3: MaineDei (part 2)

1.3K 86 5
                                    

  "Wow! Ang ganda ganda naman ng mapapangasawa mo Patrick. No wonder na nagmanadali ka ng pakasalan siya ha?" Tuwang tuwang sabi ng couturier habang sinusukatan si Dei.
  "Syempre naman. Pipili ba ko ng pangit?" Mayabang na sabi naman ni Patrick.
   Kahit madalas na siyang nakakarinig ng  papuring ganoon patungkol sa kanya ay hindi pa din mapigilan ni Dei ang magblush. Pagkagaling nila sa couturier ay inihatid na sya ni Patrick sa kanila. Pero ganun nlng ang inis na naramdaman ni Dei dahil nadatnan niya sa bahay nila ang bayaw na si Dino na kausap ng ate Joan niya.
Binati sya nito pero imbes na sumagot siya ay inirapan niya ito at nagmamadaling pumasok sa kwarto niya.
Sa sobrang inis nya ay hindi n siya lumabas ng kwarto para maghapunan. Nagkasya nlng siya sa pagbabasa ng libro sa kagustuhan niyang iwasan ang bayaw.
Makalipas ang ilang oras ay may kumakatok sa pinto ng kwarto niya at pumasok ang kanyang ate Joan.
  "Dei?" Tawag ng kanyang ate
  "Ikaw pala ate" sagot niya havang inilalapag sa bedside table ang librong binabasa niya.
   "Pwede ba tayo mag usap?"ani ate Joan
  "Oo, tungkol saan?" Sagot ni Dei
Naupo si Joan sa gilid ng kama ni Dei at tinitigan niya ito.
  "Alam ko galit ka sa kuya Dino mo. Syempre kapatid mo ako kaya ako ang kakampihan mo. pero may pagkukulang din naman ako sa mga nangyari sa amin. May kaslanan din ako-"
  "Sinasabi mo lng yan para mapagtakpan ang asawa mo ate, para mawala ang galit namin sa asawa mo dahil napatawad mo na siya. Gusto mo kaming kumbinsihin na mabuti siyang tao at mapagmahal na asawa sa kabila ng nagawa niya sayo." Galit na galit na sabi ni Dei sa kanyang ate.
  "Hindi, Dei. Totoo ang sinasabi ko. Kaya lng naman niya ako nasampal ay dahil naprovoke ko siya. At iyon ang first time na nasaktan niya ako." Mahabang sagot ng kanyang ate Joan.
  "At sigurado na hindi ito ang magiging last ate kung makikipagbalikan ka pa sa kanya ulit. Nasaktan ka na niya once at pinatawad mo siya. Maybe the second time na mag away kayo ulit hindi nlng sampal ang ibigay niya sayo baka may kasama nang suntok at tadyak yan," galit pa din niyang sagot sa ate niya.
  "Hindi naman siguro Dei.."
   " Hindi naman siguro?  Noon ba nahulaan mo na magagawa niyang samapalin ka? Hindi, di ba? Ikaw na din ang nagsabi na kaya kayo mdalas mag away ay dahil madami siyang pagkukulang sayo." Ani Dei
"Galit lng ako sa kuya Dino mo noon, Dei"
  "At ngayon hindi na? Dahil nauto ka nanaman ng lalaking yun' dba ate?"  Sambit ni Dei.
  "Dei..."
"Ayaw kitang pangunahan ate pero kung masama ang maging makasarili, hindi din maganda sa isang tao yung walang pagpapahalaga at pagmamahal sa kanyang sarili. kapag nakipagbalikan ka sa kanya at muling nakisama para mo na ding binigyan ang lalaking yun ng karapatan para apihin ka ulit." Sabi ni Dei

Ang buong akala ni Dei ay naliwanagan niya na ang isip ng ate Joan niya. Pero kinabukasan pag gising niya nagulat siya nh hindi niya mgisnan ang kapatid at mga pamangkin.
  Tanging ang nanay niyang si aling Anna ang nadatnan niyang nag aalmusal komedor.
  "Asan si ate at mga bata nay?" Tanong niya habang umuupo sa harap ng ina.
  "Kagabi pa umalis, sumama na silang mag iina kay Dino," kaswal na sagot ng kanyang ina.
  Nagsalubong ang dalawang kilay ni Dei sa narinig mula sa ina.
  "Wala talagang kadala dala yang si ate." Naiinis na sabi niya
  "Hindi mo siya masisisi,  Dei, asawa niya si Dino at may dalawang anak sila, kawawa ang mga bata kung lalaki sila na mgkahiwalay ang mga mgulang nila. At nagpaliwanag naman na si Dino na mabigla lang daw siya kaya niya napagbuhatan ng kamay ang ate mo." Ani nanay Anna
   " Paano kung lagi nlng siyang mabibigla ngayon nay? E, di lagi na din niyang nasasaktan ang ate? Ani Dei
  Hindi naman nakakibo si nanay Anna sa sinabi ni Dei. At sunod sunod na napailing.
   "Huwag naman sana, Dei. Huwag naman sana. Hindi ko gustong magdusa ang isa kong anak." Malungkot na sabi ni nanay Anna.
  "Talagang hindi dapat, Nay. Dahil kapag kinanti niya pa ulit si ate Joan ay ako na ang makakalaban ng lalaking iyon!" Matiim na sabi ni Dei.
   Pilit na ngumiti si aling Anna sa bunsong anak.
  Tumayo si Dei para magtimpla ng kape nang maalala ang kanyang kuya Martin.
"Siya nga pala nay, nasaan po si kuya?" Tanong niya sa ina.
  " Ay! Nakalimutan ko nga palang sabihin sayo, maagang maaga siyang umalis para pumunta sa hospital." Sagot ng ina.
  "Hospital?" Gulat na tanong ni Dei.
" Oo. Dinala sa ospital kaninang madaling araw ang hipag mong si Berna."
"Bakit ho?"
" Hindi ko nga alam kung bakit eh."
Gabi na nang dumating ang kuya Martin ni Dei. Nagmamadali pa ito sa pagbibihis dahil babalik daw ng hospital.
  "Bakit nasa hospital ang ate Berna kuya?" Tanong ni Dei sa kapatid
"Hindi ko alam na naglilihi pala siya, Dei. Masyadong maselan ang paglilihi niya at lagi siyang walang ganag kumain. Kaya bigla na lang siyang nag collapse." Mahabang sagot ng kuya niya.
"Ang ibig mong sabihin magkakababy na kayo, kuya?"
Nakangiting tumango sa kanya ang kapatid.
"Oo. At tuwang tuwa ako ng malaman ko iyon Dei, nagsisi nga ako kung bakit iniwan ko si Berna noong mapuno na ako sa kana nag nya at kaseselos. Yun pala eh ganun lng daw ang mga naglilihi, sabi ng doctor niya. Nagkakaroon daw sila ng mga insecurities at nagiging masyadong irritable. Hindi ko yun alam dahil ngayon pa lng naman siya naglihi. Pero gaya nga ng sabi ko maselan ang pagbubuntis ni Berna kailangan alagaan siya ng husto ara hindi malaglag ang bata." Mahabang sabi ni kuya Martin kay Dei.

  Pagkaraan ng ilang araw ay sa bahay nila iniuwi ng kuya niya ang hipag na si Berna. Hihinto n raw sa trabaho si Berna at dito muna sa bahay nila titira ang mag asawa para meron itong kasama kapag nasa office ang kuya Martin niya. Pati ang kasambahay nila na si Leda ay isinama na din ng mag asawa at iniwan ang inuupahang apartment.
  " Hindi mo ba kasundo ang hipag mong iyon, Dei?" Tanong ng kanyang officemate
  " Kasundo ko naman siya kaya lang, noong mag away sila ni kuya at bumalik sa bahay namin ang kuya Martin ko eh nainis ko sa kanya." Pag amin ni Dei.
" Natural lng iyon dahil kapatid mo yun eh." Sabi ng officemate niya.
"O, siya uwiaan na sabay na tayong umuwi ha?" Sabi nito
" Pero baka sunduin ka ni Patrick?" Sabi ng kaibigan ni Dei
"Hindi" sagot naman niya
Ilang sandali pa ay nasa labas na sila ng office at nag aabang ng masasakyan. Hindi naman nagtagal at nakasakay na din sila. Pero napadaan ang sinasakyan nila sa isang restaurant ay natanaw ni Dei ang boyfriend na si Patrick na may kasamang ibang babae!.
  Bigla siyang nakaramdam ng matinding galit, ng nerbiyos. Parang gusto niyang bumaba sa sinasakyan at lapitan ang boyfriend at komprontahin ito.
  Pero parng bigla siyang naduwag na gawin iyon. Para bigla siyang naunahan ng kaba sa pwede niyang malaman.
  Pagdating sa bahay nila ay agad siyang nagkulong sa kwarto niya. Pero hindi maalis sa isip nya nakita niya kanina.
Sino ang babaeng kasama ni Patrick?

To be continued......

For KeepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon