5: First Impression

1.4K 104 20
                                    

  "DEI!....DEI...!" Tili ng pinsan niyang si Alona habang sinasalubong siya pagdating niya sa airport.
  "Alona!" Ganti niyang tili habang patakbong niyakap ang pinsan.
  "Kumusta ka na?" Tanong ni Alona.
  "Heto..." Sabi lng niya.
  "Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo ng boyfriend mo. Mabuti nalng at natawagan ako agad ni Berna na hindi na tuloy ang kasal mo. Kaya pinakacancel ko na ang booking namin pauwi ng pilipinas." Mahabang sabi ni Alona habang nasa daan sila pauwi ng bahay ni Alona.
  Hindi naman kumikibo si Dei.
  "Nasaan na nga pala yung luko luko mong boyfriend? Tanong ni Alona kay Dei.
   "Nasa Australia na sila nung napangasawa niya." Malungkot na sagot ni Dei.
   "Mabuti naman kung ganun. Dapat lang na magpakalayo layo na sila at huwag nang magpakita pa sayo matapos ang ginawa niya no!" Inis na sabi ni Alona na may kasama ang pagsimangot.
  " Pwede bang wag nalng natin siyang pag usapan cuz please?" Pakiusap ni Dei kay Alona.
   "Sabagay cuz, mabuti na din nakilala mo agad ang taong yun. At dahil sa nangyari ay magkasama tayo ngayon di ba?" Masayang pahayag ng pinsan
   Napangiti naman siya sa sinabi ni Alona.

   Pagdating sa bahay nila Alona ay dinala agad siya sa magiging kwarto niya habang nandun siya sa bahay ng mga ito. Makikitira siya pansamantala sa bahay ng pinsan na si Alona at asawang si Norman.
   Si Norman Villarreal ay nagmula sa mayamang angkan siya at ang pinsan nito ang namanahala sa negosyo nilang nakabase sa ibang bansa. mabait si Norman at mapagmahal bukod sa d maikakailang gwapo din ito.
   Pagdating ng hapunan ay dumating si Norman mula sa opisina at sabay sabay na silang nag dinner.
   Habang kumakain ay hindi maiwasan ni  Dei na mapagmasdan ang mag asawa. At hindi rin Niya mapigilan ang hindi mainggit sa nakikita niyang kasweetan ng mag asawa halatang mahal na mahal nila ang isa't isa. Pero yun namang inggit na nararamdaman ni Dei ay walang halong galit. Natutuwa pa nga siya dahil natagpuan na ni Alona ang tunay na pag ibig sa katauhan ni Norman.

   Ilang araw pa siyang nanatili sa bahay ng mag asawang Alona  at Norman. Ngayon ay ihahatid na siya sa isa sa mga condo na pag aari ng pamilya nila Norman at doon na siya maninirahan ng mag isa.
  "Ayaw ko sanang magkahiwalay tayo, Dei. Pero alam ko naman na ayaw mong makitira sa amin ng matagal habang nagtatrabaho ka dito." Sabi ni Alona
  "Nakakahiya naman kasi, cuz, pero para pa din akong nakikitira sa inyo kasi sa inyo pa din naman itong condo at ayaw nyo naman akong pagbayarin ng renta." Mahabang sagot ninDei.
  " Sus! Wala yun, hindi ko tatanggapin ang pera mo kung uupahan mo itong unit no!" Sagot ni Alona.
   "Oo nga naman Dei, pagbigyan mo na kami" second the motion ni Norman sa sinabi ng asawa.
   " Kung sa ibang tao sigurado pauupahan namin tong unit pero hangga't maari ay hindi namin ito patitirahan sa iba kaya wag ka nang mag alala pa, okay?" Ani Norman.
  Napangiti nlng si Dei sa sinabi ng mag asawa.
 

   Dalawa ang rooms ng condo with separate bathrooms. Fully furnished na din ito kaya wala na siyang kakailanganin pang bilhin. Pati ang fridge nang buksan niya ay puno na din ito pati ang mga cabinets ay puno na din ng groceries.
Inayos ni Dei ang mga gamit niya at inilagay sa cabinet ang mga damit sa isang kwarto na siya niyang gagamitin habang nandito siya. Pagkatapos mag ayos ng gamit ay nagluto naman siya ng dinner niya at kumain ng mag isa.
   Hindi niya maiwasang malungkot habang kumakain. Dati rati ay kasabay niya ang kanyang Nanay, kuya Martin at ate Berna. Ngayon niya naramdaman ang pag iisa. Malayo sa mga mahal niya sa buhay.
   Pero kailangan niyang gawin ito para makapag move on siya ng mabilis.
At para mas lalo siyang magung matatag sa pagharap ng mga pagsubok na darating pa sa kanyang buhay.
  Pagkatapos niyang mag dinner ay nagpasya na siyang matulog.
 

