Chapter 17

2.7K 77 6
                                    

Chapter 17

Third Person's POV

"Are you being serious right now, dude?" ani Dixon na tiningnan ng matalim ni Vince. "Since when did I joke around, Dixon Lee?" umiwas naman ng tingin si Dixon at nagpatay malisya.

"So what you're saying is, you saw the book na lumitaw sa harapan niya and worst is ang title ng libro ay HERCEGNÕ which means..Princess" Earl said and Vincent nodded as response.

"Does that mean na nasa paligid lang ang prinsesa?" tanong ni Kent at ang atensyon naman nila ay nasa kanya na.

Nasa hideout sila ngayon at pinag-uusapan ang nangyari kanina. Matagal tagal na rin simula nung mag usap sila ng mga ganitong bagay.

"Bro, tubig nga." akmang gagamitin sana ni Earl ang mahika niya nang unahan na siya ni Dixon sa pagkuha ng tubig. "May mahika nga pero ang hina hina kumilos. Dyan ka na nga." Tumalikod na si Dixon at inirapan si Earl.

Abala sila pero hindi pa rin nawala sa isip ni Vince ang nangyari kanina lang.

"Hindi ko pa rin maintindihan." Vince said out of the blue. "Ang alin Vince?"

"Ito ang kauna-unahang nangyari na patungkol sa prinsesa. Wala pa rin silang lead kung nasaan ito pero ano ang ibig sabihin ng nangyari kanina?" sabi niya ng nakakunot ang noo at naguguluhan sa nangyari.

Christine's POV

Hindi na ako nagpaligoy-paligoy pa at nagtungo sa aking silid pero walang box ang nakalagay sa higaan ko. Nawalan ako ng balanse at napaupo. "A-Asan na ba yon?"
Hinalungkat ko lahat ng gamit ko na baka nalagay ko na sa kung saan bago ako umalis pero wala. Wala akong nakitang kwintas.

Gulong-gulo na ang isipan ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Bakit tila may kakaiba sa lugar na ito na hindi ko maipaliwanag?

Napukaw ang atensyon ko sa bag ko kung saan nilagay ko ang libro. Agad ko itong kinuha at umupo sa aking higaan.

Hercegnõ

Sa unang pahina ng libro ay ang litrato ng isang hari, reyna at ang isang sanggol na babae. May kung anong humaplos saking puso at tila ba kumirot ito.

Ang Prinsesa ng Heraña na si Psyche Yzeliah Grande.

Grande?

Ilang taon na ang lumipas nang mawala ang prinsesa sa edad na 7 anyos. Ang buong bayan ay para bang nawalan ng isang bulaklak sa hardin. Gayon din ang Reyna at Hari. Wala niisang nakaalam kung paano nawala ang prinsesa basta't nalaman na lamang nila sa Hari at Reyna na nawawala ang Prinsesa at tanging si Hades lamang ang maaaring kumuha nito.

Si Hades ang natitirang black magic user at hangal itong makuha ang kapangyarihan na nasa prinsesa.
Nang nawala ang prinsesa ay wala ni-isang gumamit ng mahika sa publikong lugar kaya malaki ang epekto nito.

"Bakit nawala ang prinsesa kung gayon ay may mga mahika naman pala ang mga nakapalibot sa kanya?"

Ano ba ang ibig sabihin ng lahat ng to? Hindi ko maintindihan.

Lumipas ang gabi at di pa rin ako mapakali sa kakaisip sa kwintas. Kung panaginip lang ang lahat ng ito sana may gumising man lang sakin. Wala ako sa mundo kung saan may mahika o kung ano pa. Walang ganon sa mundong ito, napaka-impossible.

K I N A B U K A S A N

Third Person's POV

Sa isang abandonadong kwarto mayroong dalawang tao ang nag uusap. "Handa ka na ba?" tanong ng isang lalake. Lumingon naman ito sa kanya at ngumisi "Handang handa na ako noon pa man." at sabay silang tumawa ng nakakakilabot.

Sa kabilang banda naman, usap-usapan ang pagiging bato ng isang bagohan na estudyante sa ipinagbabawal na hardin.

"Have you seen her? Nakakaawa talaga siya." ani ng isang babae.

"I agree. Ang dami ngang nakapalibot na studyante doon eh just to see what happened to her. Seems like she was roaming around and pumunta siya doon."

Si Christine naman na hanggang ngayon ay ang kwintas pa rin ang nasa isip nasa upuan lang niya at parang walang pakialam sa nangyari.

"Christine, nakakaawa yung babae right? Bago pa naman siya dito." pero tulala ito at parang wala sa sarili.

"Hey, okay ka lang? Parang wala ka sa sarili ah."

"Cole. Pwede magtanong?" out of the blue niyang sabi. "Yeah, go on."

"Posible bang may magic sa mundo natin?" ang ilan sa mga kaklase niya ay napatingin sa kinaroroonan nila. Nang sasagot na sana si Nicole ay may studyante naman na tumawag sakanya.

"Miss Nicole, pinapatawag po kayo ni Headmaster Baozi." agad tumingin si Nicole kay Christine. "Sige lang, mamaya mo na sagutin. Ang awkward lang nung tanong ko haha"

Sadyang di umaayon ang panahon kay Christine pero wala siyang nagawa at nakinig nalang sa pinagsasasabi ng teacher.

A/N: Next update, kina Christine at Vince na naman! Magsisimula na ba ituuuu? Btw, thankyou nga po pala ng marami sa iilan na bumabasa nitong story ko. Tbh po, naiinspire akong magsulat sa every comment na nababasa ko kahit mga "Ud po plss" "Next po author".  Kahit ganon lang nakakainspire pa rin, ginaganahan akong magsulat. Charot! Haha, Thankyou ulit!

She's the Long Lost Princess[HIATUS]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن