9: Richard's feelings

1.2K 99 15
                                    

Pagdating ni Dei sa condo ay para siyang nabunutan ng tinik.
  Sa pagkikita nila ni Patrick ay nakumpirma niya sa sarili na wala na siyang nararamdamang galit. Alam niya kung bakit.
  Hindi niya na mahal  ang dating nobyo. dahil kung mahal niya pa ito ay magiging bitter pa rin siya na hindi silang dalawa ang nagkatuluyan.
Pero ngayon ay iba na ang mahal niya.
  Si Richard na.
Hindi niya lubos maisip kung paano niyang nakumbinsi ang sariling pumayag magpakasal noon kay Patrick samantalang wala pa yata sa kalahati ang nararamdaman niyang pagmamahal ngayon kay Richard.
  Pero mas kumplikado ang sitwasyong kinakaharap niya ngayon. Mahal na mahal niya si Richard pero natatakot siyang magtiwala sa lalaki.
  Hindi lang dahil minsan na siyang nasaktan kaya natatakot na siyang masaktan pang muli.
  Kundi dahil alam niyang womanizer si Richard.
  Matapos maghapunan ay nakatulugan na ni Dei ang pag iisip.

Samantala, nang mga sandaling yun ay nasa isang bar si Richard at nilulunod ang sarili sa alak.
Dapat kasama niya si Norman pero hanggang ngayon hindi pa dumadating samantalang kanina pa niya ito tinawagan.
Galit na tinungga ni Richard ang alak sa kanyang harapan.
"Richard" naramdaman niyang may humawak sa kanyang balikat. Ng lingunin niya ito ay nakita niya ang pinsan niyang si Norman.
  "O, Norman. Mabuti naman at dumating ka na, akala ko ay iindiyanin mo ako eh." Sabi niya sabay senyas sa waiter na bigyan ng inumin si Norman.
  "Mukhang madami ka nang nainom, Richard" tanong ni Norman
  "Hindi, gusto ko lang magpakalunod sa alak para makalimutan ang problema ko." Sagot naman ni Richard
  "Problema? Hindi ko alam na may problema ka." Ani Norman.
  "Sa babae." Mahinang sagot ni Richard
"Sa babae?" Gulat na tanong ni Norman saka marahang tumawa. "Hindi yata kapani paniwala yan, Richard. Ikaw na numero unong Playboy? Magkakaroon ng problema sa babae? C'mon, Richard." Natatawang sabi ni Norman
  "But that's the truth" sabi ni Richard
  "Pero sino ang problema mo?" Tanong ni Norman
  "Si Dei." Maikling sagot ni Richard
Nanlaki ang mata ni Norman sa narinig na sinabi ni Richard.
  "Si Dei? As in si Dei?" Sabi niya
  "Oo, Norman" sagot ni Richard
"Richard, lokohin mo na ang lahat ng babae huwag lang si Dei. Pinsan siya ni Alona at nakakahiya naman sa pamilya nila kung saka sakali." Mahabang sabi ni Norman
  "Hindi ko siya lolokohin, Norman. Mahal ko siya." Sagot ni Richard
   "Ilan na bang babae ang minahal mo?" Tanong ulit ni Norman.
  "Hindi ito biro, Norman. Totoong mahal ko siya. Iniibig ko siya. I love her, for God's sake! Ba't ba ayaw mong maniwala sa akin?"  Naiinis na sagot ni Richard
Natigilan si Norman sa narinig. Halatang hindi ito makapaniwala nung una pero dahil sa narinig ay mukhang nakukumbinsi na ito ni Richard.
   "Okay, okay.. naniniwala na ako, Richard. Pero okay naman kayo no Dei, di ba?" Tanong niya dito.
  "No, Norman. It's not what you think. Ako rin, akala ko nung una ay okay na kaming dalawa. Na pareho kami ng nararamdaman. Dahil siya lang ang kauna unahang babaeng minahal ko, Norman. At ganito pa katindi ang nararamdaman kong pagmamahal sa kanya na pakiramdam ko ay masisira ang ulo ko kapag hindi siya napunta sa akin." Litong sagot niya kay Norman.
   "Anung problema?" Tanong ni Normn
  "Hindi niya ako mahal" halos ayaw lumabas sa bibig na sabi niya
" Paano mo nasabi yan?" Ani Norman
  "Sinabi niya sa akin, Norman. Hindi niya ako mahal. Ginamit niya lang ako para makalimutan ang ex boyfriend niya. Ang sakit sakit nun, akala mo ba? Hindi sa ego ko kundi sa puso ko. Ngayon ko pinagsisihan ang mga kasalanang nagawa ko sa mga babaeng naka relasyon ko. Tama ka sa sinabi mo noon na balang araw makakakita rin ak ng katapat ko. Natagpuan ko na siya ngayon. Pero ang sakit sakit ng ginawa niya sa akin" mangiyak ngiyak na sabi ni Richard.
  Tinapik ni Norman sa isang balikat ang pinsan.
  "Parang gusto ko siyang kidnapin, Norman" sabi pa niya
  "What?!" Nabiglang sabi ni Norman
"You've heard me right. Gusto ko siyang kidnapin."
  "Gusto kong maging akin siya Norman. Tulungan mo naman ako.." sabi niya sa pinsan
  "No, Richard. Ayaw ko ng ganyan. Alam mong hindi na iba sa akin si Dei." Sagot ni Norman
  "Pakakasalan ko naman siya. Norman. At wala pa akong babaeng hinangad na pakasalan maliban sa kanya. Please Norman.." pagmamakaawa niya sa pinsan.

  Hating gabi na nang lumabas sina Richard at Norman sa bar.
  "Kaya mo bang mag drive pauwi sa condo mo? Tanong ni Norman sa pinsan.
  "Kaya ko ang sarili ko, wag mo akong alalahanin" sagot naman niya.
  "Okay, ikaw ang bahala. Pero mag iingat ka ha? Sabi nlng niya sa pinsan.

Napapailing na lang si Norman habang tinatanaw ang pinsan. Hindi niya akalaing magkakaganoon ito ng dahil sa isang babae.
  Para sa kanya ay laruan lang ang mga babae. Hindi naniniwala sa commitment si Richard at lalong hindi naniniwala sa kasal. Hanggang sa dumating ang isang Dei Capili sa buhay niya.
  Napangiti si Norman sa naisip.
Si Dei lang pala ang magiging gamot sa pagiging playboy ng pinsan niya.

To be continued.....

For KeepsWhere stories live. Discover now