11: Happy ending

2.1K 138 102
                                    

  Nang huminto ang sinasakyan niya halos patakbo siya papunta sa elevator dahil gustong gusto na niyang makarating sa kanyang unit.
  Pero pagdating niya sa loob ng unit ay wala siyang nadatnan na Richard doon.
Iniwan niya kanina Richard dito pero ngayon maayos na  maayos na ang kwarto at napalitan na din ang bed cover. Wala na rin ang mga damit ni Richard na nagkalat kanina.
  Malungkot na lumabas ng kwarto si Dei at naupo sa salas. Habang iniisip kung saan nagpunta si Richard.
  Maya  maya naisipan niyang tawagan ang pinsan niyang si Alona.
  "Alam mo ba ang nangyari kay Richard kagabi, Dei?" Bungad ni Alona pagkasagot sa tawag niya.
  "Anung nangyari kay Richard?" Tanong ni Dei.
  "Inaya niya si Norman na lumabas kagabi at nagpakalunod siya sa alak. Nag aalala nga si Norman sa kanya dahil baka raw kung ano na nanguari sa taong yun. Mulhang hindi na yata kayang magmaneho. Pero para makasiguro siyang nakauwi ng safe si Richard ay tumawag siya sa condo nito pero wala siya doon." Mahabang kwento ni Alona
   "Kailan tumawag si Norman?" Tanong ni Dei
   "Kaninang madaling araw at kaninang eight o'clock ng umaga." Sagot ng pinsan niya.
  Hindi nakakibo ai Dei. Nahihiya naman siyang sabihin kay Alona na diyo sa condo na tinutuluyan niya nagpalipas ng magdamag si Richard.
   At may nangyari na nga sa kanilang dalawa ng lalaki.
  "Dei?" Sabi ni Alona dahil bigla siyang tumahimik sa oabilang line.
  "I'm still here cuz" sagot naman no Dei.
  "Alam mo ba kung bakit naglasing si Richard kagabi?" Tanong ni Alona
  "Hindi" sagot ni Dei.
"Dahil sayo, loka. Mahal na mahal ka pala ng lokong yun. Komo ngayon lang siya na inlove ng totoo ay hindi niya alam kung paano i handle ang nararamdaman niya. Kaya halos masiraan ng ulo si Richard dahil sa kaiiwas mo." Kwento ni Alona kay Dei.
    "Mahal ko siya Alona" sagot ni Dei.
  "What?!" Gulat na sagot ni Alona
  "Mahal ko si Richard" ulit na sabi nito
  "Alam ko. At mahal ka rin niya. Nagkamali ako nang sabihin ko sayo na iwasan mo siya dahil nagbago naman na pala si Richard" ani Alona
   "Oo, alam ko iyon. Sinabi rin sa akin ni Norman ang tungkol dun. Pero kailangan ko siyang makausap, Alona" ani Dei
   "Sino?" Tanong ni Alona
   "Si Richard, sino pa ba? Ano ka ba naman cuz?" Medyo inis na sagot ni Dei.
  Natawa si Alona sa kabilang linya.
  "Ganyan ka pala kapag inlove, Dei, imbes na maging mabait ay lalong nagiging masungit" natatawang sabi ni Alona
   Kahit alam niyang d siya nakikita ng pinsan ay napasimangot si Dei.
  "Nagkakaganito ako dahil hindi pa kami nagkakalinawan ni Richard, Alona. Kaya gusto ko siyang makausap. Kaya lng ay hindi siya pumasok sa office. Pwede ko bang malaman ang address ng condo niya?" Ani Dei
  "Sure, i text ko sayo" mabilis na sagot ni Alona
Pagkababa niya ng telepono ay dinampot ang hand bag niya at dumiretso sa pinto ng unit niya.
  Pero bago pa man siya makalabas ng pinto ay may malakas na mga brasong yumakap sa kanya mula sa likuran niya.
  "Ayy!" Tili niya niya sabay lingon para tignan kung kaninong braso ang mga nakayakap sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala kung sino ang nakayakap sa kanya. "Richard!" Tanging nasabi niya.
  "Yes, my love, it's me. And where do you think your going?" Nakangiting tanong niya kay Dei.
   "Sa office," pagsisinungaling niya.
Napansin niyang umarko ang kilay ni Richard sa sagot ni Dei.
  "Sa office!" Tanong niya dito.
  "O- Oo" alanganing sagot ni Dei.
  "Or, sa condo ko?" Nakangiting tanong ni Richard.
   Namula ang mukha ni Dei ng mga sandaling yun. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ni Richard lalo na nang paharapin siya nito at titigan sa mata habang nasan magkabilang beywang niya ang mga kamay nito.
    "I heard you talking to Alona over the phone. At dinig na dinig ko rin nang sabihin mo sa kanyang mahal mo ako." Nakangiting sabi ni Richard sa kanya.
  "Narinig mo?" Nahihiyang tanong ni Dei
Tumango lang si Richard at...
   "Oo. Pero gusto kong marinig ulit iyon. At ang gusto ko, sa akin mo mismo sabihin." Ani Richard
  "Saka na. Gusto ko munang malaman kung paano kang napunta dito sa condo at bakit ka may susi?" Ani Dei
   "May duplicate key ako dito noon pa man. Binigay ni Norman. At may duplicate key din siya sa condo ko. For emergency purposes ay mayroong may hawak ng susi namin. Tapos lasing na lasing ako kagabi at nalito ako habang nagmamaneho. Imbes na sa sariling unit ko ako pumunta ay dito ako napadpad sa unit ni Norman. Pero ang alam ko ay walang tao dito kaya naman tumuloy na ako. Anyway may susi naman ako. Pero ikaw, paano kang napunta dito? Ang alam ko ay doon ka kina Alona tumutuloy, di ba duon pa lita hinatid the last time?' mahabang pahayag ni Richard
   "More than two months na akong dito umuuwi. Hindi ko lang sinasabi sayo dahil nag aalala ako na puntahan mo ako dito dahil nag iisa lang ako" saan ni Dei
   "Iniisip mo ba na gagawan kita ng masama? That I'm going to rape you?" Tanong ni Richard
   "Oo, tulad ng ginawa mo kaninang madaling araw." Nakairap na sagot niya kay Richard.
   
