6: The Feelings

1.3K 99 25
                                    

  "Sit down Ms. Capili" sabi ni Richard
   "Good morning sir" nanginginig ang boses na bati ni Dei
  "Don't you think is a bit late for that now Ms. Capili?" Sagot ng lalaki bago ito ngumiti. "But it's okay, just have a seat." Nakangiti pa ring sabi nito.
  "Thank you sir." Sagot ni Dei habang naupo sa harap ng table ni Richard, ramdam pa din niya ang panginginig ng tuhod niya sa mha sandaling yun.
  "Nabasa ko na ang resume mo, Miss Capili. Ang totoo nagtataka ako kung bakit ka nagresign sa dati mong work. Ang sabi ni Norman ay mataas daw ang posisyon mo at malaki na din ang sweldo mo. Bakit ka umalis?"
  "Personal reason sir" sagot ni Dei
Tumango na lamang si Richard at d na nag usisa pa.
  "Pwede ba kitang tawaging Dei?" Tanong ni Richard.
  "It's up to you sir" sagot ni Dei
"And you can call me Richard as well" sabi ni Richard
  "Sir?" Atubiling sagot ni Dei
  "Richard, and that's an order." Matiim na sagot ni Richard.
Walang nagawa si Dei kundi ang sumunod na lamang sa sinabi ng lalaki.
  "Yes..."
Napaangat ang kilay ni Richard sa kanya.
  "Richard" dugtong niya.
  "Thats better" ani Richard saka ngumiti ng pagkatamis tamis. "For formality na lang naman ang interview na ito sayo. Tanggap ka na at pwede ka ng magsimula kahit ngayon. Kung gusto mo ihahatid na kita sa magiging office mo." Sabi pa nito.
  "Pwede naman kahit si Adel na lng para d na kayo maabala sir." Sagot ni Dei
  "Richard" paalala sa kanya ng lalaki
  "I forgot sorry"
  " It's okay. But i insist. Ako ang maghahatid sayo, okay?"
  Tumango na lng si Dei.

   Sa Accounting department siya inilagay ni Richard. Siya ang magiging assistant ng senior accountant na si Cecilia,
  Nasabi na din niya dito kung magkano ang sweldo niya at mas malaki iyon kesa sa inaasahan niya.

Isang araw na nagkasabay sa lobby ng kumpanya si Dei at Richard.
  "Ihahatid kita mamayang uwian Dei ha?" Sabi ni Richard
Gulat na napatingin si Dei sa kanya. Pagkatapos ng ilang sandaling pagkabigla ay pumormal siya at umiling.
  "Kaya ko namang umuwing mag isa sir." Seryosong sagot niya.
  "Pero mas masaya kung may kasabay kasa pag uwi hindi ba?" Sabi ni Richard.
  " Ayaw ko naman maging masaya. Okay na ako na nag iisa." Seryoso niyang sabi saka niya tinalikuran ang lalaki.
   Siguro napahiya kaya hindi na siya kinulit pa ng gwapong amo.
  Mababait naman ang mga officemates niya kaya madali siyang naging at home sa kanyang bagong work environment.
  Ang isa sa mga accountants doon na si jenny ay agad niyang nakavibes.
   "Mukhang type ka ni sir Richard" anito
"Ha?"
  "Oo, iba kung makatingin sayo eh, ipapaputol ko isa kong daliri kung hindi ka type nun."  Sabi pa ni Jenny.
  Ngiti lng ang tinugon ni Dei sa bagong kaibigan.
  "Gwapo at mayaman si sir Richard, bukod pa sa mabait. But be careful dahil napakabolero ng taong yun at super playboy. Kabi kabila ang girlfriends niya non at baka hindi natin kayang bilangin. Ang iba ay pinagsasabay sabay pa niya minsan. Pero wala pa siyang sineryoso. Hindi yata naniniwala yun sa commitment at hindi naniniwala sa love at wedding." Mahabang kwento ni Jenny.
   Hindi nakakibo si Dei. Naisip niyang yun naman talaga ang first impression niya sa lalaki. Pero talagang gwapo ito.
Kaya kailangan niyang mag ingat.
Minsan na siyang nadapa sa maling lalaki. Hindi na dapat maulit ang panloloko sa kanya ng mga kalahi ni Adan.

