Chapter 16

2.8K 86 3
                                    

Chapter 16

Christine's POV

Hercegnõ..Anong ibig sabihin ng salitang iyon?

*toktok*

Nilagay ko muna sa higaan ang box at tiningnan kung sino ang kumakatok pero wala akong nakitang tao sa labas kaya baka isang katuwaan lamang iyon.

Naghanda na ako para pumasok kahit maaga pa. Sasabihin ko kaya kay Cole? Wag na lang baka mapagkamalan akong baliw non.

Isasara ko na sana ang pinto ng bahay pero parang may nakalimutan akong importanteng bagay."Hmm.. ano ba kasi yun, nakakainis...Ay! Yung susi ko nga pala" pagkatapos ay nagcommute na ako.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari ngayon. Ang panaginip, kwintas o kung ano pa. Am I just exaggerating things? Am I being paranoid?

Nakarating na lang ako sa room at yun pa rin ang iniisip ko.

*beep*

From:Cole♥

Tine, afternoon pa ako makaka-pasok. Take care, lalo na kela Stacy! :*

Mas naging close na kami ni Cole. Hindi naman kasi mahirap makitungo sa kanya kasi mabait siya. Dumating na si Sir at parang nagmamadali. "Stay at the library for now and do a research. Hurry!" tila ba hindi siya mapakali.

"May emergency ata." sabi ng kaklase kong lalake.  "Hindi rin halata, Dred?" sarkastiko pa nitong sambit. Ang mga limang ulupong pala.

Unti-unting nagsi-alisan ang mga kaklase ko at papaalis na sana ako nang maramdaman ko na naman na parang may nakamasid sa bawat galaw ko. Ewan ko ba pero madalas na akong nakakaramdam ng ganito. Siguro nga nababaliw na ako.

Nang makarating na ako sa library ay agad akong pumwesto sa pinaka-sulok na pwesto. Tumayo na ako upang maghanap ng libro pero sa kakahanap ko isang lumang libro ang nakakuha ng atensyon ko. Nasa pinakasulok siya ng shelf at tila ba hindi ito nagagalaw.

Nang akmang kukuhanin ko na sana ang libro ay bigla itong lumitaw sa harapan ko.

HERCEGNÕ

Yan ang nakasulat sa mismong libro at pareho ito ng nakasulat sa kwintas na nasa box. "Ang kwintas. Naiwan ko pala sa higaan ko lang."
Agad kong kinuha ang libro at inilagay sa bag ko ng walang nakakakita.

"Anong ginagawa mo?"
sabi ng lalake na nasa likuran ko. Dahan dahan akong humarap at kinabahan dahil ang kaharap ko ngayon ay ang lider ng Great 5s.

"H-Ha? Anong ginagawa ko? Wala naman ah." I acted strange pero hindi ko pinahalata. Napailing siya na parang may nakitang kakaiba.

Agad akong nagtungo sa upuan ko at sumunod naman siya. "This seat isn't taken right? So, I'm free to sit here." Wala nakong nagawa dahil umupo na siya. Ewan ko ba pero naiinis ako pag nandyan siya dala siguro to nung sa canteen, di man lang siya tumutol sa pinagagawa ng girlfriend niya. Nakakainis lang.

"Pwede mo ng ilabas kung ano mang tinago mo dyan sa bag mo. Baka mapagkamalan kitang magnanakaw.." matalim akong tumingin sa kanya. "..ng libro" agad akong nag-iwas ng tingin at tumingin sa paligid. Mabuti nalang nasa pinaka sulok kami kasi kung hindi, usap-usapan na naman to.

Tumingin ulit ako sa kanya at naka-ngisi ito. He shrugged and I sighed. Nung nilabas ko ang libro, umilaw ito. "Alam kong ang weird ko pero umiilaw talaga siya kanina nung nakita ko to. Hanggang ngayon umiilaw pa rin siya. May ilaw ba to sa loob? Tsaka anong ibig sabihin ng Hercegnõ?" nung tumingin ako sa kanya parang namutla ang mukha niya. "Ho-Hoy, okay ka lang ba?" nag-aalala kong tanong.

"Prinsesa..ang ibig sabihin ng HERCEGNÕ" awtomatikong napalingon ako sakanya.

"Ang kwintas.."
tangi kong nasambit at agad na nilagay ang libro sa bag ko at dali-daling tumakbo paalis. Nasa higaan ko lang ang kwintas...

She's the Long Lost Princess[HIATUS]Where stories live. Discover now