"Do you trust me?" mahinang bulong niya na ikinaatras ng dila ko bigla.

"I-I do----

"Then just continue to do so," saad niya tyaka nagpamulsa.

"Go now Leo!" sigaw niya pa nang muli na niyang harapin si Leo.

As if on cue ay nagsimula nang gumalaw si Leo at humakbang paalis habang hatak hatak pa din si Ate Rosa na natututukan niya ng baril.

"It's time." dinig kong bulong muli ni Vlad tyaka nilabas mula sa kanyang bulsa ang kamay na ngayon ay may hawak ng baril.

Mabilis niya itong ikinasa at----

*Baaaang!

"FVCK YOU!"

"WHAT THE HELL!"

"ROSAAA!"

"NOW!!!"

*Baaaang!

*Baaaang!

*Baaaang!

Napapikit at napatakip na lamang ako ng sariling tenga dahil sa sunod-sunod na putok ng baril na kung saan saan na nanggaling.

"WHAT DID YOU JUST DO?!" napadilat ako nang marinig ang muling pagsigaw ni daddy matapos na matahimik ang paligid.

Pinagmasdan ko ang paligid at nakitang kinukwelyuhan na ni dad si Vlad habang nagsitakbuhan naman sina kuya Ice at Lucas sa direksiyon ng paalis na si Leo kanina.

W-What happened?

"Bakit si Rosa ang binaril mo, nasisiraan ka na ba ng ulo?!" Patuloy na nagsisigaw si dad.

Pero.... Anong sinabi niya?

Mabilis kong nilapitan ang pwesto nila. Hawak na ngayon ni dad si Vlad sa leeg.

"I d-did it to save her." pilit na sagot niya dahil batid kong hindi siya makapagsalita ng maayos sa higpit ng pagkakahawak ni daddy.

"DAD LET HIM GO, PLEASE!" napasigaw na ko tyaka pilit na inaalis ang kamay ni dad sa leeg ni Vlad.

"Let go of my son, he did the right thing to do, just calm down!" nakalapit na din sa pwesto namin pati ang daddy ni Vlad.

"D-Daddy----

Boses iyon ni ate Rosa. She's calling my dad, h-her real dad.

Nilingon ko si daddy at nakitang nabitawan na niya si Vlad tyaka mabilis na dinaluhan si ate Rosa na ngayon ay akay-akay ni kuya Ice at Lucas habang duguan ang mga paa.

"Rosa anak, are you okay? Daddy's here." puno ng pag aalala ang boses ni daddy, nakalapit na din si mommy na inaalalayan naman ni ina.

"Rosa, anak ko." patuloy pa rin sa pag iyak si mommy.

"Mommy.... Daddy...." walang ibang nasabi si ate Rosa kundi ang tawagin sila tyaka yumakap ng napakahigpit sa tunay niyang mga magulang.

"I'm sorry, I'm really sorry mommy, daddy." pagkuwan ay paulit-ulit niyang sambit.

Muli nanamang nag unahan sa pagtulo ang aking mga luha dahil sa tagpong iyon hanggang sa maramdaman kong mayroong mga bisig na yumakap sa akin mula sa likod.

"It's all done now, baby." marahan kong naipikit ang aking mga mata dahil sa binulong na iyon ni Vlad.

"S-Si Leo----

"He's dead." pagkumpirma niya.

Umikot ako paharap sa kanya dahil hindi pa rin malinaw sa akin kung ano ba talaga ang nangyari kanina.

"Leo's fearless pero hindi din naman siya bobo para patuloy na akayin ang hindi na makalakad na hostage. Binaril ko sa paa si Lindy." parang wala lang na paliwanag ni Vlad na siyang ikinanganga ko.

"Binaril mo si Ate----

"I saved her, look she's alive and still kicki---- oh, she's not kicking, she's injured, my bad." napakamot pa sa ulo si Vlad.

Natampal ko nga, tss. Wala talaga sa lugar ang mga banat niya.

"Listen to me baby, binaril ko sa paa si Lindy para bitawan siya ni Leo at no'ng akmang tatakas na ang demonyo saka ko naman sinenyasan ang mga tauhan ko na paulanan siya ng bala. Sinigurado ko munang medyo nakalayo na siya kay Lindy para minus risk factor----

I kissed him.

"What...was that for?" tila baga nagulat siya sa aking ginawa.

"It's my way of thanking you for all the things you've done for me and my family. You don't need to explain further, I trust you." Ginawaran ko siya ng pagkatamis na ngiti.

"Just a smack? Ugh, unfair." at talagang inirapan niya pa ko.

Nabakla na din ba ang isang to? Pero dahil ang cute niya ay hindi ko mapigilang matawa.

"pft, what do you want then----

"Marry me." biglang saad niya out of nowhere.

Is he. .  . serious right now?

"Guys! Excuse me, may nagpopropose na po dito sa gilid!" bigla namang nagsisigaw ang gagong si James. Napalingon na din tuloy sa gawi namin ang lahat.

"Tss, chismoso." komento naman ni Vlad na napapailing pa.

"This is not right Mr. Salvador, you fvcking have your own empire tapos sa ganitong lugar ka lang magpopropose sa anak ko?" Bigla namang humakbang palapit sa amin ang nakapamaywang nang si ina.

"It's my mansion, it's not just some random place----

"Mansiyon na halos sira na ang kalahati." mabilis na nakasingit naman si ama na ngayon ay nakatayo na sa likod ni ina.

Napamasid din tuloy bigla sa paligid si Vlad at tyaka napagtantong tama nga ang sinabi ni ama.

"Damn! My mansion, No!" mukhang ngayon niya lang narealize na naging battle field ang iniingat-ingatan niyang mansiyon.

Halos sabay-sabay din tuloy na natawa ang lahat lalo na ang mga kapatid ni Vlad dahil sa naging reaksyon niya.

"Ayan, ang damot mo kasi." komento pa ni kuya Kirb.

"Bye bye Black Mansion." mapang asar pang ani Krizele.

Kaya naman ang Vladimir ay biglang napahugot ng baril. Woah! ito na ba yung sinasabi nilang "magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa Vladimir na naguhuan ng iniingatang mansion."

"I didn't say anything, I'm safe hahaha," tatawa-tawa pang saad ni Sir Mel.

"Sissy huwag kang papayag magpakasal kay kuya Vlad, apakaviolent, hmp!" maarteng sambit naman ni Krizele pero agad ding nagtago sa likod ng mommy nila.

Natawa nalang din tuloy ako dahil sa kakulitan nila tyaka ako na mismo ang nagkasa ng hawak na baril ni Vlad at iginiya ang kamay niya para matutukan ang mga kapatid niya.

"Go kill them baby, hahaha," di ko na talaga mapigilan ang matawa dahil kinonsinte ko pa ang kabaliwan ni Vlad.

But then imbes na sundin ang sinabi ko ay tinapon niya bigla ang baril tyaka ngumisi bago mabilis na humakbang palapit sa akin, as in sobrang lapit.

And the next thing I knew, he's now kissing me... hungrily. Damn monster!

Narinig ko pang naghiyawan ang karamihan at nangingibabaw doon ang gagong si James.

Reklamo naman ang narinig kong sigaw mula sa mga magulang ko habang cheer naman mula sa parents ni Vlad.

Halos mabingi ako sa sigawan nila pero mas nalulunod ako sa paraan ng paghalik ng taong ngayon ay lumalamon sa buo kong kamalayan.

The monster is kissing me and now, I'm responding with the same intensity.




To be continued.....
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now