    Natawa ito sa kanya at hinalikan siya ng mabilis sa labi.
  "Di ba parusa mo yun sa ginawa mong pagpalo sa ulo ko kagabi?" Nakangiting sagot ni Richard.
  "Hindi ko naman sinasadya yun. No! Ang akala ko kasi ay magnanakaw ang nakapasok dito kagabi" sabi niya. Sabay hawak sa likuran ng ulo ni Richard at masuyong hinaplos ito.
" Masakit pa ba yung ginawa kong pagpalo sayo?" Tanong ni Dei
  "Medyo," sagot ni Richard na nakangiti.
Pagkaraan ay seryoso itong tumingin kay Dei. " I love you, Dei. Please say you love me too." Pakiusap nito.
   "I love you, Richard" sagot naman ni Dei
  "Hindi ka na nagdududa sa akin?" Tanong ni Richard
Umiling lang si Dei.
Yun lang at kinabig na siya ni Richard at hinalikan sa labi. Sa una ay dahan dahan hanggang sa naging mapusok ang halik na iyon. Naramdaman din ni Dei na naglalakbay na ang mga kamay nito sa katawan nita.
   Sinaway niya ang lalaki. At mahinang itinulak sa may dibdib. "Richard" tawag niya dito
  "Bakit" ani Richard pero d pa din niya binibitawan ang nobya.
  "Nagugutom ako eh. Pwede bang mag lunch muna tayo?" Hiling niya
  "Lunch or Me?" Pilyong tanong sa kanya ng boyfriend
   "Hindi ba pwedeng pareho?" Nakangiting sagot niya.
  "Isa lang Love. Lunch or me?" Ani Richard
  "Both," sagot pa din ni Dei. "I love you and I want you pero nagugutom na talaga ako, eh." Paliwanag ni Dei
  
    Natawa si Richard bago niya ito hinalikan ang labi nito.
   "We'll have lunch, love," sabi niya sabay buhat sa kanya papasok sa kwarto.
   "But that's my room not the dining" sabi ni Dei.
   "We'll have lunch but later." Pilyong ngiti ni Richard
   "Richard" protesta ni Dei
   "Sandali lang tayo sa loob, love. Pag uusapan natin ang tungkol sa kasal natin." Ani Richard
  Nagulat siya sa narinig mula kay Richard.
   "Kasal?" Gulat na tanong niya dito
   "Oo, kasal. Bakit ayaw mo bang magpakasal sa akin?" Tanong ni Richard.
   "Ganyan ka ba mag propose ng kasal sa isang babae? Tanong ni Dei
   "Ngayon lang ako nag propose ng kasal sa isang babae, love. Kaya pasensiya ka na kung kulang sa pagiging romantic." Nakangiting sagot ni Richard.
  Pero para kay Dei, ito na yata ang pinakaromantikong wedding proposal sa isang babae. Yung biglang bigla at ikagugulat talaga ng babae. Hindi na siya tumutol nang tuluyan na siyang ipasok sa loob ng kwarto . Wala na din ang mga alalahanin pa sa puso niya. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit nawala sa kanya noon si Patrick. May kanya kanyang dahilan kung bakit nawawala sa iyo ang isang bagay dito sa ibabaw ng mundo. Para mapalitan ng bago. Ng mas nakakahigit.
   Ganoon ang buhay. May umaalis at nawawala. Pero merong bumabalik at meron kang masusumpungan. Pero ang pinaka rewarding  sa lahat, ang pangalawang lalaking nag alok sa kanya ng kasal ay nasisiguro niyang mahal na mahal niya at mahal na mahal din siya.
 
  At isang lalaki na nakakahigit kay Patrick sa lahat ng bagay  at wala siyang pakialam kahit sabihin pa ng ibang hindi magandang ikumpara ang dalawang tao sa isa't isa. Sigurado din siya na si Richard ay isang lalaking may pagpapahalaga sa isang commitment at lalo na sa kasal.
    Isang lalaking nakahandang magbigay para sa isang relasyong FOR KEEPS.
    Kaya masasabi niyang siya na yata ang pinakamaswerteng babae sa balat ng lupa.
   For having Richard.

             

                            WAKAS

Hello everyone,
   First of all gusto ko po magpasalamat sa inyo na nagtyaga sa pagbabasa ng story ko. Maraming maraming salamat po sa inyo. Sa mga nag vote at nag comment maraming maraming salamat po.  Sana kahit konti ay napangiti kayo ng story na ito maraming maraming salamat po sa inyo.

For KeepsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang