4: The Confrontation

1.2K 92 28
                                    

Kinabukasan ay nag under time siya sa ofiice dahil may appointment sila sa kanilang wedding planner.
  "Bakit ang tahimik mo? Wag mong sabihing hanggang ngayon galit ka pa rin sa ginawa ng ate Joan mo?" Masuyong tanong ni Patrick kay Dei habang papunta silabsa kanilang appointment.
"Hindi ito tungkol kay ate Joan, Patrick" sagot ni Dei.
  "Then, what is it?"balik tanong ni Patrick
   "Tungkol sa iyo" mahinang sagot ni Dei.
  "Sa akin? Bakit? Anung tungkol sa akin"  gulat na gulat na tnong ni Patrick.
Humugot ng malalim na bunting hininga si Dei para mag ipon ng lakas ng loob ng mga sandaling iyon.
  "Nakita kita kahapon sa isang restaurant may kasama kang ibang babae..." Sabi ni Dei.
Sandaling natigilan si Patrick sa sinabi ni Dei, at bahagyang namutla ito. Maya maya ay napangiti.
  "Sigurado si Leni ang nakita mo, hon." Sagot ni Patrick
  "Sinong Leni?" Nakakunot noong tanong ni Dei.
  "She's my childhood friend, kahapon lng kami ulit nagkita dahil matagal siya sa abroad. Nagkayayaan mag dinner then pumunta siya sa bahay para kumustahin ang parent's ko" mahabang paliwanag ni Patrick.
Titig na titig si Dei kay Patrick habang nagsasalita ito. Gusto niyang makasiguro kung nagsasabi nga ito ng totoo. Pero wala naman nabasang kakaiba sa mga mata nito.
  "Sana nilapitan mo kami para naipakilala kita sa kanya." Sabi pa ni Patrick.
Nakahinga naman ng maluwag si Dei sa mga narinig.
  "Ganun ba?" Taning ni Dei.
  "Yeah. Siguro nagselos ka nung makita mo kami kahapon ano?" Tukso ni Patrick kay Dei
  "Bakit? Wala ba akong karapatang magselos?" Inis na sagot ni Dei
Ngiting ngiti naman si Patrick sa kanya.
  "Alam mo bang natutuwa ako kapag nagseselos ka? Kasi sure na sure ako na mahal mo nga ako."malambing na sabi ni Patrick.

Mabilis na lumipas ang two months. And three weeks from now ay kasal na nila ni Patrick. And in two days makukuha na nila ang mga ipinagawang invitation at pwede na nilang ipamigay. and today dumating na ang kanyang wedding gown.
  "Ang ganda dba Nay?" Sabi niya sa ina habang inilalabas sa kahon ang gown.
  "Napakaganda anak. Pero wag na wag mong isusukat ang wedding gown mong yan ha? Hindi masamang sumunod sa matandang pamahiin." Paliwanag ni aling Anna.
  Hindi naman maintindihan ni Dei kung bakit bigla siyang kinabahan ng mga sandaling iyon. pero hindi siya nagpahalata sa ina at tumango na lamang siya dito.
 

  Nagtaka pa si Dei ng paggising niya kinabukasan ay nasa bahay na nila si Patrick.
   "Ang aga mo, ah! May lakad ba tayo ngayon?" Tanong niya sa fiancee.
Umiling lang si Patrick.
Tumabi si Dei sa kinauupuan ni Patrick
"Nagfile na ako ng leave sa office pero one week lng ang binigay sa akin dahil madami daw mabibitin na deadline pag more than a week ang leave ko." Mahabang pahayag ni Dei
  "Hindi ka na sana nagfile pa ng leave Dei" sagot ni Patrick
"What?" Gulat na tanong niya sabay tingin kay Patrick, kitang kita niya ang lungkot sa mga mata nito. "Whats wrong, Patrick? May problema ba? Or may sakit ka?" Sunod sunod na tanong ni Dei.
  "I'm sorry, Dei," gumagaralgal ang boses ni Patrick.
  Lalong maguluhan si Dei sa narinig.
  "What??"
  " I'm sorry.."
  "Sorry for what?"
  "Hindi na matutuloy ang kasal natin. Dei" halos pabulong ang pagkakasabi ni Patrick sa mga salitang yun pero parang bombang sumabog ang hatid kay Dei.
  "What?! Can you say that again Patrick" saad ni Dei.
  " Hindi na matutuloy ang kasal natin. Kasal na ako kay Leni"
Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwNg pisngi ni Patrick.
  "Walanghiya ka...!"
  " Hindi ko gusto ang mga nangyari, Dei. She seduced me. At marupok ako Dei kaya may nangyari sa amin at nagbunga iyon. Buntis si Leni at pinilit ako ng Papa niya na pakasalan siya at hindi ako nakatanggi. We got married yesterday." Saad ni Patrick.
Isa pang malakas na sampal ang pinadapo ni Dei sa kabilang pisngi ng boyfriend galit na galit siya dito.
  "Shit ka, Patrick. Shit ka!!" Sigaw niya dito.
  "Dei pinikot lng niya ako" sabi ni Patrick
  "Hindi ako naniniwala sa pikot, Patrick. Ginusto mo  rin ang mga nangyari. At napaka inconsiderate mo dahil inilihim mo ang lahat sa akin.pinagmukha mo akong tanga! Niloko mo ako. Manloloko ka!" Umiiyak na pahayag ni Dei.
Lalo siyang nagalit dahil hindi niya napigilan ang sarili na umiyak sa harapan ng lalaki. Ayaw niyang kaawaan siya nito kaya mabilis niyang pinahid ang luha sa mga mata.
  Tumakbo siya papunta sa kwarto niya at pagbalik niya sa salas ay dala na niya ang wedding gown at gunting. Sa harap ni Patrick ay ginupit gupit at sinira niya ang kanyang wedding gown.
Pgkatapos niyang masira ang gown ay ibinato sa mukha ni Patrick ang sira sirang gown.
" Ayan ang damit na pinagawa mo para sa akin. Dalhin mo na yan sa pag alis mo dito sa bahay namin." Nanginginig sa galit na sabi ni Dei.
"Dei" tanging nasabi ni Patrick
"And don't dare come back to this house Patrick! Ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo! Not ever!" Ani Dei
   Lulugo lugong nilisan ni Patrick ang bahay nila Dei. Samantalang si Dei any nagkulong sa kwarto at doon siya umiyak ng umiyak.
  Walang patid.
Ang sama sama ng loob niya.
Hindi lng kay Patrick kundi sa buong mundo.
   Ang buong akala niya ay si Patrick na ang lalaki para sa kanya. Ang akala niya ay kilalang kilala na niya na ito. Na mahal na mahal siya ng boyfriend at hindi siya kayang lokohin. Ang akala nya five years is enough.
Hindi pa pala.
Nagkamali siya.
Hindi pa man sila kasal ni Patrick ay niloko na siya nito.
Sinaktan.
Pinaiyak.
Ipinahiya sa buong mundo. Dahil alam niyang kinabukasan ay kakalat na sa lugar nila, mga kamag anak, kaibigan at kakilala ang pagpapakasal ni Patrick sa ibang babae. Ang pagtalikod sa kanya.
  Ngayon alam na niya na hindi dapat magtiwala sa lalaki. Lalo na sa bagong kakilala, pero ganoon din sa isang matagal nang kakilala. Walang matinong lalaki na mapagkakatiwalaan.
  "Walang katulad ang kanyang Tatay at ang kuya Martin niya na tapat magmahal.

"Anak.."
   Nagulat si Dei nang marinig ng boses ng kanyang nanay.
  "Bakit po Nay?" Sagot niya dito.
  "Nalaman ko sa hipag mo na nagresign ka na pala sa trabaho mo? Tanong ng ina.
Napabutong hininga si Dei sa narinig.
  Sa hipag na si Berna lng niya nasabi na nag resign na siya kahapon sa trabaho.
  "Totoo po iyon Nay "  sagot ni Dei.
  "Pero bakit?" Tanong ng ina
  "Gusto konpo magpunta sa canada. Dun pi muna ako tutuloy kina Ate alona." Sagot niya
  "Doon sa bahay nila ng kanyang asawa?" Tanong ng ina?
  " Opo nay, tinawagan ko na po siya last week and she offered na dun daw muna ako sa kanila pansamantala. Pero lilipat din ako sa condo ni Kuya Norman pag natapos na ang repair nun. Inalok na din ako ng trabaho dun sa pinsan ni kuya Norman" Mahabang pahayag ni Dei.
  "Gusto mong lumayo dahil sa nangyari sa inyo ni Patrick, hindi ba?" Malungkot na tanong ni aling Anna.
  Nagulat si Dei sa narinig mula sa ina.

Halos isang bwan na ang lumipas mula ng magkahiwalay sila ng dating boyfriend. Balita niya ang umalis na din ng Bulacan si Patrick at Leni. nasa manila na daw ang mga ito. Pero wala na siyang pakialam sa dalawa. Para sa kanya ay wala siyang kilala Patrick Enriquez.
  Pero alam niyang dinadaya niya ang sarili niya. kaya siya nagagalit at patuloy na nasasaktan ay dahil mahal pa rin niya hanggang ngayon ang lalaki.

  Sa kabila ng ginawa nito sa kanya.
Pero hindi siya tanga.
  Kakalimutan niya si Patrick dahil yun ang dapat.
   "Noonpa ako inaaya ni ate niki na sa canada magtrabaho nay. Duon sa company ng pinsan ni kuya Norman Pagkakataon ko na ito nay." Sabi niya sa ina.
  "Ikaw ang bahala anak, pero sana mag iingat ka doon." Napilitang sagot ng ina.
  "Opo nay " sabi niya at yumakap sa ina. Malulungkot siya sa pag alis nya dahil maiiwan niya ang Ina pati na mga kapatid at mga pamangkin. Pero kilangan niyang gawin iyon para agad na makalimot.
   Pag alis niya ng Bulacan ay iiwan niyang lahat ang mga alaala ni Patrick.
  Lalong lalo na ang kataksilan nito.

To be continued.....

For KeepsWhere stories live. Discover now