Chapter 24

2.8K 71 6
                                    

Chapter 24. The Celebration

*Christine's POV*

Nasa hall na kaming lahat at tanging ang prinsesa na lang ang kulang.

"I'm sure may pasabog na naman 'yan."

Napatingin naman kami ni Cole kay Kyla nang magsalita siya.

"What do you mean?" tanong pa ni Cole.

"Hello? Ang nawalang prinsesa na natagpuan na ang pinag-uusapan natin. Itong selebrasyong 'to ay para sa kanya kaya expected na 'yon na grandeng-grande talaga." pabulong naman na sabi ni Kyla sa amin ni Cole.

Napatigil lang kami sa pag-uusap nang magsalita na ang nagsilbing MC na isang babae na napaka-amo ng mukha.

"Good evening everyone! As we all know, this celebration is for the princess who has been found and I am sure you are all aware sa improvements, right? Even ang mga tao sa labas ng school can use their magic, freely but in a good way. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, let us all welcome..

Princess Psyche Yzeliah Grande!"

agad nagpalak-pakan ang mga tao at may iba pang humihiyaw.

Natahimik ang lahat sa pagkamangha nang dahan-dahang bumukas ang pinto na nasa itaas at iniluwa doon ang isang napakagandang dilag.

Yumuko kaming lahat tanda ng pagrespeto sa prinsesa.

Nang nasa gitnang bahagi na ang prinsesa ay tila ba nagkakagulo ang mga professor at si Headmaster sa unahan pero hindi mo mahahalata na nagkakagulo sila kung hindi mo inooobserbahan ng maayos.

May isang studyante na tila ba inutusan ni Headmaster at umalis naman ang lalaki.

Ano kayang meron?

Kinalabit ko si Cole at nagtanong.
"Cole, parang nagkakagulo sila Headmaster 'don. Ano kayang meron?"

Tumingin naman siya saglit sa prinsesa at malapit na itong makababa nang may isang lalaki na pumwesto sa dulo at siyang magsisilbing escort sa prinsesa at..si Vince 'yon.

"Maybe, dahil 'don. Mahirap kasing hagilapin yang isang yan pag ganito. I'm sure tinanggihan niya ang offer ni headmaster na escort'an niya ang prinsesa."

Napatango nalang ako sa narinig ko. Napabaling ulit ako sa prinsesa na inaabot na ang kanang kamay niya kay Vince.

Ang ulupong naman pangiti-ngiti pa halatang ginaganahan. Sus! If I know, gusto naman talagang maging escort ng prinsesa. Haynako, pahard-to-get din pala ang isang to.

"Infairness, they look good together." sabi naman ng isang estudyante na ang arte ng english.

May iba pa ngang galing hindi taga Academy na sinasabing bagay daw sila. Tse, bulag ba sila?!

"Good evening everyone." sabi niya sa napakaamo niyang boses at ang sarap pakinggan.

Napaka-elegante ng gown na suot niya ngayon. Ang daming diamong na nakapalibot sa gown niya at nakaka-attract sa paningin. Kita rin ang cleavage niya at halatang di pilit.

Napatingin naman ako sa dibdib ko at napabuntong hininga. Pano ba naman kasi yung akin, halatang napilit lang. Kung nakakapagsalita nga lang to siguradong binubungangaan nako neto.

"Hoy babae! Wag mong ipilit ang imposible!" o di naman kaya'y "Maawa ka naman samin, ipit na ipit na kaming dalawa!"

Nasa gitna ng magarang stage ang prinsesa at nginingitian ang kanyang mga tao dito sa Heraña.

She's the Long Lost Princess[HIATUS]Where stories live. Discover now