ako at.....Oo, ahhh nagugutom na ako."

"Sige sandali lang ha? Bibili muna ako ng makakain mo."

Lumabas na si Tyler while naiwan kaming apat dito.

"Lalabas muna ako para matawagan ko sila Tita."sabi ni Kayla

"Lalabas muna ako"sabi ni Zarina at lumabas na silang lahat kaya naiwan kaming dalawa ni Kayden.

Walang isa saming dalawa ang nagsalita. Tanging tunog lang ng aircon ang umalingawngaw sa buong kwarto ng clinic.

"Kayden."

"Ysabelle."

Sabay kami pero nagulat ako dahil tinawag niya ako sa second name ko.

"Ikaw muna."sabi niya sakin.

"Hindi ikaw muna. Sige ano ang sasabihin mo?"tanong ko.

"Ahh...o-ok ka lang ba?"nahihiyang tanong niya sakin while kinakamot ang batok niya. Nahihiya? Bakit naman siya mahihiya?

"Ahh.Oo okay na ako. Salamat sa concern."sabi ko at ngumiti.

"K-kumain ka ng maayos. W-wag magpalipas ng gutom. S-sige lalabas muna ako para makapagpahinga ka muna."sabi niya at lumabas na.

Napangiti nalang ako sa inasal niya. Ang cute niya pala kapag nahihiya siya.

Humiga nalang ako ng maayos para makapag-pahinga muna.

To be continued.....

Authors Note

Hi readers. Sorry pa talaga kung ngayon lang ako nakapag-update. Busy kase kami last month.

Sorry rin kung short update lang to. I hope you will still read my story.

-Miss Bloomina

When The Night Falls(On Going)Where stories live. Discover now