Madaling araw pa ay gising na si Dei, dahil ngayon ang araw ng interview niya sa papasukang trabaho. Nagluto siya ng breakfast at kumain. Then she prepared to leave. Simpleng dress na pinatungan niya ng coat ang suot niya, dala ang mga requirements ay umalis na siya ng bahay.
  Pagdating ni Dei sa building ay diretso ito sa elevator, may nauna sa kanya na isng matangkad  at maputing lalaki.
  "God! Ang gwapo gwapo nito." Nasabi nito sa isip niya.
   "Miss sasakay ka ba?" Tanong sa kanya ng elevator man.
Biglang nakaramdam ng hiya si Dei, dahil kitang kita na nakatulala siya sa lalaking matangkad. Nag blush siya at dali daling humakbang papasok ng elevator pero paghkbang niya ay natalisod siya.
   "AYY!" Sigaw niya
Mabuti na nga lang at naging maagap ang gwapong lalaki na masalo siya. Pero ang masama ay dahil sa pagkabigla ng lalaki sa pagsalo sa kanya ay sa dibdib niya napahawak ang lalaki.
  Aware siya na may kakaibang kilabot siyang naramdaman sa pagkakadikit ng kamay ng lalaki sa dibdib niya. Pero nainis siya nang maramdamang masuyong humahaplos na ang isang daliri ng lalaki sa nipple niya.
  Mabilis niyang itinulak ang lalaki at saka niya ito sinampal.
   "BASTOS!" singhal niya dito
Nagulat ang elevator man sa ginawa niya at parang may nabasa siyang pag aalala sa mukha nito pero hindi niya iyon pinansin. Basta ang alam niya ay galit siya dahil sa kabastusan ng lalaki.
  Okay lng na sa dibdib siya nito nahawakan eh nang saluhin siya. Pero iyong haplusin pa ang nipple niya, iyon ang hindi tama!

 

    Pag pasok ni Dei sa personnel department ay agad niyang hinanapsi Adel Romero. Yun ang secretary ng head ng personnel department.
    "Good morning." Bati niya sa isang babaeng nasa labas ng isang private office ng head doon.
  "Good morning. May I help you?"  Sagot ng babae
  " I'm Mainedei Capili. Ang sabi sa akin ni Mr. Norman Villarreal ay sa iyo ako lumapit..." Sabi niya sa kaharap.
  "Ah, oo maupo ka muna. Hintayin natin dumating si Mr. Faulkerson." Putol niya dito pagkarinig ng pangalan ni Norman.
  "Mr. Faulkerson? Dba pinsan ni Mr. Villarreal yung kakausap sa akin? Sagot ni Dei.
  "Ah yes, Ms. Capili magpinsan sila yung father ni sir Norman at yung mother ni sir Richard ay magpinsan, si Mr. Richard Faulkerson ang namamahala dito. Mahabang kwento ni Adel.
  "I see." Sagot naman ni Dei
  " O, ayan na pala si sir eh." Sabi ni Adel

  Muntik nang mahulog sa kinauupuan niya si Dei nang makilala kung sino ang tinutukoy ng secretary.
Ang lalaking sinampal niya kanina sa Loob ng elevator!
  Hindi niya alam kung paanong itatago ang sarili sa lalaki ng mga sandaling iyon.
   "Good morning sir." Bati ni Adel
   "Good morning Adel." Sagot nito
   "Ah, sir.. nandito na ho si Miss MaineDei Capili.." sabi ni Adel sa amo
Napatingin ang lalaki kay Dei. At nakita niya ang pilyong ngiti na naglalaro sa mga labi ng lalaki.
  "Siya ba?" Patay malisyang sagot nito
  "Yes sir" sagot ni Adel
  "Papasukin mo siya sa office ko Adel." Sabi ng lalaki bago ito tumalikod.
Ilang sandali pa ay nasa loob na ng ptivate office nito si Richard Faulkerson. Si Dei ay naiwan sa harap ng table ng secretary.
  " Let's go Ms. Capili" sabi nito
  "Haa?" Parang nagulat na sagot niya.
  "Ihahatid na kita sa office ni sir." Sabi nito sa kanya
  "Wala ba akong pwedeng kausaping iba? I mean, hindi ba pwedeng yung assistant ni Mr. Faulkerson na lang ang mag interview sa akin. Tutal sabi naman ni Norman ay for formality lang naman." Mahabang sabi ni Dei.
   "Nakaleave ang assistant ni Mr. Faulkerson. Next week pa ang balik niya dito sa office. Tsaka, kay sir Richard ka ipinagbilin ni sir Norman." Paliwanag ni Adel.
   Oh, my God!
Napansin yata ni Adel ang pamumutla niya kaya ngumiti sa kanya.
   "Don't worry, hindi naman masungit si sir Richard, eh. Ang totoo mabait siya at approachable." Pang aalo niya kay Dei.
   Oo nga pero sinampal ko naman ang lalaking iyon kay hindi ko alam kung papaano siyang haharapin ngayon? Hindi naman kasi niya alam na ito na pala ang pinsan ni Norman, nalilito niyang sabi sa isip.
  "Halika na?" Aya nito kay Dei
Baka masabihan pa siyang maarte kaya tumango na lamang si Dei sa sekretarya.
  "Okey"  nasabi nlng niya.
  Tumatambol ang dibdib ni Dei nang magtungo sila ni Adel sa private office ni Richard Faulkerson. Lalo na nang kumatok ang secretary sa pinto at marinig niya ng boses ng lalaki mula sa loob na nagsabing "come in", pagkatapos ay ibinukas ni Adel ang pinto ng private office na iyon.
At nang magkaharap na sila ni Richard Faulkerson ay parng gusto niyang matunaw sa kahihiyan.

To be continued....

Hello ebriwan,
una po sa lahat nais kong magpasalamat sa mga napadaan dito ant nagtyagang basahin ang kwentong ito, maraming maraming thank you po sa inyong lahat 😊😊
Pasensiya na po kung dko nasasagot mga comments niyo. But i will try my best po na sagutin kayo if may time,

For KeepsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant