Prism vs. STORM ; First round

Start from the beginning
                                    

Agad naman na natawa si Chace sa pinanuod niya habang nakita ko naman na seryosong nanunuod si Hero. Di pa natatapos yung video pero pinatay ko na yun.

"Nevermind Hero, mag-isip na lang tayo ng ibang performance" What was I thinking? Bakit ba pinakita ko pa sa kanila yun? Nakakahiya lang!

"Bakit naman? Key, mukhang masaya yun at alam kong malaking advantage yun, di ba Chace?" aba, mukhang excited naman itong si Hero. Tingnan mo nga naman ang utak ng lalaking ito.

Tumango naman si Chace. "Oo nga, at pang dalawa yun oh, tama lang kasi di ko kayang sumayaw, kaya niyo yan" ngumiti siya sa amin.

"So kelan tayo magpra-practice?" napa-facepalm na lang ako sa tanong ni Hero. Excited nga ang loko, at least di nila inisip na may iba akong iniisip. Aish... good luck sa amin, sigurado akong lalong maiinis sila Audrey sa akin.

Nung uwian ay magsta-start na sana kami ng practice ng ma-realize ko na hindi na nga pala ako member ng drama club para gamitin yung room para sa practice. Naalala ko rin na di kami pwede sa rooftop since medyo madilim na. "Kung okay lang sa inyong dalawa, what if doon tayo sa bahay namin mag-practice?" suggestion ko sa kanila.

"Paano yung mom mo? Akala ko ba may issues kayo?" nag-aalalang tanong ni Chace. Napangiti naman ako bigla.

"Wag mo ng alalahanin yun. Tara na lang" pagkatapos nun ay dumerecho na kami sa bahay namin.

Hindi talaga ako nag-aalala na magdala ng bisita sa bahay, kahit na dalawang lalaki pa yan. Okay na kami ng mommy ko, ewan ko ba ever since na nalaman niya na kaibigan ko si Hero eh gumaan na ang loob niya sa akin. Kahit na ba alam ko na dahil kay Hero lang yun eh masaya pa rin ako, at least way yun para malapit ako kay mommy.

And also nakalimutan na rin ni mommy yung tungkol kay Audrey. Apparently, client lang naman ni mommy yung parents ni Audrey tapos boss niya yung parents ni Hero kaya alin ang mas matimbang? Swerte talaga ako kay Hero.

Tuloy tuloy na lang kaming pumasok sa bahay. Nakita ko si mommy sa may sala, si daddy naman nasa trabaho niya. Binati ko kaagad si mommy at agad naman niyang napansin sila Hero.

"Good evening po" bati nung dalawa.

"Hello Hero and sino eto Key?" tanong niya sa akin.

"Ah, si Chace po. Magpra-practice lang po kami para sa talent contest sa school. Akyat lang po kami ah" pagpapaalam ko sa kanya.

Tumango naman si mommy. "Sige, wag lang kayong magulo ha. Dun na lang kayo sa family hall sa taas. Padadalhan ko na lang kayo ng pagkain" oh di ba? Ang laking pagbabago sa buhay ko eto.

"Okay po" pagkatapos nun ay umakyat na nga kami.

"Bakit ganun?" tanong ni Chace. Normal lang na magtaka siya, kailan lang eh narinig niyang sinigawan ako ng mommy ko sa phone tapos ngayon mabait siya sa akin.

"To make the long story short, anak ng boss ni mommy si Hero." Sagot ko sa kanya. Natawa ng mahina si Chace.

"I get it, astig niyo rin eh" sabi niya.

Pagkatapos nun ay nagpractice na nga kami. Di ko aakalain na nag-eenjoy si Hero. Loko talaga eh, pero syempre di ko maiwasang kiligin. Makakasayaw ko si Hero! Ang saya di ba?! Eat your heart out Audrey.

"Wag niyong masyadong enjoyin, baka maging rated SPG yung sayaw ah!" biro naman ni Chace.

"Loko!" binelatan ko siya. Che! Madumi ang utak.

The next day naman ay sa school na kami nag-practice. Natapat kasi na may meeting na aattendan yung mga teachers namin kaya nakapagpractice kami. Napahinto na lang kami bigla ni Hero sa pagsasayaw ng biglang may ibang tao na pumunta sa rooftop.

"Audrey" mahinang sabi ni Chace. Hindi lang naman si Audrey ang nandoon eh, kasama niya yung buong Prism also known as my former friends. Friends by name.

"Nagpra-practice pala kayo, ano naman ang gagawin niyo?" tanong ni Marley.

"Tanga ba ako para sagutin ang tanong niyo? Malapit na ang eliminations, intayin niyo na lang. Kung pwede lang, umalis na kayo. Di pa kami tapos mag-practice" sabi ko sa kanila.

Tsk... thanks a lot girls. Dahil sa inyo lalo na akong nagiging mataray.

"It would be better if you'd forfeit, madadamay lang sa kahihiyan si Hero at Chace. Such a waste, alam niyo kung nag-iisip kayong dalawa eh sa amin kayo grugrupo" sabi naman ni Audrey.

Alam niyo yung stereotype na kontrabida girls? Ganun na silang umasta ngayon, nakakainis lang na napakalaki ng pinagbago nila ng dahil lang na gusto ko si Hero.

"Wala akong makitang dahilan para sumama sa inyo" dere-derechong sagot ni Hero na ikinagulat naman namin.

"Oh gosh Hero, you're so naïve. Bahala ka, sayang lang ang talent mo kung si Key lang rin ang kasama mo" dagdag naman ni Lyah.

"Pwede ba itigil na lang natin ito?! Puro lang naman kayo ganyan eh, ipakita niyo na lang yang yabang niyo sa talent show okay?" sabi ko sa kanila. Pati ba naman kasi si Hero, sinasagot-sagot nila. "Prism lang kayo, bagyo kami" sabi ko sa kanila.

Eh di umalis na sila. Sumunod naman kaagad sa akin si Hero at Chace. Inakbayan ako ni Hero, tapos pinatong naman ni Chace yung kamay niya sa ulo ko. "Astig mo talaga, natahimik sila eh" sabi ni Hero at tumango naman si Chace.

"Nakakainis naman na kasi eh. Pero Chace, ang tahimik mo naman yata kanina?" tanong ko sa kanya. Hindi man lang kasi niya pinagtanggol ang sarili niya eh.

"Ewan, siguro di ko lang talaga matanggap na ganyan yung ugali ni Audrey. Parang nagsisisi tuloy ako na nagustuhan ko siya" mahinang sagot ni Chace. Mahina ko naman siyang siniko.

"Ano ka ba, kung hindi mo siya nagustuhan eh di hindi ka popogi ng ganyan at hindi tayo magiging magkakaibigan no" nginitian ko siya.

Nginitian na lang ako ni Chace at nagpatuloy na kami ni Hero sa pagpractice namin. After one week ng pagpra-practice ay elimination rounds na. Syempre, katulad ng inaasahan, prepared ang Prism. Pinerform nila yung usual na kino-cover namin pero this time si Audrey yung nagperform ng mga lines ko. Okay fine, inaamin ko na medyo na-bitter ako dahil ang ganda pa rin ng performance nila kahit na ba wala ako.

Sunod naman ay ilang performances, nakaramdam na tuloy ako ng kaba dahil ang galing nilang lahat. "Kinakabahan ka na yata, ayos lang yan. Kaya niyo yan" ngumiti lang si Chace sa akin. Masyadong focused kasi si Hero ngayon, seryoso siya pagdating sa pagpe-perform at grabe na lang dahil ang galing niya talaga. Kaya nga mas na-pressure ako eh, dahil kasi sa kanya yun.

"Next naman ay ang STORM!" pumunta na nga kami sa stage.

Pumwesto na kami ni Hero sa gitna mukhang nagtaka yung audience since wala si Chace. Sorry na lang sa fangirls ni Chace, abangan niyo na lang siya sa finals.

Kaya ayoko nung una na eto ang i-perform namin, para kasi eto sa mga partners na malakas ang chemistry and sa totoo lang hindi pa naman yata malakas ang chemistry namin ni Hero. At sa totoo lang takot ako sa mga hawak hawak na ganun. Pero tinanong namin sa organizers at legal naman daw kasi dance iyon at form of art kaya hindi kami makakasuhan.

Inisip ko na lang na si Hero lang ang kasama ko kaya nakapag-perform ako ng maayos, kami rin yung kumakanta kaya medyo mahirap pero kinaya naman. Now ng Trouble Maker yung pinerform namin, medyo touchy lang talaga yung choreo niya.

Halata sa reaction ng audience na di nila inaasahan yung performance namin, Nakita ko naman na laglag panga sila Audrey, bahala sila. Sabi ko naman sa kanila di ba? Makakalaban talaga nila kami.

Prism lang sila, bagyo kami. Di sa nagmamayabang ako pero... sure na akong pasok na kami sa top five.


Fools in Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now