Chapter 19

3K 76 8
                                    

Chapter 19

Christine's POV

Ano daw? Lahat ng nandito sa Grande Academy ay may mahika? Natawa nalang ako.

"Hay nako, epekto na to sa kakapanood ko ng fantasy na kdrama."

"Why? Is there something wrong?" sulpot naman ni Cole sa harap ko. "Nandyan ka na pala. Nagkausap kasi kami ng kapatid mo kanina tas kung ano ano ang mga sinasabi. Magic daw, hays. Walang ganon."

"Magic exist." napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya. "..and this is the proof"

Gulat na gulat ako sa nasaksihan ko ngayon na para bang tumigil ng ilang segundo ang paghinga ko.
Pinalitaw niya ang upuan at ang teacher's table gamit ang dalawa niyang kamay.

Lumingon pa ako sa paligid baka may makakita. "Don't worry, nasa gym ang lahat ngayon dahil may importanteng sasabihin ang headmaster." Cool niya pang sabi na para bang wala lang sa kanya ang ginawa niya.

"P-Pano mo nagawa yan?" kumunot naman ng onti ang noo niya at nagsalita.

"Why? Wala ka ba talagang magic?"
Dahan dahan kong iniling ang ulo ko.

"Kung ganon, how did u manage to be in this academy? I mean, bawat mag-aaral sa Grande Academy ay may taglay na mahika." sabi niya pa at naguluhan.

"Basta sabi ng may-ari ng restaurant na pinagtrabahuan ko na dito na daw ako mag aaral. Hindi ko pa nga siya nakikita e kaya nakakapagtaka."

"Hmm. That sounds strange." yumuko ako at nag isip. "Pero alam mo bang kahapon lang may lumitaw na libro sa harapan ko. Kinilabutan nga ako nun, e."

"Really?" interesado niyang tanong.

"Oo nga. Tapos umilaw siya at ang nakasulat sa harapan ay HERCEGNÕ."

"W-What? So they were right. Malapit nga lang ang prinsesa."
tumayo siya at hinawakan ang kamay ko. "Tara na sa gym!"

Third Person's POV

Nagkakagulo na ang lahat sa gym hindi dahil sa mainit kundi abala sila sa pag-uusap kung ano ang importanteng sasabibin ng Headmaster.

Nasa unahan ang Great 5s kasama ng mga Beauties habang sina Christine at Cole naman ay nasa bandang huli pero binibigyang daan ng mga studyante dahil kay Cole.

"Magkasama na naman sila, hindi ba talaga nandidiri yang si Nicole sa mukha ng pangit na yan? So grossssss." at nagtawanan ang mga babae. Akmang sasagot na sana si Cole pero pinigilan naman ito ni Christine.

Eksaktong pagdating ng Headmaster ay napaka ingay pa ng gym. Makikita na may autoridad ito base sa kanyang tindig. Ang seryosong mukha na nagdadagdag dito.

"Magandang umaga mga Ginoo at Binibini. Siguro ay nagugulumihan kayo kung bakit ipinatawag ko kayong lahat dito." huminto ito saglit at tumikhim.

Halata ang kuryusidad ng mga studyante at napakatahimik nilang lahat na para bang nais mapakinggan ng malinaw ang kung ano man ang sasabihin ng Headmaster.

"Ihanda ninyo ang inyong mga sarili dahil sa aking sasabihin ay sigurado akong magugulat at sasaya sa dala kong balita."

Lahat ng atensyon ay nasa Headmaster lalo na si Christine na baguhan lamang sa mga ganito.

May isang babae na mala-dyosa ang tindig at bumagay ang napaka-itim niyang buhok sa mala-perlas niyang balat.

Humarap ito sa lahat at ngumiti ng napaka tamis. Ang hindi alam ng lahat ay sa likod ng napakatamis na ngiti na iyon ay isang masamang balak.

Ngunit ang mas nakaagaw ng atensyon ng lahat ay ang kumikinang nitong kwintas.

"Ang kwintas.." bulong ni Christine sa kanyang sarili.

She's the Long Lost Princess[HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon