7: Dei's Fear

1.2K 102 8
                                    

   Nagtaka sina Alona at Norman nang dumating na magkasama sina Dei at Richard.
Pagkatapos magdinner ay nagkayayaan sina Norman at Richard na uminom, habang nagkukwentuhan. Si Dei naman ay hinila ng pinsan sa library para doon kausapin.
  "Bakit kayo magkasama ni Richard, ha Dei? Usisa ni Alona sa pinsan.
   "Hinatid lang niya ako cuz, akala niya kasi dito pa din ako nakatira. Kahit boyfriend ko na kasi siya parang natatakot pa din ako na sabihin na nakahiwalay na ako sa inyo, na mag isa na akong nakatira sa condo ni Norman." Pahayag ni Dei.
  "Teka, teka, lang ha? Anung sabi mo?" Gulat na tanong ni Alona sa kanya.
  "Ang sabi ko dito pa din ako nakatira sa inyo ni Norman." Sagot niya.
  "Hindi yun. Ang ibig kong sabihin kung mag ano kayong dalawa ni Richard?" Sabi ni Alona
  "Mag boyfriend." Sagot ni Dei
  "WHAT?" napalakas ang boses na sagot ni Alona.
  "What's wrong?" Tanong ni Dei sa pinsan.
  "Anung what's wrong? Hindi mo ba alam na numero unong playboy ang Richard na yan at kahit isang babae ay walang sineryoso sa halos sampung dosena yatang nakarelasyon niya?" Ani Alona
  Napipi si Dei sa narinig.
"Ayaw ko pangunahan ka, cuz pero kung nagawa lang lokohin ng ex boyfriend mong si Patrick kahit almost five years kayong naging mag on, eh, di lalo na si Richard na ang tingin sa pag ibig at pakikipagrelasyon ay laro  laro lang. Isa pa ilang linggo ka pa lang nag tatrabaho sa kanya mag boyfriend na kayo agad?" Sabi ni Alona.
  "G- Gusto ko kasing isipin na wala sa tagal ng engagement o pagkakakilala ng dalawang tao ang sikreto para magkasundo sila. Parang kayo ni Norman, ng kuya Martin at ate Berna, ni ate Joan at kuya Dino.. dba pare pareho kayong hindi nagdaan sa long engagement bago nagpakasal? Baka yun ang maging problema sa amin ni Patrick. Hindi ko namamalayan na nagsasawa na pala siya sa aming relasyon kaya siya naghanap ng iba." Pahayag ni Dei.
  "Hey! Don't you dare na bigyan ng katwiran ang ginawang pagtataksil ng ex boyfriend mo ha? Siya ang may kasalanan at hindi ikaw. Kung nagsawa siya problema na niya yun at hindi ikaw ang nawalan kundi siya. Pero gosh naman Dei! Iba si Norman or ang kuya Dino mo kay Richard." Mahabang paliwanag ni Alona.
   "Eh, baka magbago pa naman siya cuz,"  pagtatanggol ni Dei kay Richard.
   "Magbabago? Yung kulay ng dagat pwedeng maging orange pero hindi magbabago ang isang Richard Faulkerson, Dei, I'm telling you. Kapag nasaktan ka sa bandang huli wag mong sasabihin sa akin na hindi kita pinaalalahanan, okay?" Pagbabanta ni  Alona.
  Natigilan si Dei sa sinabi ng pinsan. May katwiran ito. Hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit nagpadala siya sa kahinaan niya. Kung bakit naniwala siya sa mga pambobola ni Richard sa kanya samantalang nagawa naman niyang maiwasan ito sa opisina.
  Hindi na rin nagtagal at nag paalam na si Richard sa mag asawang Norman at Alona.
  " Sige, Richard ingat ka." Sabi ni Norman sa pinsan
   " Hindi mo ba ako ihahatid hanggang sa gate, My love?" Sabi ni Richard habang nakatingin kay Dei.
  Pinamulahan ng mukha si Dei sa tawag sa kanyan ni Richard. Nahiya siya Alona pero mas higit ang hiya niya sa asawa nitong si Norman. Dahil baka isipin niyang napakacheap niya.
  Hindi nga ba? Naisip ni Dei
  Yun na rin naman siguro ang tingin sa kanya ni Richard. Dahil ang dali dali siya nitong napasagot.
  Bago pa siya nakatanggi ay nahawakan na siya ni Richard sa isang kamay at masuyong hinila patungo sa may gate kung saan nakaparada ang kotse nito.
    "Bakit matamlay ka? May problema ba?" Masuyong tanong sa kanya ng nobyo
  "Wala" sagot lng nito
"Wala? O, baka nalulungkot ka dahil uuwi na ako?" Pilyong sabi nito sa kanya.
Pinilit ngumiti ni Dei sa lalaki.
  "Bukas naman magkikita ulit tayo. Pero kung gusto mo, sumama ka na sa akin para lagi na tayong magkasama." Ani Richard.
  "Puro ka kalokohan," sagot ni Dei.
  "Hindi naman ako nagbibiro" sagot ni Richard
  Nag blush si Dei nang mapansin niyang titig na titig sa kanya si Richard.
   "I like you more when you're blushing like that," ani Richard saka siya masuyong pinisil sa baba.
Hindi siya nakaiwas ng masuyong halika siya ni Richard sa labi.
  "Aalis na ako." Sabi nito
  "Ingat ka" sagot ni Dei
  "Para sayo" sabi naman ni Richard
Nang sumakay na si Richard sa kotse nito at makalayo na ay nakaramdam ng lungkot  at takot si Dei.
   Alam niyang mahal niya si Richard.
Ramdam niya iyon.
  Hindi niya akalaing magagawa niyang magmahal ng mas matindi pa kesa sa pagmamahal na binigay nya noon kay Patrick. Kahit na sabihin na sandali pa lang niyang nakikilala si Richard.
  Kaya nakakatakot.
Natatakot siya sa pwedeng idulot nitong kabiguan sa kanya. Dahil baka hindi niya na kayanin pa.

Hindi niya akalain na makakasabay niya sa elevator si Richard ng umagang iyon. Ang alam niya ang nine o'clock na kung dumadating ito sa office pero five minutes before eight pa lng.
  Naging pormal siya ng batiin ang nobyo. Hindi rin siya tumabi rito sa loob ng elevator. Pero lumapit sa kanya si Richard at naramdaman niyang hinawakan siya nito sa isang kamay.
Mabilis niyang binawi ang kamay.
Nagtataka itong napatingin sa kanya. Pero hindi ito pinansin ni Dei.
  "What's wrong, Dei!" Tanong ng nobyo
  "Nothing, sir" agad niyang sagot
Hinawakan siya nito sa kamay para pigilan siya sa paglalakad. Pero gaya ng dati binawi niya ang kamay mula sa lalaki.
   "Baka ma late na ako sa trabaho ko sir." Sabi niya at nagmamadaling iniwan ang nagtatakang lalaki.
  "Pagdating ni Dei sa table niya gusto niyang magalit sa sarili sa ginagawa niya kay Richard at sa pagpigil niya sa sarili niyang damdamin.
  Nahihirapan siyang gawin yun. Alam niya na unfair hindi lng para kay Richard kundi para na din sa kanyang sarili.
    Pero ito ang dapat. Para hindi na siya masaktan tulad ng nangyari sa kanya noon.

  Bago mag lunch break ay pinatawag siya ni Richard sa private office nito. Alam niya na kung bakit. Pero pumunta  pa din siya. Kahit na abot hanggang langit ang kaba niya sa magiging resulta ng pag uusap nila ng boyfriend.
   "Ipinatawag nyo daw po ako sir?" Tanong niya dito
  "Have a seat Dei." Sagot nito
  "No need sir, Marami pa po akong trabaho at-"
  "Sasabihin ko sayo kung kailan ka babalik sa trabaho mo, okay?" Galit na putol ni Richard kay Dei.
Nabigla si Dei.
  "And for Christ's sake Dei. Take a seat!"
Natatarantang naupo sa kalapit na silya si Dei.
   "Now, tell me, what's the problem Dei, bakit biglang bigla ka na lang naging cold sa akin? Bakit pakiramdam ko iniiwasan mo ako? Tanong ni Richard.
  "It's not what you think sir." Sagot ni Dei
"Hindi?" Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ng lalaki ng mga sandaling iyon. Para siyang napapaso sa pagkakatitig nito sa kanya.
  "Bakit,Dei? Anong nangyari? Kahapon lang magkasama tayo. Kagabi maayos naman tayonh naghiwalay.."
Mabilis na tumayo si Dei. "I don't think this is the proper time ang place to discuss about this sir. Oras ito ng trabaho at kailangan ko pang mag trabaho so, if you'll excuse me sir.." sagot nito sa nobyo.
   "Sit down Dei, please," mahinang sabi ni Richard.
  "No, saka na lang tayo mag usap ulit, sir." Sabi niya saka nagdudumaling lumabas sa private office ng nobyo.
  Walang nagawa si Richard kundi habulin ng tingin ang dalaga.

To be continued
  

For KeepsWhere stories live. Discover now