[ Chapter 1 : Vampires are Real ]

60 6 4
                                    

Nandito kami ngayon sa classroom habang naglelecture ang History teacher.

"Class,para sa inyo posible bang may nag-eexist na vampire?"tanong ni maam.
.
.
.
"I think it's possible maam."sagot ko.

Napatingin naman silang lahat sakin

"Bakit posible? Nakakita ka nanaman ba ng vampire,Tharia?"tanong ni Alexis while nakataas ang kilay.

"Oo may nakita akong vampire noong bata pa ako."sabi ko.

"So bata ka pa noong nakita mo yong Vampire creature?"tanong niya at diniin pa yong Vamipre Creature.

"Oo."
.
.
.
"BWUHAHAHHAHAHAHAHAHA!!!!!"

Hindi na sila maawat sa kakatawa. Yumuko nalang ako at nagsusulat nalang sa diary ko.

"Class!Silence!"sigaw ni maam at napatigil naman silang lahat sa kakatawa.

"Hahahaha..vampire? What a weirdo. May bagay bang ganyan ang nag-eexist"bulong ng isa sa mga classmate ko.

Hindi ko nalang sila pinansin. Kahit anong sabihin ko hindi naman sila maniniwala.

.
.
.
.
.
.

"Ysa?"
.
.

"Ysa?!""

"Huh?"

Napatingin ako nila mom and dad. Pauwi na kami sa mansyon. Kagagaling lang nila mom and dad sa company.

"Okay ka lang ba anak?"nag-alalang tanong ni mom.

"Okay lang ako mom."sabi ko sabay ngiti.

Ayokong mag-alala sila mommy kaya ililihim ko nalang yong nangyari kanina dahil nag-alala ako na baka malaman nila ang nangyari dahil kami ang may-ari ng school na pinapasukan ko, ang Shariah University. Ayokong masuspend si Alexis kahit inaaway niya ako dahil sayang lang ang pera na binabayad ng mga magulang niya.
.
.
.

Nandito kami ngayon sa dining table. Sa pinakagitna si daddy habang sa left side naman niya si mommy. Sa right side naman ni dad ay si kuya Alex.

"Princess, how's school?"tanong ni kuya.

"Okay lang naman kuya."sagot ko.

Tinignan ko lang yong pagkain ko.

"Tharia kumain kana."sabi ni dad.

"Opo"sagot ko.

"Anak okay kalang ba talaga? Kanina kapa tulala diyan. You barely touched your food."nag-alalang tanong ni mommy

"Okay lang po ako mom, dad, kuya. Wag kayong mag-alala."sabi ko at kumain nalang. Ayokong mag-alala sila.
.
.
.

Nakahiga na ako sa kama ko at tulalang pinagmasdan ang ceiling. Maraming glow-in-the-dark stars (sticker) na nakadikit sa ceiling. Matutulog na sana ako pero kahit nakapikit na ang mata ko hindi parin ako makatulog. Pumunta muna ako sa veranda at pinagmasdan ang paligid. Malapit ng mag-alas dose kaya tahimik na ang buong paligid.

Naalala ko yung panahon na una kaming nagkita at nakilala yong lalakeng nagsagip sakin, 12 years old palang ako noon.........

Flashback

Nandito kami ngayon ni mommy sa plaza. Kausap ni mommy yong kaibigan niya kaya naglalaro muna ako ng bubbles. Habang naglalaro ako nakita kong may isang bagay na kumikinang malapit sa pond, kaya pumunta ako don. Ipupulot ko na sana yon pero may biglang nagtakip sa bibig ko para hindi ako makasigaw.

Bubuhatin na sana ako palayo sa pond ng lalakeng nagtakip sa bibig ko ng may isang matangkad na lalakeng nakaitim ang sumugod at sinuntok ang lalakeng dadakip sa akin. Natumba naman ang lalake kaya nabitawan niya ako at mahuhulog na sana ako kaya lang nasalo ako ng lalakeng nagligtas sa akin. Napatingin ako sakaniya at napansin na....pula ang mga mata niya at ang lamig niya rin. Napatingin naman sakin ang lalake at tinignan kung may sugat o galos ba ako.

"Okay ka lang ba?"nag-alalang tanong niya.

"Okay lang ako."sagot ko

Binaba na niya ako at aalis na sana siya pero hinawakan ko ang pulsahan niya.

"Sandali po. Anong pangalan niyo?"tanong ko sakaniya.

Tiningnan niya lang ako at aalis nanaman sana siya pero nagsalita ako.

"Salamat kuya."sabi ko.

Napalingon siya sakin at ilang segundo ay umalis na siya patungo sa mga kakahuyan.

"Tharia!!! Ysabelle!!"

Si mommy yon ah.... Naglakad na ako at lumingon muna ako saglit sa kakahuyan umaasang makita muli yong lalake pero wala siya kaya bumalik na ako kung saan nag-uusap si mommy at ang kaibigan niya.

"Tharia!! San ka ba galing bata ka?! Kanina pa kita hinahanap."

"Sorry po mommy. Don lang po ako sa may pond,naglalaro ng bubbles."

"Okay. Basta sa susunod wag kang aalis ng walang paalam ok?"

"Yes mommy."

Hindi ko nalang sinabi sa kaniya ang nangyari dahil mag-alala lang si mommy.

Lumingon muna ako pabalik sa kakahuyan at may nakita akong nakahood na lalake na nakatingin sakin at ilang segundo lang umalis na siya.

End of flashback.....

Palagi akong pumupunta doon sa pond kung saan don niya ako iniligtas sa kidnapper, nagbabasakaling makita ko ulit siya para mapasalamatan man lang.

"Tharia?"

Lumingon ako sa kwarto ko at nakitang papasok pa si dad.

"Nandito ako sa veranda dad"tawag ko sa kaniya.

Ilang saglit ay nararamdaman kung nasa tabi ko na siya.

"Hindi kaba makatulog?"tanong ni dad.

"Opo."sagot ko.

"Gusto mong magtimpla ako ng gatas?"tanong niya.

"Hindi na po dad."sabi ko.

Napatingin ako kay dad at parang may gusto siyang sabihin sakin pero hindi niya masabi.

"Bakit po pala kaya nandito?"tanong ko sa kaniya.

"Ummmm...... Anak......kasi...."

"Ano po yun?"

"Wala....Ummm.. Sige matulog kana may klase ka pa bukas.."

"Sige po"

"Goodnight anak"

"Goodnight daddy"

Lumabas na si daddy sa room pero hindi parin ako bumalik sa loob.

Tumingin muna ako sa madilim na kalangitan at pinagmasdan ang mga bituin. May kakaiba akong nararamdaman na parang may nakatingin sakin kaya tumitingin ako sa paligid. Napatingin ako sa kakahuyan at may nakita akong nakaitim na lalakeng nakatingin sakin ng diretso. Ilang minuto kaming nakatingin sa isa't isa. Matangkad siya at parang lumiliwanag ang mga mata niya....Pula.....Pula ang mga mata niya at isang tao lang ang nakita kong ganyan ang mga mata.....siya yong lalakeng nagligtas sakin noon.

Tatawagin kona sana siya pero bigla lang siyang nawala na parang hangin. Nasan na siya? Kailan ko ulit siya makikita? Kailan ko makita ng buo ang mukha niya? Kailangan ko ulit siyang makita para makapagpasalamat man lang ako..

To be countinued.......

AN:Hi guys...Sorry po sa mga wrong grammars or wrong spelling. I'm only 13 years old but I will try my very best to correct my mistakes (charrrr). I hope you like my first chapter😍. Love you guys

When The Night Falls(On Going)Where stories live. Discover now