  "Sakay na, Dei."
Nagulat si Dei sa biglang pagsulpot ng kotse ni Richard s harapan niya. At biglang kumabog ang dibdib niya ng makita ang lalaki.
  Alam niya, attracted siya sa lalaki nung una pa lang niya itong makita. Pero hindi siya dapat magtiwala rito. Dapat ay iwasan niya si Richard once and for all. Dahil kung hindi she will be having another heartache.
  "Huwag na, Salamat na lng," sabi niya saka mabilis na naglakad palayo.
Pero nagulat siya ng bigla nlng sumulpot sa harapan niya ang lalaki. Pero hindi na nakasakay sa sasakyan niya.
  "Please?" Sabi nito
  "Ako ang nakikiusap sayo, tigilan mo na ako pwede ba? Sagot ni Dei
  "Gusto ko lng naman makipagkaibigan sayo" sagot ng lalaki
"Makipagkaibigan? Tapos ano? Manliligaw ka na? Bobolahin mo na ako at kapag nadala ako sa pambobola mo ano naman ang magiging kasunod nun? Ikakama mo na ako? At kapag nagsawa la na ay itatapon mo na akong parang basahan at maghahanap ka nanaman ng ibang babaeng mabibiktima?" Prangka niyang sabi.
  "Dei" tanging nasabi ni Richard
  "Please Mr. Faulkerson, go away. Please leave me alone!" Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya napaiyak ng mga oras na yun.
  Dahil ba sa awa sa sarili dahil sa ginawa sa kanya ni Patrick?
  O, sa paghihirap ng kalooban sa kakaiwas kay Richard samantalang ang totoo ay may nararamdaman na siyang kakaiba para dito.?
   Hindi niya inaasahan ang sumunod na ginawa ni Richard. Niyakap siya nito ng mahigpit at parang yun lng ang hinihintay niya at sumubsob na siya sa dibdib ng lalaki and rigt there and then she feels safe.
  "What's wrong, Dei? Bakit ka umiiyak?" Masuyong tanong sa kanya ni Richard habang hinahaplos ang buhok at likod nito.
  Umiling lamang si Dei ng sunod sunod.
    "Let's go inside the car." Bulong ni Richard
  At inakay na siya nito papasok sa kotse, hindi na nakuha pang tumutol ni Dei.
"Saan tayo pupunta, Richard?" Tanong ni Dei habang nasa kahabaan sila ng hi way
  "Gusto mo bang kumain muna?" Tanong ni Richard
Umiling lamang si Dei sa kanya.
Hindi na nagpilit pa si Richard,  inihinto nito ang sasakyan sa harap ng isang park.
  "Anong gagawin natin dito?" Tanong ni Dei.
"Maglakad lakad at magpapahangin," sagot ni Richard. Pero parang tinatamad namang bumaba si Dei ng sasakyan at maglakad lakad ng mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay hinang hina sya at d kayang suportahan ng kanyang mga tuhod para maglakad.
  "You're nervous right?"
Napatingin siyang bigla kay Richard naalarma ng hawakan nito ang isa niyang kamay.
  "R- Richard"
  " Relax. I won't hurt you, Dei" sabi ni Richard
"Pero" ang iba pa niyang sasabihin ay nalunod sa kanyang lalamunan ng dampian siya sa labi ng masuyong halim ni Richard. Nabigla si Dei sa halik na iyon. Nalito siya at hindi niya alam ang gagawin. Kaya napakapit na lang siya sa braso ng lalaki.
  "I love you, Dei."
Gulat na gulat si Dei sa narinig. Nang Tumingin siya sa mga mata ng lalaki ay para siyang napaso. Pero nakita niya ang sincerity sa mga matang iyon. Pero hindi pa rin siya dapat magtiwala sa lalaki.
  "Ilan na kaming pinagsabihan mo ng I love you, Richard? Tanong niya rito.
  "Sa maniwala ka at hindi, Dei ikaw pa lng" sabi ni Richard sa kanya bago ito ngumiti sa kanya. Ang kamay niyang hawak nito ay masuyo pang pinisil. " At uulit ulitin ko yon kung kinakailangan para lang maniwala ka na totoo ang sinasabi ko. Mahal kita, Dei. Mahal na mahal. At hindi pa ako nakaramdam ng ganito katinding damdamin sa mga babaeng nakarelasyon ko." Sabi ni Richard
  "At akala mo makukumbinsi mo agad ako, hindi ba?" Sabi ni Dei
Hindi siya nakakibo. Pero nang muli siyang halikan ni Richard ay hindi siya tumutol. Bagkus ay tinugon niya pa ng halik nito kaya nang sumunod na mga sandali ay naging mas mapusok ang halik ng lalaki. Naramdaman niyang nasa ibabaw na ng isa niyang dibdib ang kamay nito masuyong humahaplos doon.
  "Richard" saad niya dito.
"I love you, Dei" sambit niya
Sinaway niya ang lalaki sa ginagawa nito. Tinabig niya ang kamay no Richard sa dibdib niya at inirapan ito ng matalim.
  " You're so aggressive, alam mo ba yun?" Sabi niya
  "Yeah, and I'm sorry for that. Pero lagi kong tatandaang hindi ko dapat takutin ang girlfriend ko dahil baka magbago pa ang isip niya." Sagot ni Richard.
  "Sinong girlfriend mo?" Tanong niya kay Richard
  "Ikaw" mabilis na sagot ng lalaki sa kanya
"Bakit sinagot na ba kita?"
"Hindi ka naman magpapahalik at magpapayakap kung hindi mo rin ako mahal, hindi ba?"
Inirapan niya ng pagkatalim talim si Richard. Pero nagulat siya ng bigla siya nitong hapitin sa bewang at siilin ng halik sa labi.
  "Alam mo bang mas lalo kang nagiging Hot kapag umiirap?" Nakatawang sabi ni Richard sa kanya.
  "Ang galing mo talagang mambola ano?" Sagot niya dito.

To be continued...

For KeepsWhere stories live. Discover now