Chapter 1 : New what?

7.1K 196 4
                                    


CHRISTINE'S POV

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko..

Nang dahil sa sinabi ng manager ko.

"Dun ka papasok sa GRANDE ACADEMY"

"Dun ka papasok sa GRANDE ACADEMY"

Kanina pa talaga toh paulit-ulit sa utak ko. Hindi ko talaga ma-imagine na ang isang NERD at panget na katulat ko, papasok sa skwelahang 'yon. Hindi ako mayaman, kaya nga ako nagt-trabaho diba?



This time, nagdadalawang-isip pa ako. Pero this is such a rare opportunity. It feels like I'm giving up on diamonds.

"KIARA!" sigaw ni Abegail, isa siya sa mga waitress sa resto.

"COMING!"

Dito sa resto na pinag ta-trabahuan ko, Kiara ang tawag nila sa akin. Kasi nang pumasok ako dito last year, I insisted na Kiara na lang ang tawag nila sa akin.


Kaya ayu--

"ANO BA KIARA!?"

"A-ay! Papunta na po!"

Papunta na ako sa table 9 nang sinadya akong itisod nung babae kaya ang resulta--

Ano pa nga ba? Edi bagsak sa baba.

" Omy! I didn't know you have such a pathetic loser nerd in this amazing restaurant!"

"I'm sorry for what just happened, Ma'am. Please forgive her."

"I'm very sorry po." I said, bowing my head to oay respect. Nahihiya akong tumingin sa mga tao sa resto pero napatigil ako saglit nang mahagilap ko ang isang babaeng nakatingin sa akin ng malalim kaya dali-dali akong umiwas.


"No! You really should fire her! What if may mga mas mataas pa na ranggo sakin dito at madisgrasya rin ng babaeng 'yan? Ha? Will you take responsibility? Then that's a big NO. You should fire her, now!"

Nanlilisik nyang sabi kay Ma'am kaya napayuko nalang ako sa sinabi niya.

After 15 minutes, papalabas na ako ng resto.

Hays. Ano pa ba? Di ko na alam kung anong gagawin ko. Papano na ko?

Napatalon ako nang dahil sa nag ring yung cp ko.

"Hello?"

"Ay, Ma'am. Napatawag po kayo?"

"Kiara, gusto ko lang malaman mo na hindi ka nasesante! Pero ang sabi ni Sir, mag-iingat ka daw sa susunod."

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Kaya't maluha-luha pa ako habang pinapasalamatan si Ma'am.

"Ta-talaga p-po? As in, Ma'am? Waah! Thank you po!"

"Ano ka ba. Oh sige, bumalik ka na lang dito bukas at nandito na yung mga bagong uniporme niyo." sabi naman ni Ma'am na para bang natutuwa.

" Okay, sige po! Maraming salamat po uli!"

"O sya sya , mag iingat ka sa daan mo"

Nang matapos na ang tawag ay saka pa lang ako nakahinga ng maluwag. Akala ko tanggal na talaga ako eh. May problema pa naman ako.

Aish! Makabili na nga lang ng gamit sa school. mabuti at binigyan ako ng badget ni Ma'am nung isang araw.

Nasa mall na ako nang may maka banggaan ako at napaupo ako dahil sa impact ng banggaan namin.

"Hala, ano ba 'yan."  gulat kong sigaw.

"Oh, here you go again Ms. Stupid Waitress, You really have the guts to shout in front of me eh?" nakataas na kilay at nakapameywang niya pang sabi.

Hiyang-hiya na ako dito kasi may nakatingin na sa kinaroroonan namin.

"S-sorry po ulit." nakayukong sabi ko

" Like what the hell?! Is that what you're going to tell me AGAIN?! "

Sigaw nya kaya marami na talagang nakatingin dito. Ano ba naman 'tong kahihiyan na pinasok ko.

"Eh sa, hindi ko nman po talaga sinasadya eh." Nagulat ako sa nasabi ko kaya napatakip ako sa bibig ko. I'm doomed.

" YOU FREAAAAAK!"

Habang sinasabunutan niya ako. Iyak naman ako ng iyak. Sobrang sakit na para bang matatanggal anit ng ulo ko.

"HOW DARE YOU?!! NO ONE EVER DARED TO TALK TO ME LIKE THAT!! "

"T-t-tama na p-po p-p-pleasee " iyak kong sabi sakanya dahil ang sakit sakit na. Ano pa bang magagawa ko sa mga ganitong oras, edi magmakaawa. Specialty ko na ata 'yan since palagi naman akong inaapi.

Isang malutong na sampal ang binigay nya sakin. Kaya napahiga nalang ako dahil sa nanghihina na ako. Ganon na lang ba talaga ang galit niya sa akin dahil lang sa nangyari sa resto kanina?

Nagulat ako nang may biglang sumigaw na boses ng lalaki.

"Stacy! What have you done? You're making scenes full of sh*t again!" sigaw nito sa babae na ngayo'y nakatayo lang sa gilid ko.

Nang may naramdaman akong may lumapit sakin ay nabuhayan ako ng ilang sandali.

"Miss, are you alright?" pilit kong inaaninag ang mukha niya pero sadyang malabo na ang paningin ko dahil sa matinding pag-iyak ko. May nakita akong isang babae naman na papalapit sa gawi namin.

"Isn't it obvious?! SHE IS NOT OKAY! Let me take care of her!"

Tinulungan ako ng babae na tumayo nang may sinabi siya ulit doon sa lalaki.

" Oh! And one more thing, pakiayos naman ng ugali ng girlfriend mo. Nakakabwiset talaga!"
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay unti-unti namang nagiging malinaw ang paningin ako. Akmang haharap na sana ako sa babae para magpasalamat nang siya na mismo ang humarap sa akin, wala akong mabigkas na salita.

Bakit may dyosa dito? Jusme! Dyosa ang kaharap ko sa sobrang ganda!

Nagbalik lang ako sa ulirat nung kinaway nya yung kamay nya sa harap ko mismo.

"Hey? Are you okay?"
Sabi niya ng naka 'worried-face-look'. "Ah, Hehe. Salamat nga pala."nakayuko kong sabi sakaniya.

" Oh. No need to thank me." nakangiti niyang sabi sakin.

Dyosa na, mabait pa!

"A-ah, Ako nga pala si Christine Kiara, Kiara nalang."

"Woah! Nice Name! I am Nicole Smith, by the way, dadalhin lang kita sa condo ko . Okay lang ba sa 'yo?"

Ay! Makakatanggi pa ba ako?

"A-Ah, sige lang. Oo na oo ang sagot ko d'yan."

Bakit komportable ako sakanya?

Parang ang tagal ko na siyang kilala?

She's the Long Lost Princess[HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon