Chapter 25

2.8K 74 11
                                    

Chapter 25.

*Christine's POV*

Marami na akong nakakabangga pero patuloy pa rin ako sa paglalakad. 'Di ko nga alam san ako patungo e, hays.

"Go!"

Pagkasabi 'non ni HM pumikit pa ako. Baka kasa kaladkarin ako kung sino mang lalaki ang kukuha sakin..chos!

Five..

Four...

Three..

Two..

One..

Nakailang bilang na ako pero wala pa rin. Hays, pati pala kahit invisible ako walang lumalapit saken. Ang unfair talaga ng life-----

*hap*

Napasinghap pa ako nang may humila sa kamay ko.

Kinakabahan akong napahawak sa invisible din na nasa harapan ko.

I can feel his breath na nasa ulohan ko lang. Ang taas naman ng lalaking to, mga tipo ko. Chos lang!

"Klare already sees na pair na lahat..So next, for boys put your hands sa bewang ng babae..."

A-Ano daw?

Napatigil naman ang hininga ko ng sinunod agad ng lalaki ang sabi ni HM.

"..and for girls, put your hands sa dibdib ng mga partner niyo."

Nag aalanganin ko pa kung ilalagay ko ba o hindi. Nubanamanyan, Headmaster!

"Don't hesitate girls, do it."

Don't hesitate daw. Sige na nga, pinilit naman ako ni Headmaster e. Good girl naman ako, edi go.

"Boys..hold the girl's face and--"

Hindi na natapos ni Headmaster ang sasabihin niya nang may sumigaw.

"Hala Headmaster, saan na patungo to? Baka mabigwasan pa ako netong partner ko." Kilala ko ang boses na yon. Dixon.

Gumalaw naman ang balikat niya at senyales lang yon na tumawa siya.

Tumatawa naman pala, Tin. Wag kana matakot. Kausap ko sa sarili ko.

Baka nga siya pa matakot sakin e.

"Puro ka talaga kalokohan, Lee. Now, hold the girl's face and pinch their cheeks."

Pagkarinig ko nun, agad akong napalingon sa harap ko kahit wala akong nakikita.

"Hala kuya, wag mo masyadong lakasan ah, sensitive tong cheeks ko kahit hindi ako kagandahan."

Para naman siyang na-estatwa sa kinatatayuan at dahan dahan na pinisil ang pisngi ko.

He pinched my cheeks gently as if it was a precious gem.

*dug*dug*dug*dug*

Hindi ko na namalayan ang iba pang sinasabi ni Headmaster dahil parang tumigil ang mundo ko at tanging sarili ko lang ang nakikita ko. Invisible siya e, kaya no choice ang imagination ko.

Napagtanto ko lang na, we are dancing smoothly. Siya lang din ang parang nagdadala sa sayaw namin.

"Kuya, pasensya ka na. Di talaga ako marunong sa mga 'ganto. Tsaka masakit na rin ang paa ko dahil sa heels na suot ko. Pasensya na talaga."

Pero imbes na sumagot siya, hinawakan niya lang ang buhok ko and he patted my head gently.

*dugs*dug*dug*dugs*

Kuya, wala namang ganyanan.

"And for the last part...bigyan niyo ang isa't isa ng kahit ano mula sa inyo. I repeat..kahit ano.."

Hala, ano namang ibibigay ko?
Kwintas? Ay, 'di pwde. Hmm..Etong hikaw na nga lang tutal di naman halata kung wala na sa tenga ko dahil nakalugay na'ko.

I handed him my earings and he handed me something.

Something really...soft.

"That's it, students! blah blah blah"

May iba pang sinabi si HM pero wala na talaga akong marinig kundi ang malakas na pag tambol ng puso ko.

Lord, aminado akong never pa akong na-inlove pero naman! Bakit sa taong hindi ko kilala titibok ng ganto 'tong puso ko?

Para lang akong na-estatwa sa kinatatayuan ko, para bang napaka-tahimik ng nasa paligid ko.

Dahan dahan niya akong binitawan.

W-Wag muna.

Hanggang sa mabitawan niya na ako at hinawakan ang buhok ko't hinaplos ang mukha ko.

Sabi sayo, walang ganyanan e.

Hindi ko na nga namalayan na hinatak na pala ako ng dalawa papunta sa table namin. Maryosep to. Anyare sakin?

"Kanina ka pa lutang, Tin. May nangyari bang masama 'don?"

Napatawa naman si Ky at hinampas ang balikat ni Cole pero mahina lang.

"Masama? I don't think so.  I know something happened out there, Chris. Para kang kamatis sa sobrang pula kanina e. Yieeeeee"

Tumahimik nalang ako at hindi na inalintana ang panunukso niya sakin.

Napabaling ako ng tingin sa bagay na ibinigay ng kuya sakin kanina.

Isang panyo na itim at pula.

Brenin?

Yun ang nakalagay sa panyo kaya posible na pangalan niya yun.

Nagtuloy-tuloy naman ang celebration at wala ring tigil si Kyla sa pagbubunganga dahil isang unggoy daw ang naka pares niya kanina. Si Dixon daw.

Habang nagkakasiyahan ang lahat ay eto ako't nasa table lang namin nakapalumbaba.

I look at my reflection sa isang eleganteng baso na pwede mo ng panalaminan.

Tila ba nagising ako sa realidad nang makita ko ang mukha ko.

Glasses. Braces. at 'tong mukha ko.

Tama naman kasi sila eh. I am nothing but a nerd.

Dun pa nga sa lugar namin, yun na talaga tawag sakin.

I remembered what Stacy told me a while ago.

*sigh*

"D'you even have magic?"

Reality hits me very hard.

Napahinto nlang ako sa mga iniisip ko nang may lumapit sa amin.

"Would you mind I sit here?" sabi niya ng nakangiti.

Halos lahat ng malapit sa table namin nakatingin sa amin---I mean, sa kanya.

Ngumiti lang sina Ky at pinaupo ang prinsesa.

"So...." tumingin siya kay Cole at ngumiti.

"I heard from HM that we we're so close before nung mga bata pa tayo." ngiting-ngiti naman si Cole na nakatingin sa prinsesa.

"Ah, yes princess."

Nanlaki naman ang mga mata namin ni Kyla habang nakatuon ang tingin sa kanilang dalawa.

I-Ibig sabihin..

"Let's start making new memories.....Nicole"

Ngumiti naman si Cole at inabot ang kamay ng prinsesa.

And that was the beginning of Cole's cold treatment to me.

She's the Long Lost Princess[HIATUS]Where stories live. Discover now