[ Chapter 7 : Birthday Celebration I ]

32 1 0
                                    

Lumabas na kami don at nakita kong naghihintay na pala si mommy sa labas.

"Bakit ang tagal niyo?"tanong ni mommy samin.

"Eh kasi naman po tita, itong isang to natatakot."natatawang sabi niya at inakbayan ako.

"I'm not scared at wag mo nga akong akbayin. Ang bigat ng braso mo. Overweight ka siguro noh?"pang-aasar ko sakanya. Inalis niya naman ang braso niyang nakaakbay sa balikat ko kanina.

"Ito? Itong katawang to?! Overweight? Grabe naman. Baka maglaway ka pa nga kung makita mo abs ko."

"Maglaway?! Ako?! In your dreams--"

"Tama na yan. Para kayong bata na nagbabangayan."sabi ni mommy pero nakangisi siya. Anong nakakatawa?

"Sorry mommy."

"Sorry po tita."sabay na sabi namin ni Kayden kaya napatingin kami sa isa't isa. Umirap lang ako sakanya pero tumawa lang siya. Sira ulo na siguro tong lalakeng to.

Lumabas na kami don. May mga guards na naghihintay sa labas. Nagbow sila at bumati samin. Mga banpira siguro sila. Nandito na kase kami sa Realm.

Naglakad na kami papunta sa pinto at tumigil muna saglit.

"Welcome to the world of Vampires. The Vampire Etherious Realm."sabi ni Kayden at binuksan na ang pinto.

Bumungad samin ang isang malaking kwarto. Ang lake na parang isang bahay lang. May mga bookshelves sa paligid. Parang nasa library kami.

"Nandito tayo ngayon sa Royal Library."sabi ni Kayden.

"So hindi ito pareho sa Human Realm na nasa gitna ng kagubatan ang Teleportation Place thingy?"tanong ko sakanya

"Oo."maikling sagot niya kaya tumango lang ako. Unang naglakad si mommy kaya sumunod na kami.

Lumabas na kami sa library at may dalawang guards na nagbabantay sa gilid. Nagbow sila samin at bumati.

Ang laki ng hallway. May mga maliliit na chandelier na nakasabit sa itaas pero kahit maliit yon ang ganda parin tignan.

"Pupunta na ako sa Conference Room. Magtour muna kayo dito sa loob ng palasyo. Pwede rin kayong magtour sa main village."sabi ni mommy while nakatingin sa relo niya.

"Ok po tita. Ako na po ang bahala kay Ysabelle."sabi ni Kayden. Tumango naman si mommy at naglakad na sa kabilang hallway.

"So Miss Peige, soon to be Misis Ford--"

"Misis Ford ka diyan. Wala pa ngang kasalang naganap eh."

"Wah! May ganyan ka pang nalalaman baka nga ikaw pa ang mas excited sa kasal natin o baka mas excited ka pa sa honeymoon--"hindi na niya natapos ang sinabi niya dahil binatukan ko na nga ang loko.

"Aray!"

"Honeymoon ka diyan. Tse!"inirapan ko siya at naglakad na. Narinig kong humalakhak siya.

Anong nakakatawa?

"Grabe! Ang aggressive pala ng mapapangasawa ko. Why are you so violent to me Misis ko?"nakangising tanong niya. Inaasar talaga ako ng lokong to.

"And why are you so annoying Mister ko?"

"Ohhhh....I like that endearment Misis ko..."

"Endearment ka diyan--"

"WOAH! WELCOME BACK BRO!"

May biglang sumigaw kaya naputol ang bangayan namin. Nandito pala silang tatlo pero may kasama silang iba. Hindi ko siya kilala siguro taga rito siya.

"Oh nandito pala kayo? Bakit hindi ko kayo nakita kanina?"tanong ko sa tatlo.

"Ahmm nauna kase kami pero wag mo ng aalahanin yon tutal nandito naman kami sasamahan ka namin magtour dito sa palasyo."sabi ni Tyler. Napangiti naman ako, at least may kasama ako bukod sa isang lokong katabe ko ngayon.

Napatingin naman ako sa lalakeng kasama nila. Naka-awang ang bibig niyang nakatingin sakin. Anong problema? May dumi ba sa mukha ko?

Bigla nalang binatukan ni Kayla ang lalake

"Houy Raven! Umayos ka nga! Pinaalala ko lang syo na siya ang prinses natin."sabi ni  Kayla. Napakamot nalang si Raven at ngumiti sakin.

"Alam ko kaya na siya ang prinsesa natin. Manang-mana kaya siya sa tatay I mean kay King."sabi niya pero diniin niya ang "Manang-mana".

"Oo naman pero sabi nila ako daw ang younger version ng mama ko."sabi ko at tumango lang siya. Mga ilang minuto kaming tahimik nng biglang magsalita si Zarina.

"So tara na!"sabi niya.

Nagsimula na kaming maglakad. Nasa likod sina Zarina, Kayden at Tyler while katabi ko naman sina Kyla at Raven.

"Wow ang ganda mo pala sa personal Tharia."papuri niya sakin. Ngumiti nalang ako.

Napatingin namn ako sa likod at saktong nakatingin pala sakin si Kayden. Ang sama ng tingin niya sakin. Bakit? Anong ginawa ko?
.
.
.
.
"And this room is where you can find the royal family museum. Dito inilagay ang mga gamit ng mga ninuno ninyo."sabi ni Kayla. Napatingin ako sa mga picture na nakasbit sa wall. Mukhang sila ang mga ninuno namin..

"Siya si Former King Alexander Peige, ang unang hari ng Vampire Realm at siya ang unang nagpalaganap ng Vampire Realm."paliwanag niya at tinuro ang former King, ang great great granfather ko. So siya ang una talaga sa lahat?

"Siya naman si Former King Alexander Peige the Second and the Third until now, your father King Alexander the Fourth."paliwanag niya sakin. Nakatingin lang ako sa mga pictures. Sila ang mga  ninuno namin. May pictures rin sa grandmother ko, great grandmother and great great grandmother at ang ibang relatives namin.

"Let's go? May ibang lugar pa kaming itotour sayo."sabi ni Tyler at hinila na ako palabas. Napatingin ako kay Kayden na ngayon ay ang tahimik lang na nakasunod samin.

Anong nangyari sakanya? Kanina nga ang daldal niya, ngayon ang tahimik na niya.

Ang tahimik rin ni Zarina. Hindi siya kumakausap samin. Pareho lang sila ni Kayden.

Naglakad-lakad lang kami hanggang sa napahinto kami sa isang golden door. Ano kaya ang nasa loob? Parang ang tahimik ng palasyo.

"Ikaw muna ang pumasok."naka-ngiting sabi ni Kayla.

Napatingin muna ako sakanila. Naggesture sakin si Kayla na pumasok na kaya wala na akong magawa.

Pinihit ko na ang door knob at pumasok. Bakit ang dilim? Wala bang ilaw dito?

Napatalon ako ng biglang sumara ang pinto.

"Wait! Guys! Ano to? Lalabas ako hoy!"

Nagpapanic na ako. Asan na sila? Bakit nila ako nilock dito? Parang naiiyak na ako. Iiyak na sana ako ng biglang may nagsigawan at may pumutok

"SUPRISE!"

Biglang umilaw kaya nakita ko na ang kung sino ang nagsigawan. Ang daming tao. Nakita ko sina mommy, daddy and kuya. Anong ginagawa nila dito? Diba may meeting si mommy? And nasa Human Realm sila daddy at kuya?

Nakita ko rin ang mommy at daddy nila Kayden at Kayla. Nakangiti sila sakin. Silang lahat nakangiti sakin. Nakita ko rin sila Kayla, Zarina, Tyler at Raven. Nakangiti rin sila sakin. Akala ko nilock nila ako dito.

Napatingin ako sa lalakeng naglakad papunta sakin. May dala siyang cake at nakangiti na siya. Kanina nakasimangot ngayon nakangiti? Ang bipolar naman niya.

"Happy birthday,my Ysabelle and soon to be Misis ko."nakangiting bati niya sakin.

To be continued................

---

Wow! Kathniel lang ang peg. Hahahaha fan kase ako ng Kathniel....
So I hope you like this chapter readers.

-Miss Bloomina

When The Night Falls(On Going)Where stories live. Discover now